CHAPTER 52 *

1.3K 18 0
                                    

KEITH'S POV...

Tsk edi umuwi ka. Tsk.

Mukhang napapadalas na ata tong pagkikipag usap ko sa sarili ko. Baka tuluyan na akong mabaliw nito.

d~_~b

7pm na din hindi ko namalayang hindi pala ako nakapaglunch ngunit hindi rin ako nakaramdam ng gutom o uhaw man lang. Mabantayan ko lang si Chrysstall ay okay na ako.

"Sige. Ingat."  Wala na akong ibang nasabi kaya ayun iniwan niya muna ako dito pansamantala babalik din daw yun.

Inihiga ko na muna ang ulo ko sa kamay niya at hinawakan ko ito upang maramdaman ko kung sakaling gagalaw siya. Na hinihiling kong sana ngayon na.
         
       * Z z z z z z z z Z z z z z z..... *

"Hijo? Hijo. Keith?" Nakaramdam ako ng may yumugyog ng katawan ko ngunit tinatamad akong imulat ang mga mata ko.

"Mmm."

"Hijo. Kami na muna ang nagbabantay."

"A-ahh. T-tita?" Pagtawag ko. Awtomatiko akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang tinig nila.

"Magpahinga ka na muna at pumasok kami na muna ang magbabantay at bukas si Mamang Elsa na ang bahala rito. Dumalaw dalaw ka nalang pag tapos na ang klase mo."

"Okay lang po yun. Nai-"

"Hijo. Kailangan mo ding pumasok. Hindi matutuwa ang anak ko kapag ganyan ka."

Wala naman akong magawa kundi ang sundin sila dahil alam kong para din ito sa ikakabuti ko.

d^_^b

Ikaw lang lagi ang laman ng puso't isip ko Chrysstall...

Ikaw lang...

"Umuwi ka na muna. Nakabalik na si Ally rito at ngayon palang ang gising mo." Natatawa pang sabi sakin ni tita. Ganun na pala ka haba ang tulog ko dahil nang tumingin ako sa relos ko ay 11:35 na nang gabi.

Bakit hindi ko manlang naramdaman ang pag punta niya dito? Ganun na ba ako kapagod na makatulog wagas?

"Masyado nang gabi ngunit mag aalala ang magulang mo at kailangan mong magpahinga." Sabi ni Tito at tinapik ako sa baga.

"Opo tito salamat."

"Wala yun basta para sa ikakasaya ng anak ko gagawin ko't susuportahan."

Nagpaalam na ako at tsaka ko tinungo ang parking lot at dahan dahan akong nagmaneho. Bago ako dumeretso sa condo ko ay may nadatnan akong coffee shop kaya naman napahinto ako at upang hindi ako masyadong antukin sa byahe malayo layo pa yung imamaneho ko.

"Good Morning Sir."

Tsk. Oo nga pala. Gabi akong umalis sa hospital. Inumaga na sa daan.

Binigyan ko siya ng isang ngiti bago umorder.

"One espresso please and garlic bread."

"A total of 685 pesos Sir." Agad ko namang binigay ang bayad ko.

"I'll serve in a minute sir." Sabi ng cashier at binigay ang sukli ko.

Naghanap ako ng bakanteng lamesa at doon na muna nagbasa ng newspaper na nakapatong sa lamesa nito.

Psh. Outdated. Tsk.

"Oh my. For real I saw him!"

"Celine where?! Where is he?"

"Kyyyyyaaah. He's so attractive."

"I'll marry him."

Tsk. Uh oh! Not again. Im taken girls.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now