Chapter 25*

1.8K 29 0
                                    

CHRYSSTALL'S POV...

Nakakainis talaga siya. Tapos para pa kay Pamela yung chocolates kakainin ko na to. Dapat sa kanya basura lang binibigay. Sa lahat ng ginawa niya sakin, dont ever expect that I'll be good upon treating her. Dream on Pamela coz I wont. Isa isa ko na itong binuksan inuna ko yung toblerone.

Agad kong kinuha ang isang slice. "Panget ng lasa, pero pagtatyagaan ko." Hindi ko alam kung bakit ba ako nag iinarte at napabig deal sakin iyon.

Imagine nakapagparty pa siya kung makipaglingkisan kay Keith ay parang walang boyfriend tapos Kuya said that they are in 3years relationship. Ginagago ba ako ng Kuya ko?

Matawagan na nga si Ally.

Calling... Allyssa Babes 😂❤

Nakadalawang dial na ako at mukhang walang planong sagutin. Nag dial ulit ako. Akala ko ay hindi na niya sasagutin mabuti nalang at sinagot naman niya mukhang napakabusy.

"Ohh? Napatawag ka?" Agad niyang sagot sakin.

"Ally? Where are you?" Gusto kong umalis muna dito sa bahay.

"Here on my condo."

"Can I go to your place?" Pakiusap ko.  Sana lang hindi siya busy mababaliw na ata ako rito sa bahay kung ang demonyong pinsan ko ang kakausapin ko lang.

"Sure. But I'll send you my new address." Hindi man lang nagpasabi ang bruha na lumipat pala oh.

"Sige, magbibihis lang ako." Then I hang up.

Laking tuwa ko naman at pumayag kaya dali dali akong nag ayos. Habang pababa ako ay nandoon sa sala yung ugok kong pinsan at sana lang hindi niya ako makita.

Sa kasamaang palad huli na ang lahat.
"At saan naman punta mo?" Pag usisa niya. Napahinto ako sa mismong harap niya.

"Pupuntahan ko lang si Allyssa." Walang gana kong sagot. Nakita ko sa kanya kung gaano siya natigilan sa sinabi ko ngunit nakabawi naman agad.

"N-nang nakashort talaga? Tsaka bakit mo ako iiwan dito?" Eto na naman kami. Parang tatay ko na bumawal sa mga damit ko.

Hindi niya kasi alam ang salitang fashion tsaka okay na ako dito sa blouse kong may short na agad bale sa taas off shoulder then short na hindi naman gaano ka igsi tsaka tinernohan ko ng flat sandals.

"Kung nabobored ka papuntahin mo nalang rito si Pamela. At huwag mong ibabahay yan rito kasi di ko siya type."
Ngayon palang ay gusto ko nang sabunutan tong Kuya ko. Hindi ko papakialaman yung lovelife niya kung hindi niya ako papakialaman.

"She's coming tonight." Mas lalong nasira yung araw ko ngayon dahil jan.

I leave him without saying a word.

Padabog akong lumakad papuntang kotse. Sarap bugbugin talaga yang babaeng yan. Ang tapang na sabihin na boyfriend niya daw si Keith pero in a relationship na pala sa pinsan ko. Ang kati talaga ng babaeng yan. Gusto ko mang kwestyonin ang relasyon nila ngunit ayokong maging dahilan ng pagkasira nito.

Gusto niya akong maging kaibigan,  pagbibigyan ko. Ex vs. present. This would be fun and more exciting.

When I reach the place na ibinigay sakin ni Ally ay nakita ko agad yung building kung saan yung condo niya. Inabangan na niya ako sa baba nakaupo siya sa isang bench kung kaya hindi mahirap hanapin.

Kinalabit ko siya para malaman niyang andito ako busy kasi sa cellphone niya. May katext ata siya nagbeso beso siya sakin at agad naming tinungo ang kanyang silid.

Mas maayos ito kumpara sa dati niyang condo. Mas malawak at glass wall yung paligid kitang kita na rin ang buong subdivision kasi andito kami sa 8th flor.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now