The Decent Son (43)

6.1K 185 7
                                    

Lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Kahit naman gusto ko na lang mag stay sa kwarto para iwas talakan namin ni Mae, nagugutom pa din naman ako.

Dumiretso ako sa kusina paglabas ko ng kwarto. Luckily, mukhang nasa kwarto din niya si Mae kaya hindi ko siya nakita.

Nag luto na lang ako ng pwede kong kainin. Sana matapos akong makapagluto at makakain ng tahimik at walang malditang Mae na manggugulo sa'kin.

"Ate," Dinig kong tawag ni Dylan sa'kin habang nag luluto ako.

Tumingin ako sa direksyon niya at kita kong bihis na bihis siya na mukhang may lakad.

"May date ka ba?" Tanong ko.

He laughed. "Wala. Makikipagkita lang ako sa mga kaibigan ko."

"I see. Uhm... Dylan, pwede ba 'kong humingi ng favor sa'yo?"

Kailangan ko nang masabi ang idea ko para mahanap ako nila Papa at Christian. Sana lang talaga, tulungan niya ako.

"Oo naman, Ate. Ano ba 'yon?"

"Kasi uh... 'Di ba sabi mo i-che-check mo 'yong family ko para sa'kin?"

"Oo."

"Uhm... Uh.... Pwede bang kausapin mo sila at sabihin kung na saan ako?"

Nakita kong na bigla siya sa sinabi ko.

"A-alam kong parang pagtataksil 'yon sa Kuya mo, pero sana tulungan mo pa din akong makaalis dito."

"H-hindi ko alam Ate, h-hindi ko ma-i-papangako 'yan."

"Please Dylan. Namimiss ko na 'yong pamilya ko at 'yong... boyfriend ko."

"Uh... S-sige, gagawin ko."

Oh my god!

"T-talaga?"

"Oo."

I smiled, happily. "Salamat."

"Sige, aalis na 'ko." Pagpapaalam niya. Tumango lang ako sa kanya nilang tugon tsaka siya nag lakad paalis.

Oh my god! Tutulungan niya nga talaga ako. Kung gano'n malapit ko nang makita ulit si Christian.

Nang matapos ako sa pagluluto ko nang tanghalian ko. Sinimulan ko na agad ang kumain. Hindi pa man din ako nangangalahati sa kinakain ko bigla namang pumwesto sa pag-upo sa tapat ko si Mae.

"Pwede ba, gusto ko ng katahimikan sa pagkain ko." I told her.

"Hindi ako nandito para guluhin ka, narinig ko kasi kayo ni Dylan at nalaman kong may boyfriend ka."

Shit! Ibig sabihin narinig niya lahat ng pinagusapan namin ni Dylan? Paano kung sabihin niya 'yon kay Derek? Siguradong pareho kaming lagot ni Dylan kay Derek.

"'Wag kang magalala, wala akong planong sabihin kay Derek ang pinagusapan nyo. Pabor pa nga sa'kin e, kasi kapag nahanap ka na ng boyfriend mo, mawawala ka na dito at masosolo ko na ulit si Derek." She said sensing my thought.

It's a relief kung gano'n.

"Ano'ng pangalan ng boyfriend mo?" Tanong niya.

"Fiance," Pagtatama ko. "Christian ang pangalan niya."

"Pangalan palang mukhang mabait na."

"Tama ka." Malayong-malayo siya kay Derek. Gusto ko sanang i-add 'yan kaso hindi ko na ginawa.

"Alam mo napapaisip ako e. Obvious naman na parang baliw sa'yo si Derek pero bakit hinayaan niyang magkalayo kayo, kung ayaw naman pala niyang mawala ka?"

The Decent SonOnde as histórias ganham vida. Descobre agora