The Decent Son (35)

6.8K 191 18
                                    

Derek POV

Nasa tapat ako ngayon ng Mansion ng mga Ferez. Pinagmamasdan ko ang lahat ng mga pumapasok dito habang hinihithit ko ang yosi ko dito sa loob ng kotse ko. Na sabi kasi sa'kin ni Dylan na nakalaya na daw ang my love ko kaya ang una agad na pumasok sa isip ko na puntahan ay ang Mansion nila.

Gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya. Nang malaman ko na nakalaya na siya dali-dali akong pumunta dito.

Siguradong miss na rin niya ako kaya magpapakita na 'ko sa kanya. Napapaisip ako kung kailan pa siya nakalaya, baka ang tagal na niya akong hinahanap.

Wait for me my love, uuwi na tayo at magsasama ulit tulad ng dati. Wala ng makapaghihiwalay sa'tin. Wala na ulit manggugulo sa'tin tulad ng Froy na 'yon. Pinatay ko na siya kaya hindi na niya tayo guguluhin pa.

Habang busy akong nakatingin sa gate, nakita kong may dalawang kotse na papasok sa loob ng Mansion. Pinag masdan ko 'tong mabuti para malaman kung sino ang nando'n.

Unang may bumaba sa na unang kotseng pumasok, sa pagmasid kong mabuti nakilala ko ang isang babaeng bumaba mula sa passenger seat. Ang mahal kong si Yen 'yon. Nakaramdam ako ng matinding pagnanasa na mahawakan, mayakap at mahalikan ulit siya tulad dati. Kung ano'ng epekto niya sa'kin noon gano'n pa din hanggang ngayon. Hanggang ngayon baliw pa rin ako sa kanya.

Nakita ko din ang isang lalake na bumaba mula sa kotse kung saan nakasakay ang mahal ko. Lumapit siya kay Yen at tumayo sa tabi nito tsaka ko nakita ang kapatid ni Yen na sinalubong siya ng yakap. Nag usap pa sila sandali tsaka din naman na unang mag lakad na papasok si Alyssa. Ang sunod kong nakita ay nag pa init ng ulo ko, nang akbayan ng lalakeng bumaba mula sa driver's seat ang mahal kong si Yen tsaka sila nag lakad papasok ng Mansion.

Sino ba ang gagong 'yon? Ano'ng karapatan ng lalakeng 'yon na akbayan ang mahal ko? Putangina! Hindi ko gusto ang nakita ko!

Hinampas ko ng hinampas ang manebela sa sobrang galit ko. Gusto kong bumaba sa kotseng 'to para sugurin sila at agawin pabalik sa'kin ang mahal ko kaso pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa laki ng security ng Mansion.

Pinaandar ko na lang ang makina ng kotse ko tsaka ako nag simulang mag maneho paalis ng Mansion.

Hindi purket aalis ako, ibig sabihin sinusuko ko na ang mahal ko. Babalik ako at sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong magkakasama na ulit kami.

Nakarating ako sa bahay ko. Sa magiging bahay namin ni Yen kapag naiuwi ko na siya.

Bumaba ako mg kotse ko tsaka ako nag lakad papasok ng bahay.

Dumiretso ako sa sala, umupo ako sa couch. Sumandal ako sa sandalan at pinatong ang mga paa ko sa maliit na lamesa.

"Saan ka galing?!" Matinis na boses ng babae ang halos bumasag ng eardrum ko dahil sa halos pasigaw na nitong tanong.

Tumingin ako sa direksyon ni Maya ang babaeng ginawa kong pangpalit pangsamantala habang wala pa si Yen.

"Ano ba'ng pakialam mo?!" Iritado kong tanong.

"Asawa mo 'ko kaya may pakialam ako!"

Tumawa ako ng sarkastiko. "Asawa? Tumahimik ka nga! Babae lang kita!"

"Asawa, babae o kahit na ano pa'ng gusto mong itawag sa'kin. Kasama mo pa rin ako dito sa bahay kaya may karapatan akong magtanong!"

"Dito rin naman nakatira si Dylan a, bakit hindi siya dumadada katulad mo? Manahimik ka na a! Mainit ang ulo ko baka kapag hindi ako makapagpigil ikaw pa mapagbuntungan ko! Magluto ka na lang, nagugutom na 'ko!"

"Hindi mo 'ko katulong dito Derek!"

Bwiset talaga!

Tumayo ako mulansa pagkakaupo ko sa couch at nag lakad papalapit sa kanya. Aakma na sana akong sampalin siya nang biglang nag bukas ang pinto. Napatingin ako do'n at si Dylan ang nakita ko.

Nag lakad siya papalapit sa'min nang makita niyang inaambahan ko ng sampal si Maya.

"Ano na namang gagawin mo Kuya? Sasaktan mo na naman si Ate Maya?"

"Masyado siyang madaldal e!"

"Tama na nga 'yan! Sige 'te Maya, hayaan mo muna si Kuya." Sabi ni Dylan kay Maya.

Bumalik na lang ako sa pagupo ko sa couch. Kumuha ako ng panibagong yosi at sinindihan ito.

"Sa'n ka ba galing?" Tanong ko sa kanya.

"Nag hanap ng trabaho."

I chuckled. "Trabaho? Bakit ka na lang mag trabaho sa'kin? Mas malaki ang kikitain mo kapag nag trabaho ka para sa'kin."

"Ayokong mag trabaho sa business mong droga, Kuya."

Nag kibit balikat ako. "Ikaw ang bahala."

"E ikaw sa'n ka galing?"

Hinithit ko 'yong yosi ko at binuga ang usok nito. "Kay Yen."

"Nag punta ka kay Ate Yen? Kuya sinabihan na kita, tahimik nanang buhay ni Ate Yen bakit ba hindi mo na lang siya hayaan. Nandyan naman si Ate Maya."

"Hindi ko mahal si Maya, si Yen ang mahal ko. Iuuwi ko dito si Yen, magsasama ulit kami at magpapakasal tulad nang noon pa niya gusto. Mabubuhay ko na siya ng maayos dahil may pera na 'ko. Pwede na rin kaming bumuo ng pamilya at magsasama kami ng habang buhay."

"Pera mo galing sa droga ang ipapakain mo kay Ate Yen? Tingin mo ba magugustuhan niya 'yon?"

"Tingin ko magugustuhan din niya 'yon!"

"Alam mo kung ano'ng tingin ko Kuya? Hindi na siya babalik sa'yo!"

"Babalik siya sa'kin! Mahal ako no'n e. Gagawin niya ang lahat para sa'kin kaya kapag sinabi kong bumalik siya sa'kin, gagawin niya 'yon!"

Bumuntong hininga siya. "Mali talagang nadulas akong masabi sa'yo na nakita ko si Ate Yen."

"Tumahimik ka na lang! Alam mo nahawa ka na kay Maya sa kadaldalan e! Para ka ng babaeng pumuputak!"

Tingin ba niya purket sinabi niyang hindi na babalik sa'kin si Yen ay titigil na 'kong maibalik siya dito? Mali siya! Lahat gagawin ko makasama lang ulit ang my love ko.

--

Keep voting.

The Decent SonWhere stories live. Discover now