The Decent Son (21)

7.7K 236 5
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa naramdaman kong humaplos sa pisnge ko. Minulat ko ang mga mata ko at ang naka ngiting si Christian ang nakita ko.

"Good morning beautiful." He greeted.

"Morning."

"I made you breakfast. Gusto mo na bang kumain?"

"Hindi pa, tabihan mo pa muna ako."

"Okay." Humiga siya ulit kaya ginamit ko ulit na unan ang braso niya.

Nag sisimula na 'kong ma-enjoy itong yakap siya sa kama, baka hanap-hanapin ko na 'to. Kung sa bagay boyfriend ko na naman na siya kaya pwedeng-pwede ko na 'tong gawin.

"Yen," Tawag niya sa'kin.

"Hmm?"

"Totoo ba talagang tayo na?"

"Hindi pa ba obvious sa pagkakayakap ko sa'yo?"

"Mmm. What makes you change your mind?"

"Naisip ko lang na ayoko ng mag pa-apekto sa nakaraan ko at sa traumang binigay ni Derek sa'kin. Gusto ko ng sumaya. Gusto kong sumaya kasama ka."

Gusto ko ng matapos ang mga pag iyak ko sa tuwing napapanaginipan ko si Derek.

"Don't worry. I'll make sure na hinding-hindi ka na makikita ulit ng Derek na 'yun. Po-protektahan kita sa kanya."

Huminga ako ng malalim. "'Wag na natin siyang pag usapan. Ayokong masira ang maganda kong mood."

He kissed my head. "Okay. Gusto mo na bang kumain?"

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko.

He chuckled. "Oo eh."

Umupo na 'ko para makaupo na din siya. Ako na ang unang umalis sa kama at lumapit agad ako sa lamiseta kung saan nandun 'yung breakfast na hinanda ni Christian for us. May toasted bread, Bacon and scrambled egg na may garnish pa.

Mukhang masarap! 'Yung garnish talaga ang nag dala.

Pumwesto si Christian sa tapat ko tsaka naming sinimulang dalawa na kainin 'yung breakfast na niluto niya.

"Yen, pwede ba 'kong mag tanong?" Tanong ni Christian habang kumakain kami.

"Oo naman." Tanong ko habang ngumunguya.

"'Yang tattoo mo, may meaning ba sa'yo 'yan?"

Bigla akong na pahinto ako sa pagnguya ko dahil sa tanong niya. Ano kayang magiging reaksyon kapag nalaman niyang couple tattoo 'to namin 'to ni Derek?

Nilunok ko muna 'yung pagkain sa bibig ko.

"Couple tattoo namin 'to ni Derek dati." Sagot ko.

"I see." Matipid niyang sabi kita ko sa reaksyon niya ang kunting selos.

"Wala ng meaning 'to sa'kin Christian. Kung pwede nga lang 'tong burahin matagal ko ng ginawa." I reassured.

Isa rin siguro ito sa nakaraan ko na kahit kailan hindi ko na mabubura.

He forced a smile. "I understand, you don't have to explain."

Kinuha ko na lang 'yung plato ko tsaka ako lumakad papunta sa tabi niya. Umupo ako at nilapag muli sa lamesa 'yung plato. Tumingin ako sa kanya at ngumiti na sinuklian lang din niya ng ngiti.

Hinalikan ko siya ng mabilis sa pisnge niya. "I love you."

"I love you too Yen."

"Alam mo gusto kong may tawagan tayo sa isa't-isa, hindi 'yung name lang natin ang ginagamit nating pangtawag." Pagpapalight ko ng mood niya.

The Decent SonWhere stories live. Discover now