CHAPTER FOUR ✔

4K 79 6
                                    

#FIWYChapterFour

***************************

CHRYSSTALL'S POV...

Hapon na kong magising at masakit parin ang katawan ko parang binugbog ako ng limang tao. Binuhat na nga lang ako ni Mark kanina papasok dahil ultimo paglakad ko ay parang hindi ko na magawa pa.

Ngayong medyo maayos na ako ay bumangon na ako at nakaramdam ako ng gutom. Inexercise ko naman ang mga kamay ko na medyo nangalay.
Napagdesisyunan ko na munang bumaba para makapag merienda it's 3:30 in the afternoon.

As unexpected nagulat ako ng makita si Mark.

"B-Babe?" Tawag ko sa kanya at dali dali akong bumaba.

Bakit hindi nila ako ginising?

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya ng makababa na ako.

Hindi man lang kasi siya nagpasabing dadaan siya ngayon at this early. Inayos ko naman ang buhok kong nakalugay lamang. Hindi ko inexpect na bibisitahin na naman niya ako kahit my shift siya ngayong araw. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang iwan ito at lumabas ng hospital.

"Yayain ka sanang lumabas as least naman makapag bond tayo kahit ilang araw diba?" Saad niya.

Eto na naman tayo ehh. Pinapaalala na naman niya sakin yung pag alis niya. Kahit ganun pinilit kong ngumiti sa kanya.

"I-Ilang araw? W-What do you mean?"

Bakit ang bilis naman? Bakit agad agad siyang aalis?

Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Babe, aalis na ako next week. Pinuntahan ko kanina sila Mom about this, then I found out na minamadali na nila ang pag alis ko dahil magbubukas na ang school na papasukan ko."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Eto na naman ang lungkot sa puso ko. Tinap ko naman ang braso niya. Kaya mo yan Chrysstall. Dont let him know that he's your weakness. Dont let him see how weak you are.

"A-Ahh kaya pala. O-Okay ingat ka dun ha."

Tumango naman siya at alam kong gaya ko rin ay nalulungkot siya.

"Ngayon palang ay mamimiss na kita." niyakap niya ako ng napakahigpit.

"T-Teka. Baka hindi na ako m-makahinga" biro ko sa kanya, tipid naman akong ngumiti sa kanya.

"Sorry. Naoverwhelmed lang kasi ako." Mabilis pinunasan naman niya ang mga butil ng luhang tumulo sa kanyang mata.

Niyakap ko ulit siya para maitago lang ang sakit dahil mabilis pa sa orasan ang pagtulo ng luha ko. Eto naman ako parang tanga na hindi mailabas sa harap niya ang totoong nararamdaman ko. Natatakot akong baka maawa siya sakin at hindi makaalis kahit yun pa man ang gusto ng utak ko. Na sana dito nalang siya kaso ayokong masira ang pangarap niya.

Sino ba naman ako para pigilan siya?

"A-Are you okay baby?" Pag aalala niya. Kung pwede ko lang sabihin na hindi sinabi ko na.

"O-oo naman. Hahaha." Pilit na tawa ko.

Hindi naman ako nagpahalatang umiiyak.

"Saan nga pala tayo pupunta ngayon?" nagkunwari na naman akong masaya.

"Hmm. Ikaw ang bahala kung saan ang gusto mo."

"S-sige bihis lang ako ha." I grab that opportunity para makalayo agad sa kanya.

Tumakbo ako papuntang kwarto ko at agad koi tong ni lock. At dun na bumuhos ang mga luha ko na gusto nang kumawala. Ghad! Bakit ba ganito nalang ako masaktan. Gusto kong isigaw sa kanyang wag niya akong iwan.

Falling Inlove With You (EDITING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu