The Decent Son (42)

6.3K 184 8
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog at yakap agad ni Derek ang naramdaman ko. Tumabi siya sa'kin sa pagtulog, kahit umayaw man ako alam ko namang hindi siya papayag kaya magkatabi kami ngayon.

Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa'kin tsaka ako umupo sa pagkakahiga ko.

Bigla kong naalala si Christian. Kumusta na kaya siya? Na mimiss ko na siya. Sobra! Sana talaga makaalis na 'ko dito para makasama ko na siya. Siya ang gusto kong katabi sa kama at hindi si Derek.

Bumangon ako ng tuluyan sa kama tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at do'n ko na abutan si Dylan na nag titimpla ng kape niya. Ang kapatid ni Derek.

Tumingin siya sa direksyon ko. "Ate, magandang umaga."

"Magandang umaga." Bati ko din.

"Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita." Tanong niya.

"Oo. Salamat."

Umupo na lang muna ako habang hinihintay ang offer na pagtitimpla ni Dylan ng kape para sa'kin.

"Sorry nga pala Ate dahil sa'kin nalaman ni Kuya na nakalaya ka na." Sabi ni Dylan pagkalapag niya ng tinimpla niyang kape para sa'kin sa tapat ko. "Nadulas kasi ako e, pasensya na." Dagdag niya.

"Ayos lang, nangyari na kaya wala na tayong magagawa." Ininum ko na 'yong kape na binigay niya.

"Nag aalala nga lang ako sa mga na iwan ko. Sigurado akong nag aalala na silang lahat sa'kin. Samantalang ako, walang magawa kundi uminum lang ng kape na tinimpla mo para sa'kin." Dagdag ko.

"Ako na ang bahalang tumingin sa pamilya mo sa labas. Pero pasensya ka na Ate, hindi kita matutulungang makaalis dito dahil bantay sarado ang bahay na 'to ng tauhan ni Kuya."

"Gagawin mo 'yon?"

"Oo. Kapalit na din 'yon sa nagawa ko."

May bigla akong na isip na ng idea. Baka matulungan ako ni Dylan na mahanap nila Christian. Baka pwede niyang sabihan sila kung nasaan ako.

"Dylan-"

"Yen," Dinig kong tawag ni Derek sa'kin kaya hindi ko na natuloy sabihin sa kanya ang idea ko kung paano makakalis dito.

Biglang hinawakan ni Derek ang braso ko at hinila ako para patayuin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya hindi ko maiwasang masaktan.

"Aww! Ano ba Derek, nasasaktan ako!" Pagaangal ko.

"Bakit hindi ka nag paalam sa'kin na lumabas ka na ng kwarto natin ha? Pinagaalala mo 'ko! Akala ko nakatakas ka na!" Galit niyang sabi.

"Dahil natutulog ka pa. Ayaw lang kitang istorbohin. Pasensya na."

Unti-unting nawawala na ang galit sa reaksyon ng mukha niya. Siguro dahil na assured na niyang hindi naman ako nakatakas.

Bumitaw siya sa mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko tsaka niya ako biglang niyakap. "Pasensya na kung nasaktan kita. Ayaw lang kitang mawala pa sa'kin kaya para akong mababaliw kapag bigla kang nawawala sa paningin ko ng hindi ko alam."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang gisingin ko na si Mae para ipagluto ka?"

Umiling ako. "Hindi 'wag na. A-ako na lang ang mag luluto." Hindi magugustuhan ng Mae na 'yon na gigising pa siya para lang ipagluto ako.

"Hindi ka marunong magluto."

"Ha.Ha!" Tumawa ako ng sarkastiko kaya natawa din siya. Totoong tawa 'yon na walang kahit na anong masamang awra. Hindi ko akalaing makikita ko pa ulit ang gano'ng tawa na isa sa nag pahulog sa'kin sa kanya noon.

The Decent SonWhere stories live. Discover now