CHAPTER 73 *

1.2K 16 0
                                    

CHRYSSTALL'S POV...

Maaga kaming pinauwi ng boss ko habang si Lilia naman ay nauna na kasi magpapadala pa raw siya ng pera sa pamilya niya sa probinsiya.

Kakarating ko lang ngayon sa school ng anak ko. Palagi ko kasi siyang sinusundo kahit kasama niya ang yaya niya. Hindi kasi siya masusundo ng Daddy niya dahil 6 ang out sa trabaho.

Bumaba na ako ng kotse ko at may dala akong pagkain na inorder ko sa isang fastfood chain. Alam kong napagod ang anak ko sa kakalaro sa kaklase niya. May play ground kasi sila malapit sa classroom nila. Yung yaya naman niya ay nasa shed malayo sa classroom ng mga bata upang hindi raw madistruct yung mga bata tuwing may activity.

Maya maya pa ay nakita ko na ang anak ko.

Bakit sila magkasama?

Ano na naman ang ginagawa niya dito?

Hindi ko alam kung ano ang naiisip kong ito. Ano naman ang pakialam ko kung magkasama sila. Teka! Bakit parang umiiyak yung anak ko? Ano na naman ang ginawa niya? Siya ba ang umaaway sa anak ko?

Nooooo. Erase! Erase! Erase! Napakaimature naman nun kung ganun ang gagawin niya. Nakakainis naman to!

"Mommmmmmyyy! Huhuhu." Agad na bitaw niya sa kamay nito at tumakbo papunta sakin.

Lumuhod naman ako para mayakap siya. Pinunasan ko naman ang luha niya dahil mukhang kanina pa ito umiiyak.

"Baby? What happened? Sinong umaway sayo?" Naaawa kong tanong sa kanya. Parang may hinanakit talaga ang pag iyak ng anak ko.

Bakit ba sa tuwing uuwi kami ay may problema tong anak ko?!

"They...they...bully me here...at school. They... say...Im...Im...ugly. Huwwwaa."

"Sshhh! No you're not ugly baby. Daddy said your the cutest right?" Tumango naman siya sakin kaya niyakap ko siya upang tumahan na sa pag iyak.

Napatingin naman ako kay Keith na naiilang siya sakin at napabuntong hininga pa siya.

"Your son?" Hindi na niya napigilang itanong sakin.

Pilit naman akong ngumiti sa kanya at kinarga ang anak ko. Tatawagan ko nalang si Abby para kunin ang gamit ni Yssan.

"Abby. Im here at Montesorie come over here at playground we will go in a minute." Sumang ayon naman siya kaya binaba ko na ito.

"Shhh! Dont cry na ha. May dala si Mommy O. You wanna eat?" Umiling iling naman siya sakin saka isunobsob ang mukha sa balikat ko.

"Okay were going home."

"Ako na kakarga sa kanya mukhang pagod ka." Biglang offer niya ng sarili niya. Kaya ko pa naman ngunit nihihilo ako ng konti.

"Yssan? Anak, si Tito Keith muna kakarga sayo ah nahihilo kasi si Mommy." Agad naman siyang lumipat kay Keith tsaka isinubsob ang mukha sa baga niya. Bakit ba ang tagal ni Abby? Kanina ko pa iyon tinawagan ah.

Pinunasan ko muna si Yssan dahil pawis na pawis parin siya hanggang sa kinuha niya ang towel sakin at siya na ang kusang gumawa.

Tsk. Awkward!

Parang walang nangyari kanina samin hindi ko maintindihan. Normal lang kaming makitungo sa isa't isa ngunit nakakaramdam ako ng konting ilang sa kanya.

Tinignan ko ang anak ko at mabilis siyang nakatulog. Bagay pala silang dalawa, nawiwili akong pagmasdan silang dalawa. Sana nga siya nalang ang hiniling kong maging sa tabi lagi ni Yssan. Sana kami nalang yung magkasama ngayon. Ngunit hindi na pwede dahil may kanya kanya na kaming buhay ngayon. Yung taong gusto ko sanang makasama sa buong buhay ko ay nawala na parang bula. Mabuti nalang at hindi siya ang AMA ni Yssan dahil ayokong maging magkatulad sila.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now