The Decent Son (41)

6.5K 187 9
                                    

Yen POV.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang agad ang nakita ko, medyo blurd at hilo pa rin ako.

"You're up!" Parang biglang nawala ang hilo ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Tumingin ako mula sa right side ko. Panlalamig, takot at nerbyos ang maramdaman ko nang makita si Derek na nakaupo lang habang nakatitig sa'kin. Umupo agad ako mula sa pagkakahiga ko, nakaramdam ako ng panginginig.

"Hey, that's okay my love. You are safe here."

Safe? Safe ako dito? Nagbibiro ba siya? Kailan pa naging safe ang makasama siya?

Oh gosh! Paano na ngayon? Na sa kanya na 'ko. For sure nag aalala na si Christian, si Papa at si Alyssa. Ano'ng gagawin ko?

"My love," Tawag niya sa'kin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa upuan at this time sa kama na siya umupo at hinawakan pa 'ko sa magkabilang pisnge.

Hinawi ko ang mga kamay niya. "'W-wag mo 'kong hahawakan!"

He sighed. "My love hindi naman kita sasaktan e. Siguro nga noon na pagbubuhatan kita ng kamay pero iba na ngayon. Hindi ko na gagawin 'yon sobrang nagsisisi na 'ko, maniwala ka. Nagawa ko lang naman 'yon noon dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo e. Alam mo namang mahal na mahal lang kita 'di ba? Pasensya ka na talaga." Seryoso niyang sabi. Nando'n ang senseridad niya pero nando'n pa din ang evil awra niya.

"Kung mahal mo talaga ako, pakakawalan mo 'ko!"

"Ayoko lang na mawala ka pa! 'Yong Papa mo, ayaw niya sa'kin. Tapos may gagong lalake pa'ng umaagaw ng atensyon mo sa'kin. Ayaw ko ng may kahati Yen, alam mo 'yan kaya sorry hindi kita pakakawalan. Mahal kita, mahal ko at sobrang miss na miss kita."

"Hindi na pagmamahal 'yan, obsession na 'yan!"

"Alam ko, pasensya ka na. Ganito ako magmahal e." Kinuha niya 'yong kamay ko para hawakan at hinalikan pa 'to.

Hinila ko naman agad ang kamay ko. Hindi ko kayang tiisin na may na magtama ang balat namin.

Biglang nag bukas ang pinto ng kwarto at isang babae ang nakita ko. Tumingin sa'kin 'yong babae at ang sama niya makatingin.

"Handa pagkain ng babae mo!" Irita niyang sabi kay Derek tsaka niya din naman agad na sinarado ang pinto na may pagdadabog.

"Pag pasensyahan mo na ugali ni Mae a, gano'n lang talaga 'yon. Pero 'wag kang mag alala hindi ka niya sasaktan." He reassured me.

Tumayo na siya at ini-offer ang kamay niya sa'kin. "Tara na? Panigurado gutom ka na."

"Gusto ko pa muna mag stay dito."

"Yen, alam mo namang ayaw kong nagugutom ka. Sige na, kumain ka muna."

Umiling ako. "Lumabas ka na. Gusto kong ma-pagisa."

"Pero Yen," Huminto siya sa pagsasalita at huminga ng malalim. "Sige, hahayaan na muna kita dito. Magpahinga ka pa kung gusto mo." Pagkasabi niya no'n nag lakad na siya palabas ng kwarto.

Para akong nakahinga ng maluwag dahil sa pagalis niya. Pero kahit gano'n hindi pa din nawawala ang takot ko ngayong nasa puder na naman ako ni Derek.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko alam kung paanong makakaalis dito.

Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko e. Bakit hindi na lang ako nag stay sa Mansion kung saan mas safe?

Kailangan kong makaalis dito. Ayaw ko dito. Kaya lang paano?

Inilibot ko ang tingin sa paligid ng kwarto. Ni wala ngang bintana dito para labasan. Haay!

