The Decent Son (34)

7.3K 237 1
                                    

"Ready to go?" Tanong ni Christian sa'kin pagkabitbit niya ng mga bag ko na dadalhin pauwi ng Mansion.

Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid ng bahay ko. Eto na ang huling beses na makikita ko 'to, for sure may uupa ng iba dito.

"Mamimiss mo ba dito?" Dinig kong tanong niya kaya binaling ko ang tingin sa kanya.

"Tama ka."

"Makakabisita ka pa rin naman dito e. Don't worry."

"Tama ka."

"Tara na?"

"Okay." Pagsangayon ko. Sinimulan ko na ang mag lakas paalabas ng bahay. Gano'n din ang ginawa ni Christian. Sinalubong kami sa labas ni Dante, kinuha niya 'yong ibang bag kay Christian at siya ang nag buhat nito.

Tinuloy namin ang paglalakad papunta sa kanto at mag nadaanan pa namin ang mga tambay dito sa'min na nag sisimula ng magkumpulan para uminum.

"Uy Yen, papabahay ka na ba sa boyfriend mo?" Tanong nung isang tambay.

"Gago hindi!" Purket may dalang bag mag papabahay agad? 'Yong mga utak talaga ng mga 'to pang tambay.

"Tagay ka muna bago umalis!" Inabutan niya sa'kin 'yong shut glass na may lamang empi at isang basong tubig.

Kinuha ko na lang 'yon at ininum para makaalis na.

Ibinalik ko sa kanya 'yong shut glass at baso after kong uminum tsaka naman ako nag paalam sa kanila.

Tsk. Na pa-toma ng wala sa oras a!

Pinagpatuloy na namin ni Christian ang paglalakad papunta sa kanto hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Sabay na kaming dalawa na sumakay habang si Dante sa kotse niya. Do'n na lang din niya nilagay 'yong ibang bag ko.

"Baby, gusto pala tayong kausapin ni Papa." Sabi ni Christian habang ini-start ang makina ng kotse.

"Talaga? Tungkol daw saan?"

"Sinabi ko na kasi sa kanya na gusto kitang pakasalan."

"Mmm." I just hummed. I wonder kung anong sasabihin niya sa'min. Ibibigay na ba niya ang blessing sa'kin? For sure Oo, dahil kinausap na siya ni Papa. Walang nakaka tanggi sa Papa ko, kami lang ng kapatid ko ang nakakagawa no'n dahil matigas ang ulo naming dalawa.

Sinimulan na ni Christian ang pagmamaneho niya papunta sa Mansion.

Nang makarating naman kami, pagpatay niya ng makina bumaba agad kaming dalawa.

Si Alyssa ang sumalubong sa'min na may malaking ngiti sa labi.

"Ateee!" Tawag niya sa'kin habang nag lalakad ito papalapit sa'kin tsaka niya ako biglang niyakap.

"Sabi na e, uuwi ka din!" Sabi niya habang nakayakap sa'kin.

"Namiss kasi kita." Biro ko.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin. "Pasok na tayo, kanina pa kayo hinihintay ni Papa." She said again.

Tumango lang kami bilang sagot. Inilagay ni Christian ang isang kamay niya sa bewang ko habang 'yong isa naman ay bitbit 'yong bag ko. Sabay kaming dalawa na nag lakad papasok ng Mansion tsaka naman namin nakita si Papa.

"Mabuti nakarating na kayo. May nakahanda na ang pagkain. Pagka akyat nyo ng gamit sa kwarto bumaba agad kayo." Papa said.

"Opo." Sagot ko.

Tinuloy na namin Christian ang pagakyat papunta sa kwarto ko. Ngayon lang ulit ako makakapasok do'n, i wonder kung ano ng itsura no'n.

Pagpasok namin ng kwarto, inilibot ko agad ang tingin sa paligid nito. Halos wala 'tong pinagbago. Naging bago lang siguro ang pintura at 'yong bedsheet binago din pero ang pagkakaayos nito gano'n padin.

The Decent SonWhere stories live. Discover now