Chapter 11 ✔

2.8K 53 1
                                    

#FIWYChapter11

Chrysstall's POV..

Natigilan ako sa narinig ko parang nabibingi ako. Tama ba yung narinig ko? Nananaginip ba ako ngayon na ang isang Keith Monteflor andito ngayon sa harap ko at humihingi ng tawad?

Nanatiling nakapokus ako sa kanyang mga mata hindi maproseso ng aking utak at parang napako ako ng husto sa mga mata niyang tila may gustong iparating.

Niyakap ko siya ewan ko kung bakit at para saan. Siguro masaya lang ako ngayon na magiging okay na rin kami sa wakas. Ilang araw kong pinagdasal bago ako matulog na dumating ang araw na magkakasundo na rin kaming dalawa. I hugged him so tight like I'm gonna lose him later on. 

Muli ko siyang hinarap. "Na miss kita. Ik-ikaw ka-kasi eh." Nasabi ko between my sobs and habang pinagpapalo ko siya sa braso niya. Natatawa rin siya at pinupunasan ang mga luha ko. 

Kahit magbestfriend lang kami ay grabe ang epekto niya sakin. Sa simpleng tampo ang ay malaki na ang epekto sa kung anong meron kami ngayon. Hindi ko magawang tiisin siya dahil natatakot na akong umiwas siya ng tuluyan sakin at tiyak na pagsisihan ko talaga. Sounds immature pero ganun talaga eh hindi ko mababago yun o mapipigilan man.

Pagkatapos ng dramahan namin sa labas ay dumiretso kami sa sa sala. Paika ika pa akong lumalakad dahil sa katangahan ko. Inalalayan niya ako para makapasok na dahil mahamog na sa labas. Nagulat ako nang binuhat niya ako. Kagat labi akong ngumiti ng palihim. Iba talaga ang kuryenteng dala niya hindi na ata MERALCO ang andito sa bahay.

Mabait naman kasi si Keith. Maeefort at maalaga ewan ko ba at walang girlfriend to baka naman sa sobrang paghihintay niya ako na ang pormahan nito. I can't imagine ang mga pinag iisip ko ngayon. Napakaassuming ko lang talaga siguro. 

Maski ako ay may kabaliwan nang naiisip. Hindi siya mahirap gustuhin pero natatakot akong mahulog sa kanya at baka hindi niya ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Na baka mareject lang ako dahil may iba siyang gusto at kaibigan lang talaga ang turing niya sakin. 

"Salamat." Masakit na kasing igalaw ang paa ko. Baka naman na dislocate na yung bones ko naku, sira ang kinabukasan ko rito.

"Bakit ka ba kasi natapilok?" Medyo may tonong pag aalala sa kanyang boses.

Napakabossy naman talaga niya. Hindi pa ba ako nasanay dahil siya na rin ang temporary dean ng school namin? Hindi ko nga rin alam kung paano naging pwedeng pagsabayin iyong pag aaral niya at paggabay niya sa university.

Lahat ng tungkol sa kanya ay inexplain niya na ang unibersidad ay ang ipinagkatiwala sa kanya ng parents niya. Kumbaga pinaghati hati na ang kayamanan ng mga mga magulang nila upang mas mamanipula nila ito hanggat maaga pa. May ibang business ring binigay sa kanya ngunit may nakahire na dapat umasikaso nun dahil busy na rin siya. 

"Ano kasi eh, I am in hurry just to find out what's going on outside. Hindi ko kasi makita sa itaas ang nangyayari sa labas so I went downstairs then...ayun na out balanced ako. May something siguro akong natapakan." Pag eexplain ko sa kanya gusto ko na talagang umiyak dahil parang pinaikot talaga na parang rubics cube.

dTT_TTb...

"Baka naman na miss mo lang ako." He immediately reply. Natigilan ako sa sinabi niya.

Sinamaan ko siya nang tingin. Ang feeler naman ng taong to ohh. Oo aaminin kong totoo ang sinabi niya. Ngunit kailangan kong kontrolin muna at itago sa sarili ko. Ayokong magbago ang pagtingin niya sakin.

"Halika ka nga rito. Pagagalingin ko yung paa mo." Pinalapit niya ako.

Nakaupo lang kasi kami sa mahabang sofa namin at pinatong ang paa ko sa maliit na silya.

Falling Inlove With You (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang