The Decent Son (33)

7.4K 229 5
                                    

Nasaan ba 'ko? Bakit ang dilim? Kahit ilibot ko ang tingin ko sa paligid wala pa rin akong makita dahil sa sobrang dilim. Sinubukan kong tignan ang kamay ko pero at may hawak akong baril. Saan galing 'tong baril?

"My love," Dinig kong may bumulong sa tenga ko at kilala ko ang boses na 'yon.

Nilingon ko siya at ang nakita ko ay si Derek.

"Gagawin mo ang lahat para sa'kin 'di ba?" Nakangisi siya at 'yong ngisi niya parang isang demonyo.

"A-anong ipapagawa mo sa'kin?"

Hinawakan niya ang kamay kong may baril tsaka niya ako pinatalikod. Sa pagtingin ko sa harap ko isang lalakeng nakaupo sa silya ang nakita ko at nakatali ang mga kamay nito sa likod niya. Nakayuko siya kaya hindi ko siya makilala. Kailan pa kaya siya nandyan? Parang kanina lang wala akong makita tapos bigla siyang sumulpot.

Dahan-dahang inangat nung lalake ang mukha niya at ang nakita ko ay si Christian na duguan ang ilong at labi may mga pasa rin siya sa mukha niya patunay na ginulpi siya.

"Christian," Sinubukan ko siyang tawagin pero walang lumalabas sa bibig kong kahit na anong salita.

"Patayin mo siya para sa'kin my love." Bulong ulit ni Derek.

Patayin si Christian? Bakit ko gagawin 'yon? Ayokong gawin 'yon. Mahal ko siya.

Umiling ako.

"Ayaw mo?"

Umiling ulit ako.

Bigla niyang inagaw ang baril sa'kin. "Kung gano'n ako ang papatay sa kanya."

Itinapat niya 'to kay Christian at tsaka niya ipinutok ang baril direkta kay Christian.

"Christian!!" I shouted.

"Baby!" Minulat ko ang mga mata ko dahil sa narinig kong pagtawag sa'kin ni Christian.

Tumingin ako sa kanya at pagaalala agad ang nabasa ko sa reaksyon ng mukha niya.

"You're having a bad dream baby, are you okay?" Pagaalala niya.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at niyakap agad siya tsaka ko hindi napigilan ang umiyak. Oh thank god, he's safe. Thank god, panaginip lang 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag totoo ngang nangyari 'yon.

"Stop crying baby, i'm here. You're safe. I won't let anyone to harm you, i promise you that." He reassured. He's tapping my back, softly.

"He killed you." I said, sobbing.

"Who?"

"Derek."

"It's just a bad dream baby. Hindi mangyayari 'yon. Magsasama pa tayo hanggang sa pagtanda natin. Makikipaglaro pa tayo sa mga magiging apo natin. I promise hindi ako mamamatay ng dahil kay Derek."

Pinabitaw niya ako sa pagkakayakap ko sa kanya tsaka niya ako hinawakan sa magkabilang pisnge para patinginin sa mga mata niya.

"'Wag mo na isipin 'yong panaginip na 'yon, okay? Hindi mangyayari 'yon."

Tumango na lang ako bilang sagot pero 'yong hikbi ko hindi pa rin nawawala at ayaw pa din kumalma ng adrenaline ko.

"Ikukuha lang kita ng tubig." He told me. Umalis siya ng kama tsaka siya kumuha ng tubig. Ilang sandali lang din naman bumalik siya na may dalang baso.

Inabot niya 'to kaya ininum ko naman agad 'to. After ko 'tong mainum inabot ko 'to ulit sa kanya.

"Feeling better?" He asked.

The Decent SonWhere stories live. Discover now