The Decent Son (37)

6.6K 201 10
                                    

I woke up, lying on Christian's bed. After naming mag dinner sa Mansion ng mga Danielles, dumiretso kami dito sa Apartment niya at dito kami natulog.

Tumingin ako sa paligid at hindi ko siya makita. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko habang humihikab pa. Then biglang nag bukas ang pinto sa bathroom at nakita ko siyang palabas dito habang nag pupunas ng basa niyang buhok. Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti.

"Good morning." Bati niya.

"Good morning." Bati ko din. "Ba't ang aga mong mag shower?" Pagtataka ko.

"May maagang meeting kasi ako e."

"Tss. Para ka ng si Papa mag trabaho."

"Babawi ako mamaya." Nag lakad siya papalapit sa'kin. Nag bend siya para ilapit ang mukha sa'kin tsaka niya ako hinalikan sa labi ko. "Pasensya ka na kung hindi tayo makakapag breakfast together, kailangan ko talagang umalis ng maaga e."

"Mm. May magagawa ba 'ko?" Hinawakan ko na lang siya sa magkabilang pisnge niya and this time ako naman ang humalik sa labi niya.

"Basta 'wag kang magpapagutom ha?" Habilin ko.

He grins. "I will."

Hinayaan ko na lang siya para makapah asikaso sa pagpasok niya habang ako naman ay inayos na lang muna 'yong kama. After kong gawin 'yon, pumasok na 'ko ng bathroom para mag hilamos lang. 'Di ako makakapag shower dahil wala akong dalang gamit dito.

After ko namang mag hilamos, sakto sa tapos ni Christian sa pag aasikaso niya for work.

"Ihahatid na kita sa office mo." I offer. Dahil ako ang nag sumundo sa kanya kagabi kaya hindi niya nadala ang kotse niya.

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Yeah."

"Okay, thanks."

"Welcome."

Sabay kaming dalawa na lumabas ng kwarto niya. Dumiretso kami sa paglabas ng Apartment niya at sumakay sa kotse ko.

He told me na siya na lang ang mag maneho papunta sa office niya kaya hinayaan ko na lang din siya kasi tinatamad din akong mag drive ng ganito ka-aga. Hindi na 'ko sanay na may kotse at mag maneho kaya kinatatamaran ko na ang mag maneho.

"Baby," Tawag niya sa'kin habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

"Hmm?"

"Tingin ko dapat kumausap na tayo ng Wedding Planner for our Wedding, what do you think?"

I shrugged. "Yeah, tingin ko nga din. Para naman lagi na tayong magkatabing matulog."

"I agree. Ang sarap kasi ng yakap mo e. Nakakawala ng pagod."

Ang sarap niya ding yakapin. Haha!

Nang makarating kami ni Christian sa Danielle's Building, itinabi niya lang muna sandali 'yong kotse tsaka siya bumaba.

"Drive safe, baby." Bilin niya.

"I will." Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi tsaka siya tuluyang bumaba sa kotse ko. Pagbaba niya, lumipat na 'ko ng driver's seat tsaka ko sinimulan ang mag maneho papunta naman sa Mansion.

Mmm. Ano kayang magandang gawin ngayong wala akong pasok? 'Pag ganitong wala akong pasok nakikipag inuman lang ako kela Cho at Lala.

Bumisita na lang kaya ako sa Tondo para makigulo lang? Baka kasi nagtatampo na 'yong nga 'yon at sabihing nakalimot na 'ko. Tama 'yon na lang ang gagawin ko pero bago 'yon uuwi muna ako para makapag shower naman.

The Decent SonWhere stories live. Discover now