The Decent Son (11)

7.7K 248 12
                                    

Papunta ako ngayon sa Building ng Ferez Corporation. Dito ko planong mangutan- i mean nandito pala 'yung uutangan ko.

Day off ko ngayon kaya sa wakas ma-a-asikaso ko na 'yung pang pyansa kay Lala.

Pag dating ko, dumiretso ako sa information desk.

"Ms. Nandyan ba si Allysa Ferez?" Tanong ko.

"May appointment po ba kayo sa kanya?"

Umiling ako. "Wala eh. Gusto ko lang malaman kung nandyan siya."

"She's at her office pero hindi ko po kayo pwedeng papuntahin dun kung wala kayong appointment sa kanya."

"Pwede mo bang sabihin sa kanya na nandito si Yen Salvador, kilala niya 'ko."

"I'm sorry Ma'am pero hindi pwede."

"Please, kailangan ko siyang makausap. Importante 'to!"

Mangungutang ako! Wala ng mas i-importante pa dun.

"I'm sorry po pero hindi pwede."

"Kahit pasabihan mo nalang siya sa secretary niya."

"Hindi po talaga pwede."

Haay! Pambihira naman oh! Iinisin pa ata ako ng babaeng 'to!

"Miss, tawagan mo na 'yung secretary niya at sabihing may Yen Salvador na nag hahanap sa kanya dito. Kapag hindi mo siya tinawagan, matatanggal ka sa trabaho. Sinisigurado ko 'yun!" Banta ko.

Napa blink siya sa'kin ng mabilis at tila umpekto naman agad ang banta ko. Hu! Salamat naman.

Kinuha na niya 'yung telepono para siguro tawagan 'yung secretary ni Allysa.

"Hello Ms. Gonzalez, may nag hahanap po kay Ms. Ferez dito sa information desk na ang pangalan ay Yen Salvador... Sinabi ko rin naman po 'yun sa kanya kaya lang kilala daw po siya ni Ma'am... Importante daw po... okay po, paakyatin ko na siya dyan."

Ibinaba na niya 'yung telepono.

"Ma'am pwede na po kayong pumunta sa office ni Ms. Ferez sa 26th Floor, 'yung pangatlong elevator nalang po ang gamitin mo."

Ngumiti ako ng sobrang laki, hinawakan ko pa siya sa kamay at pinag-shake hands ang kamay namin. "Salamat, Miss."

Nag simula na 'kong mag lakad papuntang elevator sa pangatlo tulad ng sabi sa'kin nung babae. Nang mag bukas 'to, dali-dali akong pumasok at pinidindot ang pang 26th floor.

Nang makarating ako sa tamang floor may nag abang sa'kin na isang babae na tingin ko ay kasing edad ko lang.

"Ms. Yen?" Tanong niya.

"Yup! Ako nga 'yun."

Ini-lead niya kami ng daan papunta sa office ni Allysa. Habang unti-unting nakakalapit kami sa office niya, pabilis ng pabilis ang takbo ng puso ko. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong i-e-expect sa muli naming pagkikita pagkatapos ng maraming taon.

Pag bukas ng pinto, nakita ko si Allysa sa tapat ng table niya parang hindi mapakali habang naglalakad at may kasamang pag shake pa ng kamay. Feeling ko pareho kami ng nararamdaman.

"Ma'am, Ms. Yen is here." Sabi ng secretary niya kaya nabaling ang tingin sa'min. Ngumiti siya ng sobrang laki tsaka siya tumalon.

"ATE!!" She screams. Tumakbo siya papalapit sa'kin at bigla akong niyakap. "I really missed you Ate." Bulong niya.

Tinapik ko ang likod niya. "Ako din." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Wow! Kahit years na ang nakalipas Ate, hindi pa rin matatago ang dugong Ferez sa'yo."

The Decent SonWhere stories live. Discover now