The Decent Son (40)

6.3K 195 4
                                    

Christian POV

Tumatakbo ako ngayon sa Hallway ng hospital para puntahan si Dante. Pumunta agad ako dito nang ibalita palang sa'kin ni Mr. Ferez ang nangyari kay Dante at kay Yen.

Nagagalit ako sa sobrang inis dahil nakuha na ni Derek si Yen. Na bu-bwiset ako. Hinayaan ko lang siyang makakuha, na ngako pa naman ako sa kanya.

Nakarating ako kung saan naka confine si Dante, nakita ko rin do'n si Mr. Ferez na helpless na din habang si Dante ay nakahiga lang sa hospital bed at may sugat ito sa braso niya.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanila.

"Pasensya na sir, hindi lang mag isa si Derek nang kunin niya si Ms. Yen, na gulat na lang ako nang may bumaril sa likod ko. Hindi ako naging handa do'n. Pasensya na talaga."

"Na report na po ba 'to sa mga pulis?" Tanong ko kay Mr. Ferez.

"Nagawa ko na, pero wala pa rin silang lead na ma-ibigay."

"Bwiset!!!"

"Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Wala akong pakialam kahit maubos ang pera ko para lang mahanap siya." Mr. Ferez said.

"Mr. Ferez," Dinig naming tawag sa kanya. Tumingin kami sa direksyon nun at dalawang pulis ang nakita namin.

"Officer may balita na ba sa Fiance ko?" Tanong ko.

He shakes his head. "Pasensya na po, ginagawa na po namin ang lahat para mahanap siya at ang grupo ni Derek."

"Lahat? Baka kulang pa 'yong ginagawa nyo dahil wala manlang kayong mabigay na lead sa'min!" Inis kong sabi.

"Calm down Christian." Mr. Ferez told me.

"Ang lead palang na alam namin ay ang pagiging sangkot ni Derek sa droga pero kung saan siya tumutuloy o kung saan niya pwedeng dalhin si Ms. Ferez ay hindi pa namin masasagot. Sa ngayon ang mga tao ko ay humahanap ng mga taong pwedeng magturo kay Derek."

"Wala bang CCTV sa pinangyarihan?" Tanong ko.

"Chini-check na din ng mga tauhan, kapag may nakuha kaming lead sasabihin namin agad sa inyo."

"'Wag naman sanang matagal dahil baka kung ano ng ginawa ng gagong 'yon sa Fiance ko!"

"Gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghahanap sa kanya."

Nag simula na silang mag lakad paalis pagkatapos nila kaming makausap.

Nag lakad na lang din ako paalis.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Mr. Ferez.

Hinarap ko siya. "Hahanapin ko din po siya."

"Paano mo gagawin 'yon?"

"Hindi ko po alam. Basta gagawin ko ang lahat para mahanap siya."

Nag bow na 'ko sa kanya tsaka ko tinuloy ang paglalakad paalis ng hospital.

Dumiretso ako sa kotse ko. Pinaandar ko ang makina at sinimulan ang pag mamaneho. Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta, kung saan ko sisimulan ang paghahanap hanggang sa biglang pumasok sa utak ko ang kaibigan ni Yen na si Lala na nakatira sa Tundo baka sakaling may alam 'to o nabanggit ni Yen sa kanya kung saan tumuloy noon sila Yen at Derek noong lumayas si Yen.

Tama! Do'n na lang muna ako pupunta. Bahala na. Wala namang mawawala kung susubukan kong pumunta do'n at magtanong.

Sa pagdating ko ng Tondo. Dali-dali akong bumaba sa kotse ko at nag tanong agad sa mga tambay kung saan 'yong bahay ni Lala. May nag turo naman agad sa'kin dahil 'yong iba sa kanila na mukhaan ako na boyfriend ni Yen. Nag punta agad ako sa bahay na tinuro nila sa'kin habang on the way naman ako do'n nakasalubong ko naman 'yong isang kaibigan ni Yen na si Cho ata 'yon.

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon