The Decent Son (2)

14.6K 419 30
                                    

Natapos ang lunch meeting na kami ni Papa ang naiwan sa restaurant, kaya ako nag hihintay na ng sermon mula sakanya.

"I told you not to be late!" Dad barks.

"I'm sorry Dad, naisnatch yung cellphone ko at hinabol ko yung isnatcher."

"Hinayaan mong malate ka ng dahil lang sa cellphone?"

"I'm sorry." Hindi ko masabi sakanya ang pinaka dahilan kung bakit hinabol ko pa yung snacther na yun maibalik ko lang sakin ang cellphone ko.

Meron itong litrato ng isang babaeng sobrang importante sakin, ang nagiisang babaeng minahal ko noon na hindi niya nagustuhan para sakin, Si Camille Rivera isa lang siyang simple at matalinong babae pero hindi siya pumasa standards ni Papa kaya wala na kong nagawa noon nung binantaan niya kong papahirapan niya si Camille pag pinag patuloy ko ang relasyon namin.

Aaminin ko, hinahanap hanap ko padin siya kaya di ko kayang mawala nalang basta tong cellphone na to.

"Don't do it again." He warns.

"Yes, Sir." I formally said. Inayos lang ni Papa ang suit niya at binotes tsaka nag simulang maglakad, habang ako nakasunod lang sakanya.

Sinalubong kami ng secretary ni Papa na si Mr. Lim. He bows to us, formally. "Mag report ka bukas sa opisina ko para masimulan mo na sa Monday ang pagiging Gen. Manager mo." Papa said to me.

"Opo." Pag kasabi ko nun, pinagbuksan na siya ng pinto sa kotse ni Mr. Lim tsaka siya sumakay sa back seat, nang makasakay si Mr. Lim sa passenger seat, nag simula na silang magmaneho paalis.

Nakakaramdam ako ng inis, nakakainis dahil ayaw ko pa namang nagkakamali sa harap ni Papa. Kung di lang ako naisnatchan di sana mangyayari to.

Pumunta nalang muna ko sa kotse ko at sumakay tsaka kinuha yung cellphone ko, naalala ko kasing kausap ko kanina si Simon. Kaya dinial ko yung number niya at tinawagan siya.

"Yow, dude.. anong nangyari bakit nawala ka sa linya kanina?" He asked.

"Na isnatch yung cellphone ko, pero nabawi ko din naman salamat sa isang babae."

"Babae?"

"Yup, babae tumulong sakin bumawi ng cellphone ko."

"Di ba nasira pride mo?" Natatawa nitong sabi.

"Hindi naman, ano nga pala yung sinasabi mo kanina?"

"Uh.. yung tungkol sa may mangyayaring event sa Club ko, baka gusto mong pumunta?"

"Okay, mag eenjoy na ko habang di pa ko umuupo bilang Gen. Manager sa company ni Papa."

"Okay, mamaya nalang." Ibinaba ko yung tawag at inilagay sa bulsa ng suit ko yung cellphone ko tsaka inistart ang makina ng kotse ko.

Nag simula na kong mag maneho, plano ko munang umuwi sa Unit ko para makapag bihis na bago pumunta sa Club ni Simon.

Nasa kalagitnaan na ko ng pag mamaneho ko ng may mapansin akong babaeng tumatakbo at hinahabol ng mga lalake sa gilid ng kalsada. Napalingon ako dahil pamilyar sakin yung babaeng hinahanabol, siya yung tumulong sakin kanina sa snatcher para mahuli.

Hininto ko yung kotse malapit dun sa babae tsaka bumaba ng kotse. "Hey, Miss.. get in." I yelled. Huminto siya sa pagtakbo at tumingon sakin ng hingal na hingal, halata sa mukha niya ang pagtataka sa sinabi ko. Lumingon siya para tignan yung mga humahabol sakanya na medyo malapit na sakanya kaya dali dali tong lumapit sakin at binuksan yung pinto sa passenger seat, kaya ako din nag madaling sumakay ulit ng kotse.

"Bilisan mo pogi!!" She screams. Mabilis kong pinatakbo yung kotse ko hanggang sa mawala sa paningin namin yung humahabol sakanya tsaka naman siyang biglang tumawa.

"Hoy, salamat ah. May utang kasi ako sa nga gagong yun eh di ko pa nababayaran." So yun naman pala ang dahilan kaya hinahabol siya ng mga yun.

"Welcome, kapalit yun ng pag tulong mo sakin kanina sa snatcher."

"Matandain ka pala ah, ayos yan." Tumingin ulit siya sa likod para siguro tignan ulit yung mga humahabol sakanya. Pasimple ko siyang tinignan at nakita kong may hawak siyang envelope.

"What's in the envelope?" I asked.

"Resume." Sagot niya tsaka kinuha yung bag pack niya at inilagay dun yung envelope.

"Are you applying?"

"Oo."

"Give me one, baka may position akong maibigay sayo sa Company na papasukan ko."

"Wag na!" Napatingin ako sakanya sa gulat. Siya na nga tong inoofferan ng trabaho ayaw pa niya? Ibang klase talaga siya. "Ibaba mo nalang ako dyan sa kanto." Utos niya.

Sinunod ko nalang yung sinabi niya at hininto yung kotse. Binuksan niya yung pinto at bumaba. "Salamat ulit pogi."

"Welcome Ms. Yen."

"Langya ang galang mo naman masyado, Yen nalang!"

"Okay, walang anuman Yen."

Ngumiti siya na lalong nag paganda sakanya. Isasarado na sana niya yung pinto pero pinigilan ko. "Teka sandali, Yen."

"Oh, ano yun?" May pagkabrusko niyang sabi.

"Matutulungan kita sa paghahanap ng trabaho, kaya bigyan mo na ko ng resume mo." Pangungulit ko.

"Hindi na pogi!" Sumaludo siya at kumindat tsaka nag lakad na palayo.

I chuckled, amusingly. Weird girl.

The Decent SonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt