The Decent Son (14)

8.2K 264 9
                                    

Lutang...

Ganyan ako halos buong araw ko dito sa trabaho ko dahil sa pag iisip kay Christian. Buti na nga lang hindi ako sinermunan ng bisor ko eh. Baka kasi hindi ko na mapigilan sarili ko at masapak ko na siya. Biro lang, hindi ko pa rin gagawin 'yun bilang respeto kay Madison dahil pinayagan niya 'kong mag trabaho dito.

Lumabas na 'ko ng locker room dahil out ko na rin naman.

Pag labas ko, napatingin ako sa entrance ng Cafe at dun nakita ko ang kapatid kong papasok na may bitbit na dalawang malaking maleta.

Naloko na! Nawala sa isip ko na ngayon ko pala siya pinapapunta dito.

"Sino 'yan? Bakit may dala siyang may maleta sa pag punta sa Cafe ko." Dinig kong sabi ni Madison mula sa tabi ko na medyo ikinabigla ko. Grabe naman kasi, bigla bigla siyang sumusulpot.

"Kapatid ko siya." Sagot ko.

"Really? Mas may taste siya sa'yo sa pananamit."

'Yun pa talaga ang napansin niya ah.

Nag lakad nalang ako papalapit sa kapatid ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.

Ngumiti siya nang makita at nag madaling lumapit sa'kin habang 'yung maleta niya ay iniwan niya lang sa may entrance. Binuka niya ang bibig niya para mag salita pero nilagay ko ang pointing finger ko sa labi ko para pigilan siya sa pagsasalita.

Ayokong malaman ng mga ka-trabaho ko na kapatid ko siya. Hindi sa ikinahihiya ko dahil hindi naman kahiya-hiyang kapatid ko siya. Ayoko lang ma-confuse sila at tingin ko... hindi naman sila maniniwala.

"Allysa siya si Madison, kaibigan ko." Pagpapakilala ko.

Nag offer ng handshake si Allysa kay Madi. Inabot naman niya 'yun at nakipag kamay sa kanya.

"Thank you for helping, Ate." Allysa said.

"I'm happy to help." Madison said.

"Sure ka bang hindi ka na sundan ng mga men in black ni Papa?" Tanong ko sa kanya. Ang tinutukoy ko na men in black ay 'yung mga laging naka itim na guards ni Papa.

"I'm very sure Ate. You have nothing to worry about." Kumindat pa siya sa'kin.

"Mabuti kung ganun," Bigla akong siniko ni Madi kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Bakit?" Pagtataka ko.

Tinuro niya ang entrance gamit ang labi niya. Tumingin ako dun at ang nakita ko ay si Christian.

Ah shit!

"Si Christian Danielles ba 'yan?" Tanong ni Allysa.

"Yup! Manliligaw siya ng Ate mo." Madison said.

"Oh my!! Really, Ate?"

"No! 'Wag ka ngang makikinig dyan kay Madi."

Nag lakad na lang ako papalapit kay Christian. Plano niya sanang mag salita pero hindi niya 'yun natuloy dahil hinawakan ko siya sa braso niya at hinila palabas ng Cafe.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makalabas kami sa Cafe.

"I want to see you."

"Bakit pa? Alam mo na kung anong nangyari sa'kin, bakit hindi ka nalang lumayo?"

"Ikaw na ang nag sabi, hindi naman ikaw pumatay dun sa lalakeng nagustuhan mo. Inako mo lang ang kasalanan ng ex. mo kaya bakit ako lalayo?"

"Paano kung nag sinungaling ako? Paano nga kung ako 'yung pumatay sa taong 'yun?"

"I don't care! I don't care kung kriminal ka basta gusto kita!"

"Christian-"

Urgh! Hindi na 'ko makahanap pa ng kahit anong salitang pwedeng mag palayo sa kanya sa'kin.

The Decent SonWhere stories live. Discover now