Ibinagsak ko na lang ulit ang katawan ko sa kama tsaka ako napa iyak dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Nakakainis dahil alam kong wala na 'kong magagawa pa para makatakas dito. At umiiyak ako dahil miss ko na si Christian. Knowing him for sure hinahanap na niya ako. Sana lang kung may makahanap sa'kin hindi si Christian 'yon. Ayokong siya mismo ang makahanap sa'kin dahil baka kung ano'ng gawin ni Derek sa kanya kapag nakita niya 'to. Ayokong matulad siya kay Froy baka hindi ko kayanin kapag pati siya nawala sa'kin.

Nag stay lang ako dito sa kwarto, hindi ko alam kung gaano katagal. Basta matagal. Sinunod naman ni Derek ang gusto ko na hayaan akong mapag isa. Hanggang sa mag bukas ulit ang pinto ng kwarto, nag taklob lang ako agad ng kumot.

"Yen," Boses 'yon ni Derek. "My love, kanina ka pa hindi kumakain. Please, kumain ka na."

Hindi lang ako sumagot.

"Ang arte niyang babae mo, masyadong pabebe!" Boses 'yon ng babae na tingin ko ay 'yong sinabi niyang si Mae kanina.

"Yen please, 'wag mo 'kong pilitin na pakainin ka." Derek said.

Hindi parin ako nag respond sa sinabi niya. Kung nag aalala siya sa hindi ko pagkain, bakit hindi na lang niya ako ibalik sa pamilya ko?

"Hoy babae, 'wag ka ngang maarte. Ano gusto mo subuan ka pa?!" Iritang sabi nung Mae.

"Mae, tumahimik ka nga!" Pagsuway ni Derek sa babae.

"Masyadong maarte kasi 'yang babae mo, nakakairita siya!"

"Lumabas ka na lang!"

Narinig ko ang pagdabog ng babae sa pagsara niya sa pinto. I wonder kung ano siya ni Derek at gano'n na lang ang galit niya sa'kin.

"My love," Tawag niya ulit sa'kin. "Pakiusap naman, kumain ka na."

Inalis ko ang pagkakataklob ko at tumingin sa kanya. "Iuwi mo na 'ko." I told him.

"Nakauwi ka na. Dito na ang bahay mo."

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. "Hindi dito ang bahay ko, alam mo 'yon. Pakiusap, kung mahal mo talaga 'ko pakakawalan mo 'ko."

Lumapit siya sa kama at umupo. "Mahal kita kaya ayaw kitang pakawalan. 'Wag mo ng ipilit na ibalik kita dahil hindi ko gagawin 'yon. Lalo na't alam kong pupunta ka lang do'n sa lalake mo!"

"Please Derek."

Hinampas niya ng malakas ang kama dahil sa galit na ikinagulat ko.

"Sige, iuuwi kita pero papatayin ko 'yong lalake mo!" He warned glaring, evilly.

Shit!

"N-No, please! Okay, hindi na. D-dito na lang ako."

"Kumain ka na!"

"O-Okay."

Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila paalis ng kama. Tuloy-tuloy lang ang paghila niya sa'kin palabas ng kwarto hanggang sa makarating kami sa dining kung saan nakahanda na 'yong kakainin ko.

Pinilit ako paupuin ni Derek sa upuan.

"Simulan mo na ang kumain."

Ginawa ko na lang agad ang sinabi niya bago pa siya mag banta na naman kung ano. Tumabi lang din siya sa'kin at pinanuod akong kumain.

"Pwede ba akong mag tanong?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ako.

"Ano 'yon?"

"Sino 'yong babae kanina?"

"Si Mae lang 'yon. 'Wag mo na lang siyang pansinin."

"Ayaw niya sa'kin, paanong hindi ko papansinin 'yon?"

"Gusto mo bang paalisin ko siya?"

Umiiling ako. "Hindi. Nagtataka lang ako kung bakit ayaw niya sa'kin."

"Ilang taon kaming nagsama, habang nasa kulungan ka. Pero ngayong nandito ka na, pwede ko na siyang itapon kung gusto mo."

Ngayon alam ko na. Siya pala ang pinalit ni Derek sa'kin. Kung gano'n may iba naman pala siyang na pagbalinggan na ibang babae, bakit hanggang ngayon ako pa din ang hinahabol niya?

Kung gano'n hindi lang pala si Derek ang dapat bantayan ko ang kilos na baka saktan ako pati 'yong Mae na 'yon. Haay!

--

To be continued...

The Decent SonWhere stories live. Discover now