The Decent Son (4)

10.4K 304 6
                                    

Nasa parking na kami ngayon ng Club. Hindi ko alam pero parang nagkaka allergy na din ako sa mga sosyal na lugar tulad nito.

"Ready to party?" Excited na tanong ni Madison sa'kin.

"Hindi!" Prangka kong sabi. Kasi 'di naman talaga, alam niya 'yun at kita 'yun sa mukha ko.

"Wag ka ngang sumimangot dyan! Club pupuntahan natin girl hindi burol." Bumaba na siya sa driver seat kaya sumunod nalang ako. Ayaw ko naman paiwan dito kahit na ayaw kong pumunta dun.

Inangkla niya sa braso ko yung kamay niya, habang yung isang kamay ko naman nakapamulsa sa jeans. Sana lang talaga wala akong masapak na tao ngayon.

Ingay agad ang bumangad sa'min pag pasok namin at mga lasing na costumer. Dumiretso kami sa Bar Station at dun nakita ko ang jowa niyang si... sino nga ulit 'to?

"Babe.." Tawag ni Madison dun sa jowa niya. Sabi na eh! Hindi talaga siya broken hearted eh. Loka talaga 'tong babaeng 'to!

"Hey babe, kanina pa kita hinintay." Sabi nung jowa niya pagkalapit namin tsaka naghalikan sa harap ko. Haay!

Tumingin sa'kin si Madison at ngumiti nang pa-sweet. "Okay, i know, i lied, sorry."

"May magagawa ba 'ko? Nandito na 'ko eh. Ano bang meron?"

"Birthday Party ko." Sagot nung jowa ni Madison.

"Ano nga ulit pangalan mo? Nakalimutan ko eh." Prangka kong tanong.

"Simon."

"Ah! Happy birthday brad."

Ngumiti siya nang bahagya. "Salamat. Teka, ipapakilala lang kita sa kaibigan ko." Lumingon siya at tila tumingin dun sa lalake na nakaupo sa Bar Station habang busy sa cellphone.

"Christian!!" Tawag niya dito kaya lumingon 'to sa direksyon namin. Hmm.. pamilyar siya.

Uminum 'to sandali nung alak na iniinum niya tsaka nag lakad papalapit sa'min habang tila na lock ang paningin sa'kin habang naka kunot ang noo. "Ms. Yen?" Tanong niya para siguro i-comfirm ko na name ko nga ay Yen.

"Kilala mo 'ko?" Pagtataka ko. Tsaka ang sosyal nang tawag niya sa'kin ah. May pa Ms.-Ms. pa.

"Oo nga, magkakilala kayo?" Tanong din ni Simon na halatang nagtataka.

"Uh.. she helped from Snatcher weeks ago."

Uminglish pa ang bugok na 'to akala niya ata di ko siya maintindihan. Pero ngayon, naalala ko na siya. Kaya naman pala siya pamilyar eh, siya yung lalakeng tinulungan ko sa snatcher at tinulungan din akong makatakas sa pag habol sa'kin noon nila Benok. Siya si... ano nga ulit name nito? Basta nabasa ko noon sa calling card na binigay niya Gen. Manager siya sa isang kilalang Company.

"Wow! Hero ang peg, girl?" Natatawang sabi ni Madison.

"Tss.. ang tagal na nun, nakalimutan ko na nga eh." Totoo yun! Di ko naman kasi tinatandaan pa yung mga ganung bagay eh.

"I'm Christian." Pagpapakilala niya habang nag offer nang pakikipag kamay. Inabot ko naman yun para di sabihin na rude ako.

"Di ko na sasabihin name ko dahil alam mo naman na."

Ngumiti siya. "Oo, wag na." Ang dali niyang kausap ah.

"Paano iwan muna namin kayo dyan, makikipag sayaw lang ako sa babe ko." Simon said habang nakangiti ng pa-sweet sa kaibigan ko.

Wala na 'kong nagawa. Pumunta nalang ako sa Bar Station kung saan siya nakaupo kanina. Plano ko na sanang um-order ng maiinum ko kaya lang 'di nila sinabi kung libre ba alak dito dahil inimbita nila 'ko. Langya! Ang mahal pa naman ng beer sa Club na 'to.

The Decent Sonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن