The Decent Son (38)

6.6K 203 6
                                    

Puro sermon ang inabot ni Dante kay Papa dahil sa pagiging late nito sa pagtulong sa'kin mula kay Derek.

Hindi naman daw ito sinasadya ni Dante dahil habang sinusundan niya ako, bigla siyang naipit sa isang aksidente na nag cause ng traffic.

"I'm really sorry, sir." Paghingi ng tawad ni Dante.

"Sorry? Paano kung mas na late ka pa ng ilang segundo? For sure nadala na ng Derek na 'yon si Alyenna!" Papa barks at him.

"Pa, 'wag mo na siyang pagalitan."

"Paanong hindi ko siya pagagalitan? Paano kung na dala ka ng Derek na 'yon?"

"Hindi naman po nangyari e. Sakto lang ang dating niya."

"From now on, dapat lagi na siyang nakadikit sa'yo kapag hindi mo kasama si Christian!"

Si Christian. Alam na ni Derek ang tungkol kay Christian. Sigurado akong mapapahamak siya dahil nalaman na ni Derek ang tungkol sa kanya. Hindi na rin siya safe tulad ko. Kailangan niyang malaman 'to.

"What is happening here?" Dinig naming boses ni Alyssa. Tumingin ako sa direksyon niya at tingin ko galing siya sa... Hindi ko alam. Nakatingin lang siya kay Dante na nakayuko lang.

"Nakita na siya ni Derek." Sagot ni Papa.

Biglang tumakbo si Alyssa papalapit sa'kin na may pagaalala sa mukha niya. "Oh my god Ate, are you okay?" She asked.

Tumango ako. "Oo, don't worry."

Ang totoo hindi. 'Yong katawan ko, shaky pa din.

"Alam na ba 'to ni Kuya Christian?" Tanong niya.

"Papa told him kahit na sinabi kong 'wag muna dahil baka nasa meeting siya." For sure, maya-maya nandito na 'yon.

"He needs to know." Papa said.

"Ano'ng sinabi sa'yo ni Derek?" Alyssa asked.

"Babalikan daw niya ako." Bigla na namang kumirot ng matindi ang puso ko dahil sa banta niyang 'yon.

"Tingin mo babalik talaga siya?"

"Oo." Kapag sinabi niya, ginagawa ka niya.

"Dapat nating doblehan ang security mo. I will make sure na hindi na ulit makakalapit pa 'yong Derek na 'yon sa'yo." Papa said.

"I agree Pa. Not just double it, triple it!" Alyssa said.

"Yen," Nag echo sa loob ng Mansion ang boses ni Christian. Tumingin kaming lahat sa direksyon niya. Tumakbo siya papalapit sa'kin, lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ayos ka lang baby?" He asked.

"Medyo shaky pa pero, okay na."

"I'm sorry hindi dapat kita hinayaang mag isa."

"It's not your fault, hindi naman natin alam na sinusundan na pala niya ako kahapon pa."

"Sinusundan ka na niya simula pa kahapon?" Gulat niyang tanong.

Tumango ako bilang sagot.

"Bwiset!" Inis niyang sabi.

"Pwede mo ba 'kong ihatid sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.

"Sige." Tumayo na 'ko pero feeling ko nang hihina pa din tuhod ko. Inilagay ni Christian ang kamay niya sa likod ng bewang ko para alalayan ako sa paglakad.

"Christian after mong ihatid si Alyenna sa kwarto niya, bumaba ka agad mag uusap tayo." Papa told Chriatian.

"Yes, sir."

Tinuloy ni Christian ang pagaalalay sa'kin hanggang makaakyat kami papunta sa kwarto ko. Pagpasok namin, umupo agad ako sa kama habang siya nakatayo lang sa harap ko.

"Are you really okay now, baby?" Pagaalala niya.

I shake my head. "Nakita ka niya. Alam na niya ang tungkol sa'yo, natatakot akong baka saktan ka niya. Pinagbantaan na niya ako," Kumirot 'yong puso ko at hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.

"Hindi ko alam ang gagawin kapag may mangyari sa'yo."

