The Decent Son (24)

7.3K 250 11
                                    

Christian POV.

Nag mamadali akong asikasuhin ang gamit ko para makalabas na 'ko ng office ko at makauwi. Magkikita kasi kami ngayon ni Yen sa Apartment ko. Dun namin planong magkita at nag text na siya sa'kin na papatakpan lang daw niya ng bagong tattoo ang lumang tattoo niya bago siya pumunta ng Apartment.

Ibig sabihin hindi ko na makikita ang dating couple tattoo nila ng Derek na 'yun dahil baka isa rin 'yun sa nag papahirap kay Yen na mawala ang trauma niya sa ex niya. Masaya akong matatakpan na 'yun. Ayaw ko na siyang mahirapan pa sa nakaraan niya.

It's been a week na din since maging kami ni Yen and it was the best week ever for me. Siguro nga medyo may pagka brusko siya kumilos pero malambing siya. I really love that about her.

Sinuot ko na 'yung suit ko, binitbit ko na din ang bag ko kaso biglang nag bukas ang pinto ng office ko at ang nakita kong pumasok ay si Papa.

Nag bow ako sa kanya bilang pag galang.

"Uuwi ka na?" He asked.

"Opo. May kailangan po ba kayo?"

"I'm planning to make a birthday party for me. I invite Mr. Ferez and his youngest daughter. Make sure to be there, malay mo magustuhan ka ng anak ni Mr. Ferez."

I sighed. "Dad, sinabi ko na 'to na noon at sasabihin ko ulit. Hindi ako makikipag date sa kahit na kaninong Ferez! Give it up!"

"Hindi ka pa rin ba sawang i-date ang Yen Salvador na 'yun?"

"Hindi! Girlfriend ko na siya Dad."

"What?!"

"You heard me."

"Hindi ka ba nag iisip? Pineperahan ka lang ng babaeng 'yun!"

"Hindi niya 'yun ginagawa! 'Wag mo siyang pag isipan ng masama dahil hindi mo naman siya kilala!"

"Bakit? Ikaw? Gaano mo ba siya ka-kilala?"

"I know her enough!"

"Ex con siya Christian!"

"Paano mo nalaman 'yun? Pina-iimbestigahan mo ba siya?" Nasa tono ko ang inis.

"Alam mo ang tungkol dun?"

"Of course alam ko 'yun! She told me that!"

"Kahit alam mong ex con siya dinate mo pa rin siya? Nababaliw ka na ba talaga?"

"I'm just in love Dad!"

"I don't care! Hiwalayan mo na siya! 'Wag mo ng hintayin na kausapin ko pa ang babaeng 'yun!" He warned, pointing me.

"I'll do everything you want Dad pero hindi ang iwan si Yen. Hinding-hindi ko gagawin 'yun. I'm sorry pero kung wala na kayong ibang sasabihin aalis na 'ko, hinihintay na 'ko ni Yen."

Nag bow lang ako sa kanya tsaka ako nag simulang mag lakad paalis ng opisina ko. Hindi ko na din hinintay na may isagot pa siya sa sinabi ko.

Dumiretso ako sa kotse sa parking. Sumakay agad at pinaandar ang makina tsaka ko sinimulan ang mag maneho paalis ng building.

Medyo hindi pa rin nawala ang inis ko sa usapan namin ni Papa. Siguro nga ex con si Yen pero siya ang mahal ko. Bakit ba hindi na lang niya tanggapin 'yun at itigil na ang kakapilit na i-date ko ang anak ni Mr. Ferez na hindi ko pa naman nakikita.

While i'm on my way to my Apartment. Na isip ko na tawagan ang girlfriend ko para alamin kung tapos na siyang mag pa tattoo.

Ilang sandali lang naman at sinagot niya ang tawag ko.

The Decent SonWhere stories live. Discover now