The Decent Son (44)

6.2K 178 10
                                    

Mae POV

Nasa ako ngayon nakaupo sa separate chair at pinagmamasdan ang babae ni Derek na nakaupo ngayon sa couch at hindi mapakali dahil siguro sa sobrang inip ng pagdating ng jowa niya.

Medyo na iirita na 'ko sa nakikita ko. Hindi ko lang din kasi mapigilang kabahan sa pwedeng mangyari ngayong tinuro ko sa jowa niya kung nasaan siya. Kinakabahan ako hindi para sa kanya kung para sa'kin. Siguradong lagot ako kay Derek kapag nalaman niyang tinulungan ko ang babae niya na makatakas sa lungga niya.

"Pwede ba kumalma ka nga!" Pagsermon ko sa kanya. Hangga't nararamdaman kong kinakabahan siya nahahawa ako e.

"Hindi ako, makakalma hangga't hindi dumarating dito si Christian."

"Kung hindi bobo sa direksyon ang jowa mo, madali niya lang 'tong mahahanap."

"Matalino siya."

"Sabi mo e."

Hindi ko talaga alam kung dapat ba na tinulungan ko 'tong babaeng 'to. Baka si Derek din ang mapahamak dahil sa ginawa ko. Wait! Oo nga nu? Paano kung magsama ng pulis dito 'yong jowa niya? Shit! Kailangan mawarningan si Derek. Gusto ko lang mawala sa landas niya ang babaeng 'to ayaw ko naman siyang makulong dahil gusto ko pang magsama kami at bumuo ng pamilya. Pero paano ko gagawin 'yon nang hindi niya mahahalatang tinulungan ko silang mahanap kung nasaan ang lungga niya?

Haay!

"Mabuti pa, aalis na lang ako." Sabi ko sa kanya kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"Saan ka naman pupunta?" Pagtataka niya.

"Uh... Maganda kung may dahilan ako kay Derek na wala ako dito 'pag kinuha ka na ng boyfriend mo. Para hindi niya 'ko masisi na wala ka na dito."

Isa 'yon sa mga plano ko pero ang isa pang plano ko. Kailangan kong mag masid sa 'di kalayuan kung talaga ngang magdadala sila ng pulis para magawa kong warningan si Derek na 'wag munang umuwi.

"Sige. Tama 'yan. Para hindi ka niya pagbalingan."

Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo ko.

"Okay! Goodluck, sana mahanap ka ng jowa mo."

Pagkasabi ko nun, nag simula na 'kong mag lakad palabas ng bahay. Sa paglabas ko, napatingin sa'kin sila Ruffu and Franz na mga bantay ni Derek para hindi makawala ang babae niya.

"O Mae, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Ruffu.

"Mamimile lang ako ng stock na pagkain sa ref. bantayan nyong mabuti 'yong babae ni Derek baka makawala. Pagnakawala siya patay kayo kay Derek."

"'Wag kang magalala. Kami ng bahala sa kanya."

Tinuloy-tuloy ko na lang ang paglalakad ko. Nililingon-lingon ko pa sila para tignan kung pinapanuod ba nila ako sa paglalakad ko. Nakita ko naman na busy sila sa pagku-kwentuhan kaya bigla akong nagtago sa poste na medyo malapit lang sa bahay. Dito ko planong magmasid. Medyo mapanghi lang pero keri na 'to, wala na 'kong maisip na pwedeng pagtuguan para magmasid kapag dumating na ang jowa ng Yen na 'yon.

Kulang-kulang isang oras na ata akong nandito nang may mga dumating na dalawang sasakayan ng mga pulis at isang itim na kotse.

Hindi nga 'ko nagkamali, nag sama sila ng pulis.

Nakita kong na alarma sila Ruffu at Franz sa biglaang pagdating ng mga pulis pero nag taas din naman agad ito ng mga kamay nila bilang pagsuko tsaka naman may lumabas na dalawang lalake sa itim na kotse at nag madaling pumasok ng bahay. Isa na siguro do'n 'yong jowa ni Yen.

Dinaial ko naman agad 'yong number ni Derek habang pinapanuod ang nangyayari sa bahay.

Ilang sandali lang sinagot na niya 'to.

"Bakit? May problema ba dyan?" Tanong agad niya.

"Oo! May mga pumuntang pulis dito sa bahay mo Derek. 'Wag ka munang uuwi."

"Ano?!! Paanong nangyari 'yon?!" Halos pasigaw niyang tanong.

"Hindi ko alam. Lumabas ako para mamile ng stock ng pagkain natin sa ref. pagbalik ko may nakita akong mga pulis kaya hindi na 'ko tumuloy sa paguwi dahil baka i-damay nila ako sa paghuli sa kanila. Tingin ko 'yong babae mo ang kailan nila."

"Bwiset!!!" Narinig ko na parang may kumalabog sa kabilang linya.

"Paano nalaman ng mga gago na 'yan kung saan ako nakatira?! Urghhh! Hindi nila pwedeng makuha si Yen!"

"E anong gagawin mo? Gusto mo bang mahuli ka ng mga pulis? Ikukulong ka nila dahil sa pagkidnap mo sa kaniya. Plus, nasa drug list ka Derek. Kapag nanlaban ka siguradong hindi ka sasantuhin ng pulis! Kaya mag stay ka lang muna kung nasaan ka!"

"P*tang *na talaga! May nakita ka bang kasama ng pulis?"

"May nakita akong itim na kotse kaya tingin ko may kasama sila."

"Sige. Nasaan ka ngayon?"

"Dito malapit sa bahay, nag mamasid lang."

"Umalis ka na dyan! Baka madamay ka pa."

"Okay." Pinatay ko na 'yong tawag. Para akong nakahinga ng maluwag sa pagpatay ko ng tawag sa kanya. Buti napaniwala ko siya sa mga sinabi ko. Tingin ko naman hindi na 'ko mapaghihinalaan nito.

Finocus ko na lang ulit ang tingin ko sa bahay. Nakita kong lumabas na mula do'n si Yen habang naka akbay sa kanya ang isang lalake na tingin ko 'yon ang boyfriend niya.

Isinakay na agad ng boyfriend ni Yen siya sa kotse niya at kumausap pa muna sandali ng pulis tsaka naman sila tuluyang sumakay ng kotse. 'Yong isang lalakeng kasama nila sa backseat na pumwesto.

May dalawang pulis din na sumakay sa isang sasakyan nilang dala.

Sinimulan nila Yen ang mag maneho paalis habang nakasunod lang sakanila 'yong dalawang pulis. Habang 'yong ibang mga pulis naman ay naiwan sa bahay ni Derek.

Nag simula na 'kong mag lakad paalis dito sa pinagtataguan ko. Ginawa kong hindi obvious ang paglalakad ko para hindi ako mapansin ng mga pulis. Kalmado lang akong nag lalakad kahit na sobrang kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Tapos na ang mission ko. Ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay umarte sa harap ni Derek tulad kung paano ako umarte sa cellphone habang kausap siya. Sana lang hindi niya malaman ang ginawa ko dahil baka patayin niya 'ko pagnagkataon.

Maraming beses na niya 'kong napag buhatan ng kamay, kaya kapag nalaman niya ang ginawa ko, siguradong mararamdaman ko na naman 'yon.

'Wag naman sana.

To be continued...

The Decent SonWhere stories live. Discover now