The Decent Son (32)

7.7K 248 11
                                    

Nasa higaan na 'ko ngayon dito sa bahay. Kakauwi ko lang galing sa Mansion. Ako na lang mag isa dito ngayon, dati naman sanay na 'ko pero ngayon parang hindi na. Sinanay na 'ko ng kapatid ko na kasama siya.

Pinauwi ko na rin naman si Christian after niya akong ma-i-hatid ang totoo niyan gusto ko rin kasing mag isip-isip tungkol sa paguwi sa Mansion. Sinabi ko rin naman sa kanya ang tungkol do'n.

Kung iisipin kasing mabuti tama sila, paano kung makita ako ni Derek? At ilayo na lang bigla kay Christian?

Hindi malayong mangyari 'yon, maliit lang ang Manila kaya may chance na magkasalubong kaming dalawa tulad ng nangyari sa'min ng kapatid niya.

Sana lang talaga hindi mangyari 'yon. Dahil 'pag nagkataon at kasama ko pa si Christian baka mangyari ulit ang nangyari kay Froy.

Tama! Hindi na 'to tungkol sa pride ko ngayon, tungkol na 'to sa safety ni Christian. Kung ang paguwi sa Mansion ang mas safe na gawin, 'yon na lang ang gagawin ko.

Pero... anong sasabihin ko sa mga kaibigan ko dito kung bakit ako aalis? Paano ako mag papaalam sa kanila? Lalo na kay Lala?

Bumangon na lang ako ng higaan ko. Nag madali akong lumabas ng bahay at nag madali ding mag lakad papunta sa bahay ni Lala. Gabi na kaya paniguradong nando'n na siya.

Plano ko ng sabihin sa kanya ang pagalis ko at ang totoong pagkatao ko. Siya na lang bahalang mag sabi kela Cho at sa iba pa.

Pagdating ko sa bahay ni Lala, kumatok ako ng pinto. Ilang sandali lang nag bukas ang pinto at.... si Cho ang nakita ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang siya ang makita, gano'n din ang reaksyon niya.

"Y-Yen, a-anong ginawa mo dito?" Nauutal niyang tanong.

"Uh 'yan din sana ang gusto kong itanong sa'yo."

"Cho, sino 'yan?" Boses 'yon ni Lala. Then bigla siyang nag pakita at nabigla din nang makita ako.

"Y-Yen ikaw pala." Nauutal din niyang sabi.

"Oo, mangungumusta lang sana. Kayo bang dalawa may itinatago sa'kin?" Malisyosa kong tanong habang nakangiti.

Nagtinginan silang dalawa dahil sa tanong ko.

"Wala a!" Sabay nilang sabi.

I shrugged. "Sabi n'yo e."

"Pasok ka." Lala offered.

"Okay." Nag simula na 'kong pumasok at itong si Cho naman nagpaalam din agad.

"Aalis na 'ko, baka may paguusapan kayo e."

"Uhm... Sige, ingat." Lala said.

Napataas kilay ako. May tinatago talaga 'tong mga 'to e. May tinatago nga ba o malisyosa lang ako?

Lumabas na si Cho sa bahay ni Lala kaya ako naman umupo na lang muna.

"Napa bisita ka ata?" Tanong niya nung wala na si Cho.

"Na istorbo ko ba kayo?" Biro ko.

Nag blink siya ng mabilis at tingin ko nga nag blush siya. "Hindi a! Para kang sira."

"Lala kilala kita, huling beses kang nag blush dahil sa gago mong ex-boyfriend na naka buntis sa'yo. Ngayon naman si Cho, 'yong totoo anong meron?"

"Wala nga!"

"Lala,"

"Oo na! Sige na, nag uh... nag k-kiss kami."

"Oh-wow!!" Akala ko, ako lang may sasabihing sikreto sa kanya siya din pala. "Kailan? Paanong nangyari? Kayo na?"

The Decent SonWhere stories live. Discover now