The Decent Son (48)

6.8K 210 10
                                    

Christian POV

Nagising ako mula sa matinding hilo palo sa ulo na naramdaman ko bago ako mawalan ng malay.

Sa pagmulat ng mga mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na lalake na nakaupo sa isang upuan habang may hawak itong baril at nakatingin sa'kin. Hindi ko pa man siya nakikita in person pero alam kong si Derek 'to. Pinakitaan na 'ko ni Mr. Ferez ng litrato niya kaya alam ko na ang mukha niya.

"Gising na ang Prince Charming." He said smirking, evilly.

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko kaso nahirapan ako dahil nakatali ang mga kamay ko sa pinagkaka-upuan kong upuan.

"Kilala mo ba 'ko?" Tanong niya.

"Oo!"

"Kung gano'n alam mong mamamatay ka na dito."

"Ano bang kailangan mo sa'kin?" Tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot, dahil 'yon sa iisa lang ang babaeng mahal namin. Gusto ko lang mapahaba ang usapan para makapag isip na din kung paano makakaalis dito.

"Hindi mo talaga alam?" Tumayo siya at humakbang pa papalapit sa'kin. "Nandito ka para mamatay dahil inaagaw mo si Yen sa'kin." Dagdag niya.

"Hindi ko inagaw si Yen, tapos na kayo. Akin na siya at ikakasal na kami!"

Tumawa lang siya ng sarkastiko dahil sa sinabi ko. "Tingin mo talaga matutuloy 'yon? E mamatay ka na dito e. Kapag namatay ka na, ako na ang pakakasalan niya. Magsasama kami habang buhay at bubuo ng pamilya. Gagawa kami ng maraming-maraming anak-"

This time ako naman ang tumawa sa mga sinasabi niya kaya naputol ang pagsasalita niya. "Sige mangarap ka lang! Libre lang naman 'yan e."

Bigla tinutok ang baril sa ulo ko. Idinikit pa niya 'to sa forehead ko pero hindi ko pinakitang natakot ako sa ginawa niya. Tumitig pa din ako sa mga mata niya. Kailangan kong maging kalmado at hindi magpatalo sa takot dahil kung pangungunahan ako nun baka hindi ko na makita si Yen. Gusto ko pa siyang makita at pakasalan, gusto ko pa siyang makasama ng matagal.

Ngumisi siya sa'kin tsaka niya tinanggal niya ang baril na nakatutok sa ulo ko. "'Wag kang magaalala hindi pa kita papatayin sa ngayon, hihintayin ko pa si Yen para gawin 'yon. Ipapakita ko sa kanya ang pagka-matay mo para pumasok sa ulo niya na lahat ng lalakeng mamahalin niya maliban sa'kin mamamatay."

"P-pupunta dito si Yen?!"

"Gano'n na nga!" Tumingin siya sa wrist watch niya. "Wala nang isang oras at nandito na siya."

I chuckled, sarcastically. "Tingin mo ba talaga hahayaan ng mga guards niya na umalis siya sa Mansion?"

"Hindi mo ba na ge-gets? Kung hindi siya pumunta mamamatay ka!"

"Papatayin mo rin naman ako kahit na pumunta siya 'di ba? Anong pinagkaiba nun? Hindi siya mamapa-sayo, sinisigurado kong hinding-hindi ka na makakalapit sa kanya!"

"Kung hindi siya mapapa-sa'kin, hinding-hindi rin siya mapapa-sayo. At alam mo kung anong pinagka-iba lang natin 'pag nangyari 'yon? Ako buhay, ikaw patay!"

I smirked at him. "At least hindi pa din siya mapapasayo!" Bigla niya akong sinuntok ng malakas. Sobrang lakas ng impact ng suntok niya natumba ang upuan na pinagkaka-upuan ko kaya nadamay din ako.

Bwiset!

May tumulong sa'kin para ayusin ang pagkakaupo ko. Dumura ako dahil may nalalasahan akong dugo sa bibig ko.

"Kapag nag salita ka pa nang hindi ko magugustuhan, aabutan ka ng patay dito ni Yen!" Banta niya habang ang sama ng tingin sa'kin.

Tumalikod na siya at nag lakad pabalik sa inuupuan niya kanina. Umupo siya ulit dito at tumingin sa'kin.

The Decent SonWhere stories live. Discover now