CHAPTER 81 *

1.2K 25 0
                                    

Chrysstall's POV...

Agad na kumunot ang noo ko nung sabihin niya yun. Napatitig ako sa kanya. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Gusto kong matawa sa sinabi as if naman kaya niyang gawin iyon.

"Ha-hahaha. Seryoso ka jan?" Biglang sumimangot ang mukha niya tila nainsulto sa sinabi ko.

"Wag mo kong biruin dahil baka hanap-hanapin mo." Inilapit pa niya ang mukha niya sakin. Napatingin ako sa bibig niyang konting konti nalang talaga at didikit na.

Tug! Tug! Tug! Tug!

Tug! Tug! Tug!

Tug!

Eto na naman ang puso kong traydor.

Hanggang sa...hanggang sa... hanggang sa-

"Halikana. Wag kang umasang hahalikan kita." Tsaka siya lumakad palayo sakin.

Ano? Ganern ganern nalang yun?

Ang bilis niyang maglakad kaya naman tumakbo ako sasakay na siyang elevator kaya naman medyo binilisan ko na. Akma na sanang sasara muli ang elevator kaya hinarang ko na eto.

"Sandddaaaaleee!" Hapong hapo na akong humarap sa kanya. Syett! Ang lakas ba nang aircon at pinagpapawisan ako sa twing titingin siya sakin?

Tulala lang siya sakin. Gusto kong konyrahin ang mga titig niya ngunit siya rin yung unang bumibitaw.

"Tititigan mo nalang ba ako o sasakay ka?" Suminghal pa siya.

Ngayon ko lang narealize na nasa pinto pa pala ako at kasalukuyang tumititig sa kanya.

"A-ah-hahah-. Sandali naman---pagod lang." Pumasok na ako nang tuluyan.

Hindi na niya ako kinibo at naging tahimik na rin ako hanggang sa marating namin ang floor niya. Wala paring pinagbago ang condo niya. Maganda parin siya at malinis. Kung view lang ang pag uusapan ay panalong panalo na 'to dahil sa kitang kita mo na ang dagat sa taas nito. Every floor ay mataas ang consume na space.

"Dito tayo." Muling sabi niya at sumunod naman ako patungong living room niya.

Iginala ko muli ang mga mata to parang kwarto ko na to sa apartment. Nakita ko siyang kumuha ng juice at nagslice ng cake. Lumapit naman ako sa kanya at naupo sa harapan niya. Siguro nga medyo na aawkwardan pa ako ng konti rito sa set up namin.

Kalma lang Chrysstall, mag uusap lang kayo.

"Kumain ka." Sabay lapag ng cake at juice sa harapan ko.

Naupo siya sa tabi ko at---nakatitig?

Naiilang akong kumain dahil sa mga tingin niya. Nanghihina tuloy yung mga tuhod ko. Yung mga tingin niya na nagbibigay kaba sa dibdib ko.

"W-wag mo kong titigan."

"You can't stop me."

Pakiramdam ko ay parang bumabagal ang paglunok ko ng pagkain.

"Im not yet interrogating you but you're so nervous."

LUNOK! BES! LUNOKIN MO YANG PAGKAIN MO.

Halos lumabas sa ilong ko ang kinakain ko sa mga pinagsasabi niya.

"A-ang yabang mo ah."

Minadali kong tinapos ang pagkain ko tsaka sumunod sa office niya sa condo niya.

Sosyal diba? May paoffice office pa ang mokong. Iba na talaga pag bigtime ka.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong kumatok. Kinakabahan na naman ako sa hindi malamang dahilan. Tama ba tong nararamdaman ko?

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now