Chapter 13 *

2.9K 50 3
                                    

#Chapter13

CHRYSSTALL'S POV...

Maaga akong nagising dahil bumili ako pa ako ng damit para kay Keith upang magkasabay na kaming papasok ng school.
Mabuti nalang at wala kaming uniform kaya walang problema kung hindi ay lagot talaga siya sakin. Hindi na siya nakauwi dahil sa sobrang lasing niya. Hindi ko naman alam ang number ng parents niya o kaya ng kapatid niya man lang para ipasundo siya. Nakakahiya naman sa kanila na ibabalik ko sa kanila ang anak nila na ganito ang kalagayan.

Binilhan ko nalang siya ng pants at polo shirt at siyempre yung brief niya para may panloob siya.

Kahit paika ika akong naglalakad ay nakauwi parin naman ako ng buhay sa bahay.

5:00 am na kaya pwede ko na siguro siyang gisingin. Pati yung katawan ko ay sumakit na sa kakabuhat sa kanya kagabi.

Pinatong ko na sa tray muna yung water at gamot para sa tama ng alak panigurado sasakit ang ulo niya sa dami ng nainom niya kagabi.

Hindi masyado akong nakatulog dahil sa pinagsasabi ni Keith kagabi. Pinacucurious niya ako. Yun bang bawat salita niya laging may kahulugan. Pinapalakas niya palagi ang kabog nitong dibdib ko. Zombie mode ako ngayong naglalakad dahil kulang talaga ako sa tulog.

Para ngang kasing lalim na ng lupa yung mga mata ko.

Bakit ko nga ba yun pinag iisip kagabi? Tsk! Tsk!

Zzzzzzzzz....

Kinatok ko yung pinto ng guest room para maihatid ko na. Pero sa kasamaang palad walang nagbubukas. Kaya binuksan ko nalang ito.

OMG!!! dO_Ob

Nagulat ako ng makita siyang nakahubad hanggang ibaba. Akala mo naman hindi aircon na kung makahubad wagas. Medyo tinakpan ko yung mata ko dahil hindi ako sanay na nakakakita ng ganitong klaseng tao kung matulog.

Maski si Kuya ay nakadamit siya lang ata ang pinakamalala.

Tinapik ko siya para magising pero ang himbing ng tulog. Mabuti nalang kamo may kumot na nakapulupot sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

d'~_~b

"Keith?" Sabay yugyug sa kanya mahina man pero sapat na para siya'y magising.

"Hmmmmm."

"Bumangon ka na nga jan. May gamot ka dito."

"Mmmmm"

Paulit ulit nalang na ganoon ang sagot sakin. Nananadya ba to? Kahit na gwapo to eh matatadyakan talaga to sakin. Ang ayoko sa lahat ay ang pinahihirapan pa talaga ako.

"Gising na tatanghaliin tayo."

"Mmmm."

"Babangon ka ba jan o ihuhulog kita sa kama?!" Napupuno na talaga ako sa kanya eh.

Pero hindi parin kumilos. Tinry ko na rin siyang sipain ng mahina ngunit ayaw talagang bumangon. Malelate ako nito sa ginagawa niya eh.

"Ah? Ayaw mo ha teka." Humahanap ako ng buwelo para gisingin to ng bonggang bongga.

"Aaaahh-arayy! Kei-keith te-teka lang!"

Mas mabilis siya sakin akala ko hindi magigising pero huli na pala ang lahat. Nagmadali siyang bumangon ng maramdaman ang presensiya ko.

Kinikiliti niya ako akala mo naman bata tong katabi niya. Pagkatapos nun ay hinampas ko siya sa baga. Humiga na naman siya tsaka pinikit na naman niya yung mga mata niya.

"Aray!" Pagrereklamo niya.

Kinurot ko kasi siya sa mismong? ABS? Paano ba naman ayaw niyang magising. Niloloko pa niya ata ako eh.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now