"Hey," Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. "Hindi mangyayari 'yon. Hindi niya ako masasaktan, hindi ka niya masasaktan. I promise you that."

Hindi pa rin ako kampante kahit na nag promise pa siya.

"Mag hire ka din ng body guard." I told him.

"No, i don't need that."

"Yes you do! Hindi ako mapapakali kung wala ka nun. Promise me na mag hire ka. Kung hindi mo gagawin 'yon, ako ang mag sasabi kay Papa na bigyan ka. Kahit papaano makakampante ako kapag may body guard ka."

Huminga siya ng malalim. "Okay. I promise mag ha-hire ako." He reassured. Hinalikan niya ako sa forehead ko.

"Lalabas na 'ko, kakausapin pa 'ko ng Papa mo e. Babalik ako."

"Okay." I said nodding. Hinalikan niya muli ako sa forehead ko tsaka siya nag lakad palabas ng kwarto ko.

Nanatili lang akong nakaupo sa kama ko habang nakatingin sa kawalan. Windang pa din ako sa mga nangyayari ngayon. Parang kahapon ang saya lang ng lahat, ito pala ang magiging kapalit ng lahat ng 'yon.

Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga ng malakas. Gusto kong ibuga lahat ng nerbyos at takot ko. Hindi makakatulong kung matatakot ako baka maging pabigat pa 'to. Kailangan kong magpakalakas for Christian. Alam kong siya ang nangakong hindi na makakalapit pa 'yong Derek na 'yon sa'kin but i will make sure too na hindi siya malalapitan ni Derek. Magkamatayan na pero, hindi ko hahayaang saktan niya si Christian.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko dito sa kama. Pumasok ako ng bathroom para mag shower. Baka sakaling makabawas 'to sa hindi magandang pakiramdam ko.

After kong makapag shower, lumabas ako ng kwarto ko ng nakatapis lang ng tuwalya sa katawan ko tsaka ako dumiretso sa closet ko at nag bihis na. Nang matapos akong mag bihis, sakto sa pag bukas ng pinto sa kwarto ko at si Christian ang nakita kong pumasok.

"Hi." Bati niya.

"Hi." I greeted back. "Ano'ng pinagusapan nyo ni Papa?" Tanong ko.

"Tungkol sa safety mo."

"Ano'ng tungkol sa safety ko?"

"Planong mag file ng Restraining order kay Derek para hindi siya makalapit sa'yo."

"Hindi mapipigilan nun si Derek."

"Alam ko, naisip ko na din 'yan kaya nag suggest ako kay Mr. Ferez na sa States na tumira kasama ka. Hindi tayo masusundan do'n ni Derek dahil madami siyang kaso, hindi makakaalis ng ibang bansa. Papaunahin lang muna kita do'n, tatapusin ko lang 'yong proyekto ko dito tsaka ako susunod do'n para do'n bumuo pamilya. Do'n muna tayo hangga't hindi pa nahuhuli si Derek."

"Maganda sana 'yang suggest mo baby kaya lang hindi ako papayag na mag pa-una do'n habang ikaw maiiwan muna dito. Nakalimutan mo na ba 'yong sinabi ko? Pinagbataan ka na niya sa'kin kaya kung pupunta ako ng States dapat kasama ka na. Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama."

Nag lakad siya papalapit sa'kin at niyakap ako. "Okay, if that's what you want. Pero may condition,"

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa'kin. "Ano 'yon?"

"Mag re-resign ka sa trabaho mo. Pareho kaming nag agree ni Mr. Ferez na huminto ka sa pag ta-trabaho."

"Pero-"

"Baby, alam kong hindi ka na sanay ng walang ginagawa. Pero para lang 'to sa safety mo. Kapag pumunta naman na tayo ng States, pwede ka na ulit mag work or do'n ka na mag aaral. Please, ilang buwan na lang 'to."

"Okay." Pagsangayon ko.

Niyakap niya ulit ako at sinuklian ko naman agad ang yakap na niyang 'yon.

--

Sorry maiksi.

The Decent SonWhere stories live. Discover now