The Decent Son (25)

7.7K 254 14
                                    

Yen POV

Nagising ako mula sa masarap na yakap sa'kin ni Christian. He's still sleeping, deeply. Alam kong na puyat siya kagabi dahil maski dito sa bahay ay nag trabaho siya may meeting kasi siya ulit kay Papa. Nakatulugan ko na nga lang siya eh.

Pinagmasdan ko muna siya sa pag tulog niya. Ang gwapo talaga niya. I wonder kung anong ginagawa niya noong mga araw na hindi ko pa nakikilala si Derek. Bakit hindi ko siya nakilala noong ako pa si Alyenna Ferez at hindi si Yen Salvador? Kung noon ko siya nakilala baka hindi ganito ang buhay ko.

Pero siguro noong mga taon na 'yun baka kay Camille pa umiikot ang mundo niya.

Siguro nasa perfect timing lang din ang lahat ngayon.

Hinaplos ko ang pisnge niya at na gising siya sa ginawa kong 'yun. Ngumiti agad ako sa kanya pag mulat ng mga mata niya.

"Magandang umaga, baby." Bati ko.

"Magandang umaga. Maaga ka ata na gising?"

"Hindi ko din alam kung bakit."

"Nagugutom ka na ba?"

I smiled. "Ipagluluto mo 'ko?"

He chuckled, weakly. "Oo naman."

Tumango ako. "Oo, na gugutom na nga ako."

Bumitaw siya sa pagkaka-cuddle sa'kin at umupo mula sa pagkakahiga niya. Humihikab pa siya na halatang inaantok pa. Kawawa naman ang mahal ko.

"Sabihin mo nga, pinahihirapan ka ba sa project mo ni Mr. Ferez?" Tanong ko.

He chuckled, looking at me. "Saan naman nanggaling 'yan?"

"Kasi naman pati dito sa bahay mo, nag ta-trabaho ka pa. Baka pinapahirapan ka no'n, sabihin mo lang sa'kin."

"Bakit anong gagawin mo?" He looks, amused.

"Uhm... Uh... W-wala! Nag t-tatanong lang."

Shemay! Kung anu-anong lumalabas sa bibig ko, ilalag-lag ko pa ata sarili ko sa kanya.

"What do you want to eat?" Tanong niya.

"Kahit ano."

"Okay!" Hinalikan niya lang ako sa labi ko ng mabilis tsaka siya tuluyang umalis ng kama.

Bumangon na lang din ako ng kama. Inayos ko lang ang pinaghigaan namin ni Christian. After kong asikasuhin ang kama, na isip ko na lang na maligo na.

Pumasok ako sa bathroom niya. Hinubad ko lang 'yung suot ko tsaka ko naman sinimulan ang maligo. Pagkatapos kong maligo, nakita ko ang isamg tuwalya na nakasabit lang kaya ito na ang ginamit ko pang punas ng katawan ko at pang tapis na din.

Lumabas din naman agad ako ng bathroom. Sa pag bukas ko ng pinto nakita ko si Christian na palabas na din ng kwarto pero napahinto siya nang mapansin ako. Lumingon siya at  tumingin sa'kin pero mabilis lang 'yun dahil bigla siyang umiwas ng tingin. Nailang siguro siya dahil sa naka tapis lang ako.

"B-breakfast is ready, kain na tayo." Nauutal niyang sabi.

"Sige, susunod ako. Mag bibihis lang ako."

Tuluyan siyang lumabas ng kwarto pero halata ko pa din ang ilang sa kanya kaya 'di ko maiwasang mapa-ngiti. Pag-sarado ng pinto, kinuha ko na 'yung bag ko. Kumuha ako ng pang bihis ko tsaka ko naman sinimulan ang mag bihis.

After ko namang mag bihis, pinunasan ko lang 'yung buhok ko tsaka ko ibinalik sa bathroom 'yung towel para isabit 'to ulit.

Sinuklayan ko lang ang buhok, after no'n lumabas na 'ko ng kwarto. Dumiretso ako sa dining dahil paniguradong do'n niya ako hinihintay.

The Decent SonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant