Chapter 50 *

1.3K 18 0
                                    

KEITH'S POV...

"Please never leave her no matter how hard the consequences is."

Unti unti kong nilingon si Tita na bakas ang lungkot sa mukha niya. Naupo naman siya sa tabi ko. Hindi ko man alam ang nararamdaman niya ngayon pero ramdam ko naman ang lungkot niya. Nagsimula nang magbagsakan ang luha niya kaya hinagod ko naman ang likod niya. Hindi naman kami gaanong close ng parents ni Chrysstall dahil hindi ko naman sila araw-araw nakikita hindi tulad ni Christian na kahit bihira lang kaming magkausap ay magaan naman ang loob ko sa kanila.

"Please stay in her side. She needs you."

Hindi ko alam kung bakit sinasabi to ngayon ni Tita. Pero alam kong wala na silang maaasahan dahil pareho silang busy sa trabaho para din sa kapakanan ni Chrysstall.

Alam kong nakakapagtampo man ang magkaroon ng busy na mga magulang dahil hindi tulad ng ibang normal na pamilya na napapadalas ang bonding at quality time together ay kabaliktaran naman nung sa kanila.

"Y-yes tita. I'll be her companion from now  on lalo na't masyado siyang mahina para harapin ng mag isa ang mga problema niya. I'll never let myself missed every actions she will make at my side." Seryoso kong sabi.

"Salamat dahil nandiyan ka. Nung namatay yung si Mark hindi ko alam kung paano ko siya kakamustahin at ang nararamdaman niya kahit sabihin ko pang safe naman ang puso niya. Hindi siya mahilig mag express ng emotions niya kaya natatakot akong baka masyado siyang madepress but she survive on that."

Hindi ko pa naman nakitang umiyak si Chrysstall ng grabe at todong hinagpis. Lahat ay normal na nararamdaman mula nung una ko siyang makitang umiiyak sa park noon. Yung tipong nagshare siya ng problema sakin kahit hindi niya ako kilala.
"Marahil hindi ko siya nakitang lumaki dahil palagi kaming busy ng daddy niya. Hindi kami naging aware sa nararamdaman niya. Malalaman mo rin namang nasasaktan siya pag nag umpisang umiiyak na siya. Kaya ang sakit lang ngayon na ganyan ang nangyari sa kanya. Yung nakaratay ang anak mo ng hindi mo alam ang gagawin. Hindi ko namamalayang matanda na rin ang anak namin. She learn to manage decisions very well. Ni hindi nga namin siya kinokontra dahil sa huli papangaralan niya lang kami." Bahagya pang natawa si Tita.

Masaya na rin ako kahit papano ay mas nakikilala ko ngayon ang taong minahal ko at mga pinagdaan niya kung bakit minsan masaya siya at minsan napakalungkot niya.

"Hindi ako tumututol sa relasyon niyo dahil may tiwala ako sa inyong dalawa. Ang hiling ko lang ay sana ingatan mo siya kahit wag mo nang ipangako."

"O-opo Tita."

Maya maya pa ay sabay na kaming umalis at nag abang sa labas ng operating room. Makikita ko rin ang mga taong nasa loob nang operating room maging ang ginagawa niya ngunit nakalihis sila sa pinto.

May kung ano ang inaapply nila sa ulo ni Chrysstall maya maya pa ay... bigla aoong napatayo dahil sa pilit na--- NIREREVIVE NILA SI CHRYSSTALL...

What? Anong nangyari?

"Keith. Hindi ka pwede jan." Dinig ko pang pigil sakin ni Tita.

"Wake her pulse in 1...2...3...Clear!"

Doon ko naman wala sa sariling napihit ang pintuan ng O.R...

"1...2...3...CLEAR." pag uulit nang doktor.

"Anong nagyayari doc?"

"Sir hindi po kayo pwede rito." Pag aawat ng nurse sakin.

"No. What happened to my girlfriend?!" Galit kong tanong sa kanila. Hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam ko ngayon.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now