The Decent Son (30)

8K 247 5
                                    

Yen POV

Papunta kami ni Christian sa.... hindi ko alam. Basta nandito lang kami ngayon sa kotse niya at nasa byahe kami ngayon dahil pareho kaming walang pasok sa trabaho namin. Hindi ko alam kung saan niya kami dadalhin. Tinatanong ko siya kaso hindi naman niya sinasabi.

Hanggang ang pagmamaneho naming dalawa ay ma-punta sa isang shop kung saan nag papa-tattoo.

"Anong ginagawa dito?" Tanong ko sa kanya habang pinapatay niya ang makina ng kotse.

"Magpapa-tattoo ako."

"Ha?!!" Gulat kong tanong.

He grins. "Bakit na gulat ka? Ikaw lang ba pwedeng mag pa-tattoo?"

"Hindi naman sa gano'n. Bakit mo na isipang mag pa-tattoo?"

"Para pareho tayong mag pa-tattoo."

"Anong ipapa-tattoo mo?"

"Malalaman mo mamaya!" He winks.

Bumaba na siya sa kotse kaya gano'n din ang ginawa ko. Lumapit siya agad sa'kin, hinawakan niya ang kamay ko tsaka kami sabay na pumasok sa shop.

"Boss, mag papa-tattoo sana ako." Sabi ni Christian do'n kay Kuyang mag ta-tattoo.

"Anong tattoo ang ipapatatto mo?" Tanong ni Kuyang magta-tattoo.

"Pangalan ng girlfriend ko, i mean fiance na pala."

Hindi ko mapigilang matawa sa sinagot niya. Seryoso ba talaga siyang magpapa-tattoo siya? Name ko pa talaga a. Kung sabagay pina-tattoo ko din naman ang name niya sa braso ko.

"Saan ko i-ta-tattoo, boss?"

Biglang hinubad ni Christian ang t-shirt niya tsaka niya tinapik ang chest niya. "Here!"

"Sigurado ka ba talaga dyan?" Tanong ko.

"Oo naman!"

"Masakit mag pa-tattoo." I warned.

"Don't worry about it." He winks.

Okay! Since bet niya talaga 'yan at mukhang hindi na talaga siya mag papapigil. Walang sisihan.

Umupo na lang ako habang nag papa-tattoo pa siya. Nasa kalagitnaan na siya ng pagpapa-tattoo niya nang marinig ko na nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at ang nakita ko ay si Alyssa.

"Hello, bakit?" I answered it.

"Kinausap ako ni Papa." Tumayo na muna ako at naglakad palabas ng shop.

"O anong pinag usapan n'yo?"

"Pinauuwi na niya ako."

"Anong desisyon mo?"

"Sinabi niya sa'kin na hahayaan na niyang gawin ko ang kahit na anong gusto ko. Magtayo pa daw ang ng restaurant or mag aral ng culinary kung 'yon daw talaga ang gusto ko."

Aba! Himala a.

"Maganda 'yan! Umuwi ka na."

"Pinapalayas mo na ba 'ko?"

I chuckled. "Sira! Maganda na ang offer ni Papa kaya umuwi ka na."

"Ikaw ba kinausap na ni Papa?"

"After ng usapan namin sa Party ng Papa ni Christian hindi na ulit kami nag usap."

"Ang sabi niya kakausapin ka din daw niya."

"Mmm." Nag hum lang ako. Wala akong maisip na isagot e. Kung totoo ngang magkakausap kami ulit ni Papa, ano namang paguusapan namin?

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon