The Decent Son (39)

6.5K 175 16
                                    

Pababa ako ng hagdan. Plano kong umalis ngayon kahit na ang gusto lang ni Papa at Christian ay mag stay lang muna ako sa Mansion para maiwasang makalapit sa'kin si Derek.

Gusto ko namang sundin 'yon, kaso gusto ko namang mag resign ng maayos kay Madison. Nakiusap ako noon sa kanya na ipasok ako ng trabaho kaya mas magandang mag resign ako ng maayos.

"Dante," Tawag ko sa body guard kong nakatayo lang sa tabi ng pinto at ginagawa niya ang trabaho niyang mag bantay.

Lumingon siya para tignan ako tsaka siya nag bow. "Aalis po ba kayo?" Tanong niya.

"Gano'n na nga, pakihanda ng kotse."

"Pero, alam na po ba 'to ni Mr. Ferez?"

Umiling ako. "Baka kasi hindi siya pumayag."

"Pasensya na po Ma'am, hanggang walang order sa Papa mo hindi po tayo aalis."

Bumuntong hininga ako. Mukhang wala na akong magagawa kundi ang magpaalam muna. Akala ko pa naman hindi ko na ka-kailanganing gawin 'yon. Tsk. For sure, 'di papayag si Papa.

Kinuha ko na lang cellphone ko at dinaial ang number ni Papa. Ilang sandali lang sinagot niya ang tawag ko.

"Why are you calling?"

"Dad, pupunta ako ng Cafe ngayon para mag resign ng maayos kay Madison. Pwede mo ba akong payagan?"

"Alyenna, alam mong hindi safe ngayon para sa'yo. Nasa paligid lang ang baliw mong ex. boyfriend."

"Alam ko po, kaya lang mas maganda kung mag resign ako ng maayos sa trabaho."

"Papuntahin mo na lang ang kaibigan mo dyan, for sure maiintindihan naman niya."

"Busy 'yon sa Cafe, Dad. Ako na nga lang ang humingi ng favor sa kanya noon na bigyan ako ng work tapos pati ba naman sa pag re-resign hihingi pa rin ako ng favor na puntahan pa 'ko dito sa Mansion kahit kaya ko naman 'yon? Ngayon lang 'to, promise!"

"Okay, just make sure na isasama mo si Dante. Let him drive. 'Wag mo din siya papalayuin sa'yo. Kahit saan ka pumunta dapat nandon din siya."

"Yes Dad. Ibaba ko na 'to. Aalis na kami para makabalik agad kami."

"Okay. Be careful."

I ended the call, sighing. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Dante. "Pumayag na si Papa, umalis na tayo."

"Yes, Ma'am." He said with a bow. Lumabas na siya ng Mansion para siguro ihanda na 'yong kotse. Habang hinihintay ko 'yo dinaial ko naman muna ang number ni Christian isang ring lang sinagot na niya.

"Hello baby?"

"Hi, i just want to inform you na pupunta ako ngayon sa Cafe para mag resign ng maayos kay Madison. Nakapagpaalam na 'ko kay Papa at pumayag siya."

"I see. Take care, okay?"

"I will."

"Kasama mo naman si Dante 'di ba?"

"Yup."

"'Wag kang lalayo sa kanya, understand?"

"Opo!"

"Okay, see yeah later baby."

"See yeah! I love you!"

"I love you too."

"Ma'am, ready na po ang kotse." Dinig kong sabi ni Dante kaya napatingin ako sa kanya.

"Ibaba ko na 'to, bye."

"Bye, baby." I ended the call.

Sabay na kaming dalawa ni Dante na nag lakad palabas ng Mansion. Dumiretso kami sa pagsakay sa kotse ko. Pinag buksan ako ng pinto sa backseat ni Dante tsaka naman ako sumakay agad.

The Decent SonWhere stories live. Discover now