Chapter 24 *

1.9K 36 0
                                    

Chrysstall's POV...

Pagkatapos naming maipamigay ang mga pagkain ay nagpaalam na kami sa mga bata.

"Ate? Uuwi na po kayo?" Habol sakin ng bata habang ngumunguya nguya pa ng chicken joy.

"Oo, may gagawin pa kasi ako sa bahay namin."

Biglang nalungkot ang awra ng bata. Naawa tuloy ako sa kanila. Hindi naman aabot sa sampo ang bilang nila. "Mag iingat po kayo. Sana po makabalik kayo."

Hindi na ako nakasagot sa kanya kaya nginitian ko nalamang siya. Nakakaawa sila kasi walang magulang na nag aalaga sa kanila. Sa edad nila daoat ay naglalaro lang sila at nag aaral ngunit kabaliktaran ang realidad sa iniisip ko. They strive to wake up everyday that may take as a big struggle again for them to face.

Nagpaalam na kaming dalawa ng walang binibitawang salita. Ang mga bata ay hindi nakakalimot sa pangako. Nakakataba sa pusong may natutulungan kang tao. Kumaway kaway ang mga bata samin at napapasigaw na babalik ulit kami.

Hinatid niya ko pauwi kasi may pupuntahan pa raw siyang importante. Kaya eto ako parang kuwago sa bahay na nagtatago.

Humiga na muna ako kasi nahihilo ako dala na siguro to sa init ng panahon dagdag pa yung pagod at puyat ko. Tinatamad kasi akong magdala ng payong tsaka wala akong arte at takot na dumapo sa balat ko yung sikat ng araw. Dagdag mo pa yung puyat ko sa activities.

Saan ka ya pumunta si Matthew? Nakauwi na kaya yun? Baka may date siguro yun.

'What did I say?'

Hayyyy ano ba tong mga iniisip ko. ERASE! ERASE! ERASE! Gusto kong alugin ang utak ko para bumalik sa ayos.

Krrriinnnggg!!!

Sino naman kaya to? Dinampot ko agad ang cellphone ko na nasa paanan ko lang naman. Nakapikit ko pa itong sinagot at ni loudspeaker.

"Baby sis!" Agad naman niyang sigaw. Tinignan ko yung screen ko.  Si kuya lang pala namiss siguro ako nito.

"Ano ba kuya? Hindi ako bingi kaya wag kang simigaw!" Bulyaw ko rin sa kanya sa cellphone. Akala niya ha hindi ko siya gagantihan. d^_^b

"Oh sige, kalma lang, wag magalit okay?" Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko yung itsura niyang nakataas sa ere ang mga kamay at akmang susuko na. May topak din yung kuya ko. Bakit kaya to napatawag, may kailangan kaya siya sakin?

"Bakit ka tumawag kuya? Miss mo ba ako?" Inaasar ko siya, minsan kasi kailangang mag assume.

"Ah sige ibababa ko na ha. Inaantok pala ako." Namimilosopo niyang sabi. Bigla akong napapout sa sinabi niya. Kunwari hindi niya nagustuhan. Asus! If I know hindi ka makatiis pag sinabi kong umuwi ka.

"Sige. Huwag ka na ring umuwi dito kasi hindi ka na maaaring pumasok dito. Oh siya matulog na." Bago ko pa man ibaba ay isang humahalagapak na tawa ang narinig ko. Baliw! Buwesit din minsan yung kuya ko akala mo gwapo eh kahit minsan hindi naman.

Bumaba na muna ako para puntahan si Yaya Elsa sa kusina na nagpeprepare ng lunch. Breakfast lang sa fast food yung nakain ko at maya maya niyan magugutom na naman ako.

"Tulungan na po kita, Yaya." I offer myself.

"Naku Hija. Magpahinga ka na lang jan at maya maya matatapos na itong niluluto kong pang tanghalian niyo." Lumawak naman ang ngiti ko. Dahil sa sinabi niyang 'niyo' it means andito mamaya sila Papa at Mama.

"Dito po ba maglalunch sila Mama?" Excited kong tanong. Minsan lang rin kaming magkakasamang kumain masasabi kong baka mga thrice a month lang iyon nangyayari.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now