The Decent Son (16)

7.9K 268 5
                                    

"Papasok na 'ko, ikaw na ang bahala dito sa bahay!" Pagpapaalam ko sa kapatid ko.

"Give me the key, I'm going out too."

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko.

"Mag hahanap ng work."

"May matino ka na kasing trabaho, inalisan mo pa!"

She rolled her eyes. "Ate, 'yun ang pinaka bored na trabaho sa lahat that's why I'm here."

"Fine!" Inabot ko nalang sa kanya 'yung susi. "'Pag lumabas ka ng bahay at may nanggulo sa'yo dito sabihin mo sa'kin, uupakan ko."

"Okay!" Nakangiti niyang sagot.

Nag lakad na 'ko palabas ng bahay pag-katapos kong mabilinan ang kapatid ko.

Habang nag lalakad papuntang kanto may narinig naman akong tumawag sa'kin. Nang lingunin ko 'yun si Lala naman ang nakita ko na tila may lakad.

"Saan gala?" Tanong ko.

"Trabaho."

"Talaga? Anong trabaho mo?"

"Sales lady ng mga damit sa palengke. Madali lang maka pasok dahil hindi kailangan ng NBI at Police Clearance."

"Magandang simula 'yan."

"Salamat. Gusto ko din makatulong sa'yo para bayaran 'yung pinang pyansa mo sa'kin eh."

"Ano ka ba, 'wag mo ng isipin 'yun kaya ko na 'yun. Mag focus ka na lang dyan sa pang araw-araw nyo ng future baby mo at mga pang vitamins."

"Nakakahiya naman kasi sa'yo, ang laking pera nun."

Tinapik ko ang balikat niya. "Wala 'yun nu! Tulungan mo nalang akong masigurong safe ang kapatid ko dito, ayos na sa'kin."

Tutal sa kanya naman galing ang pera.

"Oo ba! Akong bahala. Pasasabihan ko 'yung mga tropa natin dito na bantayan ang kapatid mo."

Ngumiti ako. "Salamat."

Nag hiwalay na kami ng landas ni Lala dahil papunta siyang palengke ako naman ay pasakay ng jeep.

Habang nag hihintay ng Jeep na masasakyan may biglang huminto na itim na kotse sa tapat ko. Binaba ang bintana mula sa backseat at nakita ko si Papa.

Shit!

Biglang kumabog sa kaba ang puso ko.

"Get in!" Utos niya.

Binuksan ko ang pinto mula sa backseat at sinunod ang gusto niyang sumakay. Sa pagsara ko ng pinto sinimulan agad ng driver ang mag maneho.

"Tell your sister na umuwi." Sabi niya ng wala manlang pangungumusta. Ugali pa din talaga niya ang hindi nag paligoy-ligoy.

"Ayaw niyang umuwi. Hindi ko siya mapipilit. Hindi niya gusto kung paano mo siya kontrolin kaya siya lumayas."

"I just don't want her na matulad sa'yo!"

"Pareho lang po tayo!"

"Kung ganun, pauwiin mo siya!"

"Siya ang kausapin mo tungkol dyan." Binaling ko nalang ang tingin ko sa driver. "Itabi mo na 'to!" Utos ko.

"No, keep driving!" Utos naman ni Papa.

Tumingin ako sa labas ng bintana na may inis sa mukha ko. "May sasabihin pa ba kayo? May trabaho pa po kasi ako."

"Meron pa."

"Ano 'yun?"

"Kinausap ko na 'yung abugado ko tungkol sa mamanahin mo sa'kin. Maaga ko 'yung ibibigay sa'yo. Mag simula ka at gamitin mo ang pera. Umalis ka din sa tinitirhan mo at humanap ng iba. Sapat ang mana mo para matinong buhay."

The Decent SonWhere stories live. Discover now