Chapter 62 *

1.1K 25 0
                                    

Chrysstall's POV..

Umalis muna akong table namin hindi dahil gusto kong malayo sa kanya at nagseselos ako. Gusto ko lang magpahangin dito sa labas ng bahay nila. Gusto ko lang maglakad lakad rito sa park nila.

Gusto kong makapag isip ng mabuti. Bakit naging ganito na ako kasensitive ngayon? Kung tutuusin ay hindi big deal sakin ang mga ganung bagay ngunit kusa kong nararamdaman.

Takot ba akong mawala siya at maagaw ng iba?

O sadyang wala akong tiwala sa kanya?

Inilibang ko nalang muna ang sarili ko rito sa wooden swing nila Ally kung saan kami kanina tumambay ni Keith. Ang kaninang kaba ay nararamdaman ko na naman.

Itinadhana ba talaga kami ni Keith para sa isa't isa? O pinagtagpo upang makalimot?

Hindi ko kailanman naisip na maging rebound siya. Ngunit simula ng dumating siya sa buhay ko at nakilala ko parang nakalimutan ko lahat ng sakit nang nararamdaman ko nung mga panahong nawala si Mark.

Baka nagkataon lang?

Hindi ko naman kinalimutan si Mark sadyang nakapagmove on lang ako sa mga nangyari. Hindi naman kasi pwedeng habang buhay na lang akong nakakulong sa pagmamahal na hindi na pwedeng ipagpatuloy pa. Kasabay ng pagmove on ko sa kanya ay hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ang loob ko kay Keith at yung pinsan niya na lagi namang takaw eksena at si Aaron na minsan ring pasulpot sulpot. Kadalasan noon ay naguguluhan ako kung bakit at bakit ginagawa samin to.

Ano ang dahilan?

Natatawa nalang ako sa maalala ko ang mga yun ay hindi ako makapaniwala na ganito lang ako at ang hahot ng mga lumalapit sakin kaya ako inaaway sa school minsan nun eh. Pinagkamalan pa akong mang aagaw kahit wala akong ginagawa sa kanila.

Tsk tsk. Napakamemorable naman ng school days ko.

Gulong gulo na rin ako nung malaman ko pang dating kasintahan ni Keith si Chloe. Hindi lang pala si Mark ang inagaw ko kay Chloe pati na rin pala raw si Keith. Hindi ko kasalanang minahal ako ng mga taong minahal nuya rin. Nakakapagtaka lang kung bakit noon ay parang hindi sila magkakilala tapos bigla nalang na ganito ang mangyayari na pinalo ako sa ulo dahil sa matinding selos. Ngunit hindi na nag aksaya ang magulang ko na kausapin pa ang mga yun sa hindi rin malamang dahilan.

Natigilan ako sa pag iisip ng may narinig akong nag uusap. Ganito na ba ako katagal nanatili rito dahilan na may sumunod sa walk out eksena ko?

Just kiddin'

Lumapit ako lugar at pwesto kung saan ko narinig ang boses na iyon. Pumuwesto ako sa unahan ng fence ng garden nila in short sa likod nila ako na may kalayuan. Hindi ko lubos maaninag ang kanilang mukha dahil pareho silang nakatalikod sakin.

"Ano?! Hindi nga kasi pwede."

"But I want to!"

dO_ob     nooooo waaay!

"Please. Mag usap tayo. Kung gusto mo pupunta akong condo mo. Free ako ngayon." Pilit pa itong inilalapit ang mukha sa lalaki na siyang umiiwas naman at umaatras ng kaunti ngunit hindi rin nagpapatalo ang babae dahil siya pa itong gumagawa ng sariling galaw upang matupad ang gusto.

"Please wag ngayon."

"Remember may usapan tayo."

Anong usapan naman kaya to?!

"Pwede ba. Maraming tao ang nandito." Hinalikan niya ito sa labi. Kinuha ang kamay ng lalaki at ipinatong sa katawan nito.

Hindi ko magawang tignan silang dalawa dahil masakit sa mata hindi ko kayang tignan ang dalawang taong nagalalandian sa harap ko. Sa dinami dami ng lugar ay dito pa nila nakuhang umeksena.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now