The Decent Son (22)

7.7K 252 10
                                    

Nasa byahe na 'ko papunta sa Cafe ng may ngiti sa labi ko. Ang kaligayahan ko ngayon ay walang kapantay. Ang tagal na noong huli ko 'tong maramdaman at aaminin ko mas the best 'to ngayon sa pakiramdam.

Hindi mahulugang karayum ang saya ko.

Hindi ko na mahintay na makita ulit si Christian mamaya. Gusto ko na siyang mayakap ulit at mahalikan. Hihi.

Nakarating ako sa Cafe, dumiretso ako sa locker room at nilagay lang ang gamit ko dito.

Lumabas ako ng locker room at ready na 'kong mag trabaho ng good mood.

"Aba! Good mood ka ah!" Dinig kong boses ni Madi.

Tumingin ako sa direksyon niya ng nakangiti. "Halata ba Ma'am?" I answer, playfully.

"Yah! What's with the grin?"

"Kami na ni Christian." Pagbabalita ko.

"Oh. My. God! For real?"

Tumango ako.

Tumalon siya at nag pigil ng gilig niya. "I knew it! I knew it! I knew it!!"

I chuckled. "Oo na! Tama ka na!"

She shrugged. "You know i'm always right!"

"Yah! Yah! Mag ta-trabaho na 'ko!" Nilibot ko na ang tingin ko sa paligid at na lock ang paningin ko sa isang lalake na pamilyar na nakaupo lang sa tabi ng wall class.

Iniisip kong mabuti kung saan ko siya nakita kung bakit siya pamilyar then pumasok sa isip ko 'yung lalakeng sinasabi ni Christian na nakita niyang nakaupo sa hindi kalayuan sa'kin kagabi sa Club at 'yung lalakeng nasa kanto sa'min habang naka sandal sa kotse niya habang nagbabasa ng diaryo. Kung anong suot niya kanina sa kanto sa'min ganun din ang suot niya ngayon dito.

Bakit siya nandito? 'Wag mong sabihing coincident lang na nandito ako at nandito na naman siya? Tatlong beses sa iisang lugar? Hindi ako naniniwalang insidente lang 'to!

Tumingin sa direksyon ko 'yung lalake at dali-daling umiwas ng tingin nang mapansin akong nakatingin.

"Yen, ayos ka lang?" Dinig kong tanong ni Madi kaya na punta sa kanya ang atensyon ko.

"May weird na lalakeng costumer."

"Oh my god! Holdaper ba?" Pagpapanick niya.

"No! Calm down! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."

"Oh thank god! Kung ganun bakit siya weird? And where is he?"

Tumingin ulit ako sa direksyon pero nakatayo na 'to ngayon at nag lalakad na palabas ng Cafe na parang nag mamadali din.

"Susundan ko lang siya." Sabi ko kay Madi.

"What-" Hindi ko na hinintay pa 'yung isasagot niya at minadali kong sundan 'yung lalake palabas ng Cafe.

"Sandali!" Tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Kita sa kanya ang gulat nang makita akong sinundan siya. Nag madali siyang pumunta sa kotse niya kaya tumakbo din ako para habulin siya bago pa siya makasakay ng tuluyan sa kotse niya.

Bago pa niya mabuksan 'yung pinto ng kotse, nahawakan ko siya sa braso niya at pinaharap sa'kin.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Costumer."

"Hindi ka costumer! Sinusundan mo 'ko!"

"Paano mo naman nasabing sinusundan kita?"

"Nakita ka ng boyfriend ko sa Club. Nakita ka rin namin sa kanto malapit sa bahay ko, tapos ngayon dito!"

"Wala kang patunay!"

The Decent SonOnde as histórias ganham vida. Descobre agora