The Decent Son (6)

9.7K 318 8
                                    

Christian POV.

"That's all for now, thank you."  I told Jeff my secretary. He stands and bow at me and sinimulan niyang mag lakad palabas ng office ko.

It's a very tiring working day, as always. Lagi namang ganito sa opisina hanggang sa Condo Unit ko nag ta-trabaho ako. Hindi ko tuloy maiwasang isipin 'yung sinabi sa'kin ni Yen kagabi sa Club na Nakaka stress ang mag trabaho ng mag trabaho, mag happy-happy din naman daw ako.

Napapa ngiti talaga ako kapag naalala ko siya. Maganda siya pero may pagka-brusko at halos puro bad words nalang ang lumalabas sa bibig niya at maganda din ang ngiti niya.

Men oh men! Ba't hindi siya maalis sa isip ko?

Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinignan ang inbox. Hinanap ko 'yung palitan namin ng message ni Yen at ang huling message niya ay..

Morning din, Christian. :)

Nag type ako nang ipang te-text sa kanya,

Hi Yen. :)

Hi busy ka ba?

How are you?

How's work?

Lahat nang 'yan sinubukan kong i-send sa kanya pero parang dinadaga ako sa dibdib sa hindi ko malamang dahilan. So, sa huli ang tanging na i-text ko lang sa kanya ay...

** Hi. **

Hindi ko alam kung mag re-reply siya sa text ko pero sana naman mag reply siya para mayaya ko siyang mag coffee. Wait, oo nga pala nag ta-trabaho siya sa Cafe ni Madi.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at kinuha ko 'yung suit ko na nakasabit lang sa upuan ko tsaka ako lumabas ng office ko.

Sumakay ako ng elevator tsaka ko sinuot 'yung suit ko. Pag bukas nito dumiretso ako papunta sa parking kung saan may mga empleyado pa akong nakasalubong at automatic na nag ba-bow tuwing nakikita ako.

Pag dating ko ng parking, sumakay agad ako sa kotse ko at sinimulan ko ang byahe papunta sa Cafe ni Madison na inabot din ata ng kulang-kulang isang oras.

Pagka-park ko ng kotse, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kung gwapo pa din tsaka ako bumaba ng kotse.

Huminga muna ako ng malalim tsaka ako nag lakad papasok ng Cafe.

"Good evening Sir, table for one po ba?"  Tanong ng babaeng waiter na sumalubong sa'kin.

"Uh Miss nandito pa ba si Y-"

"Christian?" Hindi ko natuloy 'yung pagsasalita ko dahil narinig kong tinawag ako ni Madison. Tumingin ako sa direksyon niya and she's just smiling at me.

"Ako nang bahala dito." Sabi niya sa dun sa waitress.

"What brought you here?" She asked me.

"Uhm uh n-napadaan lang." I lied.

"Really?" Hindi siya convince base sa ngiti niya. "If you are looking for Yen, nasa locker room pa siya pero pa-out na siya."

"Really?" Sakto pala ako.

"Yah." Mas lalong lumaki 'yung ngiti niya ng mapangasar. "So, si Yen nga ang pinunta mo."

"Uh yah, i was just planning to uh invite her na uh mag coffee."

She laughed. "I knew it, you like her."

"What? N-No! Hangout lang 'yun."

She crossed her arms. "Christian we both know na you are not into hanging out with girls."

The Decent SonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt