Chapter 28 *

1.7K 27 1
                                    

Chrysstall's POV...

"Ha?" Muling tanong niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya yun o hindi. Bingi na siya kawawa naman eto oh.

"Ang sabi ko bili mo na akong ice cream at baka isumbong kita na hindi mo ako inaalagaan." I joked him again.

"Narinig ko yung sinabi mo."

"Eh bakit ha ka pa ng ha? Iba din trip mo ano?" Napapailing iling nalang ako. Ako pa talaga nakuhang pagtripan ng lalaking to.

"Ano na ulit yung ipapabili mo?"

"Kitam mo, bingi ka na talaga. Ice cream strawberry flavor."

"Yan lang ba?" Nakukulangan siya sa bilin ko.

Hmmft? Ano pa nga ba ang magandang pabili sa kanya?

"O sige, junkfoods!" Masaya kong sabi sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"No!"

"Tse! Edi makuntento dun sa ice cream. Alis na!" Pagtataboy ko sa kanya. Sabay pout sa kanya. Nakakainis naman talaga siya eh. Kitam mo tatanungin ka tapos hindi rin pala pwede.

Kayanagpaalam na siya saglit at pupunta ng grocery store ang bait talaga netong mokong na to. Ano kayang nakain nun?

Ano pa nga ba ang magandang ipabili? *ting!

Matawagan nga yung taong yun. Kinuha ko yung bag ko at hinalungkat ang cellphone ko. Dinial ko ang numero niya.

Wala pang dalawang ring ay nasagot niya ito. "Please add some fries and burger I really miss those."

"Oh sige, anything princess." Binaba ko na agad at last makabawi na rin akong kumain ng fries. Basta galing jollibee talaga fries is the best.

Sampung minuto na ang nakalipas ay wala parin siya. "Ang tagal naman niya nakakainis." Eto ako kinakalikot ko yung phone ko hinihintay sa pinto ang pagbukas nito.

Wala akong magawa rito sa room ko. Kaya muli kong pinikit nalang ang mga mata ko. Gigisingin naman niya siguro ako mamaya.

"Hello? Hello! Anybody home?" Tawag ko ngunit nag iisa lamang ako sa beach na ito.

Pag gising ko andito na ako hindi ko alam kung sino ang nagdala sakin rito. Ang ganda ng view, white powdered sand at crystal clear yung water. Nagtatampisaw ako dito na parang isang bata ng

biglang...

"Arrrrayy!" Sigaw ko. Bwesit naman nito natusok ako ng sea urchins. Akala ko matitiis ko ngunit maski ihakbang ko yung paa ko ay mas lalong sumasakit.

Umiyak ako nang umiyak. Sigaw ako nang sigaw na sana mayroong tao rito sa lugar na ito at matulungan ako.

Halos mahimatay na ako sa hapdi nito at hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa lugar na to at kung sinong bwesit na walang modong tao yung nagdala sakin dito. Mabilis itong namamaga habang nahahanginan. Pinilit kong alisin ang nakatusok na sea urchin ngunit mas lalo lang itong sumakit na parang mas bumabaon.

Maya maya pa ay may lumapit saking matipunong lalaking topless. Napanganga naman ako sa kanya. Maganda ang pangangatawan niya matipunong lalaki, at ang kanyang tindig Ohhhhh! Myyyyy! Goooosshh! Nakakainlove talaga, with matching six [6] pack abs ang nakadikit sa kanyang katawan. Lumapit na siya at nahawakan ko na sa wakas ang kanyang dibdib na kasing tigas ng bato at dumadagundong sa lakas ng tibok nito. Ngunit bakit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Papalapit nang papalapit ang aming mukha sandali kong nakalimutan yung sugat ko pero hindi natuloy ang nais niyang halikan ako.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now