Chapter 48 *

1.2K 27 0
                                    

Chrysstall's POV...

"CLAP CLAP CLAP. MAGALING MAGALING." Sarkastikong palakpak mula sa likuran namin.

This is another scene again. Pasasayahin na naman nila ang buhay ko ngayong araw!

Unti unti naman kaming napalikod kung sino iyon at...

SINA CHLOE, CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Oh the bitches. Hindi ba to titigil?

"Ano na naman ba ang kailangan niyo sakin?" Kalmado kong sabi sa kanila. Ayokong tuluyang masira ang gabing to.

"Oh we meet again Chrysstall!" Mukhang amaze na amaze pa siyang makita ako. Lumapit pa siya samin. Hinawi pa niya ang rebonded niyang buhok sanka pinagcross ang braso niya.

Tsk tibay!

"Yeah! Hindi ka ba nagsasawa sa mga eksena mo?"

"Hindi! Ineenhoy ko nga eh."

"Pwede ba tumigil ka na. Tigilan mo na ang pagiging warfreak mo at wala kang mahihita sakin."

"Wala nga ba?" Sabay niya akong hinawakan at tinulak dahilan para bumalibag ako at mapaupo sa sahig.

May kalakasan ang pagtulak niya sakin kaya hindi ako agad nakabangon. Pati yung tuhod ko napasubsob sa sahig. Mabuti nalang at nakajeans ako kaya hindi ako madaling magasgasan.

Tiisin mo ang sakit Chrysstall wag kang papaapi sa kanya. Tumayo ka.

"Mukhang madudumihan ata tong damit ko ng ganito kaaga ahh." Ngumisi pa ako sa kanya para maitago ang sakit sa braso ko. Hindi ko naman hahayaang ako na naman ang magmukhang kawawa saming dalawa.

"Nagtatapang-tapangan ka na naman ha?" Tumawa tawa pa siya at hindi na talaga ako natutuwa sa kanya. Wag mong ubusin ang pasensiya ko at kung ayaw mong pagsisisihan mo to.

"Ang lakas mong mag advice sa taong to?" Turo niya kay Dianne. "Tsk wag ka kasing magmalinis na para bang ang bait bait mong tao pero nasa loob din pala ang kulo mo."

"T-tumingil ka nga Chloe wala naman siyang g-ginagawa sa inyo ah." Pagtatanggol niya sakin.

"At sino ka naman ha?! Si Darna?" Sabat ni Alex.

"Look Dianne, Umalis ka jan at hindi ikaw ang binibisita namin!" Saka naman siya inihagis ni Chloe tulad ng ginawa niya sakin at natumba siya gaya ko.

Tss. Sumabat sabat ka pa kasi. Ang pasaway rin.

"Guys, look! Nag aaway sila."

"Wag kang makisali jan baka madamay pa tayo."

Dinig ko ang mga bulong bulungan sa ibang room ng mga estudyante. Now this is a great show for them.

"A-aray! Ang s-sama mo." Reklamo niya kay Chloe.

Napanting naman ang tenga ni Chloe, nilapitan niya si Dianne at pinatayo sa paraan ng paghila ng buhok.

"A-ahh a-aray ano ba!"

"Oo masama talaga ako at masaya ako sa pagiging masama ko basta makaganti lang ako. Naiintindi mo ba ako?" Singhal sa kanya ni Chloe at kitang kita sa mukha niya ang sakit at takot.

"A-ako ang pakay mo diba? Bakit ka pa nandadamay?"

Binitawan niya naman si Dianne at sumugod sakin."Oo ikaw at ikaw lang." Hinawakan niya ang buhok ko sakto lang upang makaramdam ako ng sakit.

Marami na ring mga estudyanteng nakatingin sa eksenang ginagawa ni Chloe at mga kaibigan niya. Masyado siyang warfreak pero ayaw naman niya akong deretsuhin.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now