The Decent Son (10)

8.2K 240 5
                                    

Nasa byahe na kami ngayon ni Christian pauwi ng bahay ko. Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang mapa-hikab, feeling ko kasi inaantok pa din ako.

"Yen," Tawag ni Christian sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko habang humihikab at nakatuon lang ang tingin sa bintana.

"Sino si Derek?"

Bigla kong naibaling ang tingin sa kanya. "Paano mong nalaman ang pangalan na Derek?" Gulat kong tanong.

"Narinig ko lang na nabanggit mo ang pangalan niya noong natutulog ka sa office ko. Plano ko sanang tanungin ka tungkol sa kanya kahapon kaya lang parang ayaw mong pag usapan."

Haay! Pati ba naman sa pag tulog madaldal ako?

"Sino ba siya?" Tanong niya ulit.

"Ex. boyfriend ko siya." Sagot ko tsaka ko muling binaling ang tingin sa bintana para iparating sa kanya na ayokong pag usapan ang tungkol kay Derek.

Part na siya ng past ko kaya ayaw ko siyang maalala pa. Siya ang parte nang nakaraan ko na pinaka gusto kong kalimutan.

"I see."

Tumahimik din naman agad siya na tila na sense na 'yung kilos ko na ayaw kong pagusapan si Derek, hanggang sa nakarating kami sa kanto malapit sa bahay.

"Salamat sa pag hatid."

"Welcome." Binuksan ko na 'yung pinto at sinabit ang bag ko sa balikat ko. Bumaba ako at bago ko sinara 'yung pinto tumingin muna ako sa kanya.

"Bye." Pagpapaalam ko. 'Yung pag ba-bye ko sa kanya.. parang pinahihiwatigan ko na siya na ito na ang huli naming pagkikita.

Pero alam ko naman na magkikita pa kami may common friend kami eh. Kung mangyayari nga 'yun sisiguraduhin kong matatagalan 'yun.

"Bakit feeling ko, hindi ka na magpapakita sa'kin?"

Mas mabuti na 'yun.

"Hindi nu! Magkikita pa tayo." Pagsisinungaling ko.

Kinaway ko na 'yung kamay ko sa kanya bilang pagpapaalam tsaka ko sinara 'yung pinto ng kotse.

Nag simula na 'kong mag lakad papunta ng bahay ko pero narinig ko ang boses ni Christian.

"Yen," Humarap ako sa kanya. Nakita ko siyang bumaba ng kotse niya, nag lakad siya papalapit sa'kin. Huminto lang siya nang makarating siya sa tapat ko.

"Oh bakit?" Pagtataka ko.

Yumuko siya at hinalikan ang pisnge ko ng mabilis tsaka siya tumingin sa mga mata ko.

"I'll see you again, Yen." Tinapik niya 'yung ulo ko na nag paalala sa'kin ng isang taong nag iisang gumawa nun sa'kin, si Froy.

Tumalikod na siya at sumakay muli sa kotse niya. Bago siya tuluyang sumakay kinaway muna niya 'yung kamay niya sa'kin bilang pagpapaalam.

"Kayo na?" Dinig kong boses ni Cho, mula sa likod ko kaya hinarap ko siya.

Sa tono niya parang nag seselos siya.

"Hindi ko siya boyfriend." Sagot ko naman.

"Kung ganun bakit may pahalik pa siya sa'yo sa pisnge?"

Umirap ako. "Cho, kung magtanong ka parang may nagawa akong kasalanan ah. Anong masama kung halikan niya 'ko sa pisnge? Ganun lang talaga mag paalam 'yung mga... m-mayayaman."

"Sabi mo eh!" Hindi siya naniniwala, obvious naman eh.

Tinapik ko nalang 'yung balikat niya. "Uuwi na 'ko."

The Decent SonWhere stories live. Discover now