The Decent Son (29)

7.6K 266 21
                                    

Christian POV


Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ko habang busy ako sa pagta-trabaho. Hindi ko maiwasang mainis, sinabihan ko kasi ang secretary ko na 'wag akong iistorbohin. Ito na nga lang ang oras na naiiwasan kong mag isip dahil sa pag sisinungalin sa'kin ng babaeng mahal ko e.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang si Yen at ang anak ni Mr. Ferez na si Alyenna Ferez ay iisa lang.

Nag bukas ang pinto ng opisina ko at nakita ko ang secretary ko. "'Di ba sinabi ko sa'yo, ayaw kong istorbohin ako sa trabaho ko?" Inis kong sabi.

"I'm sorry Sir, nandito po kasi si Mr. Ferez and gusto daw po kayong makausap."

Bigla akong napatayo sa narinig kong sinabi niya.

Si Mr. Ferez? Anong kailangan niya sa'kin? Hindi kaya tungkol kay Yen? Hindi, baka tungkol 'to sa trabaho.

"Let him in." I told my secretary.

Nag bow lang siya bilang sagot.

Hinintay ko na lang muna ang pagpasok nila habang nanatili lang na nakatayo. Ilang sandali lang pumasok ulit ang secretary ko at this time he's with Mr. Ferez.

Nag bow ako nang makita siya.

"Sorry sa biglaan kong pag bisita, sana hindi kita na istorbo." He said.

"No, sir. Maupo po kayo."

Nag lakad siya papalapit ng couch at umupo gano'n din ang ginawa ko.

"Gusto n'yo po ba ng maiinum?" Tanong ko.

"Hindi na, sandali lang naman ako dahil alam kong busy ka."

"Ano po ba'ng ma-ipaglilingkod sa inyo?" Tanong ko.

"I want to talk about your relationship with my daughter."

"Alam po ba 'to ni Yen?"

He shakes his head. "Siguradong magagalit siya kapag nalaman niyang pinuntahan kita para pagusapan ang tungkol sa inyo. Hindi ko alam kung nasabi na 'to ng anak ko sa'yo, 'yong relasyon ko sa mga anak ko ay hindi maganda. Obvious naman dahil mas ginusto pa nilang tumira sa isang napakaliit ng bahay kesa sa Mansion."

"Pwede ko po bang itanong kung bakit hindi maganda ang relasyon mo sa kanila?"

"Siguro dahil hindi ako naging mabuting ama sa kanila. 'Yon naman ang lagi nilang sinasabi at siguro nga tama sila." He paused, breathing in.

"Anyways, ang gusto ko lang talagang itanong kung alam mo ba ang tungkol sa pagiging ex-con niya?"

"Opo."

"Alam mo din ba ang tungkol kay Derek at kung bakit siya nakulong?"

"Opo, sinabi niya 'yon lahat sa'kin."

"Mahal mo ba siya?"

"Opo." Kaya nga hindi ko matanggap na nag sinungaling siya sa'kin dahil sobrang mahal ko siya.

"Kung gano'n handa ka bang pakasalan siya?"

"P-po?"

"Hindi sa pini-pressure kita Christian. Hindi ko naman sinabi na gawin n'yo agad 'yon, gusto ko lang malaman kung handa ka bang pakasalan siya dahil kung hindi rin naman tigilan mo nalang siya."

"Handa naman po akong pakasalan siya pero hindi ko alam kung papayag si Papa."

"Ako na ang bahalang kumausap sa Papa mo." Tumayo na siya kaya gano'n din ang ginawa ko.

Nag offer siya ng handshake, inabot ko naman 'yon at nakipagkamay. "Ikaw na ang bahala sa kanya. Wag mo sana siyang sasaktan, dahil hindi naging maganda ang nakaraan niya dahil kay Derek."

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon