The Decent Son (46)

6.4K 166 6
                                    

Halik sa labi ang gumising sa masarap kong tulog. Nang imulat ko ang mga mata ko ang nakita ko ay si Christian.

"Hi. Sorry to wake you up, mag papaalam lang akong maaga akong aalis." He said.

"Anong meron bakit ang aga ng pasok mo?" Tanong ko.

"May maaga kasi akong meeting e."

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. "Isasama mo 'yong mga guards?" I asked.

"Yup! Kaya 'wag ka ng magalala."

"Okay. Ingat ka."

"I will." He kissed me again on my lips tsaka siya tuluyang nag lakad palabas ng kwarto ko.

Humiga na lang ulit ako para matulog. Eto na lagi ang buhay ko simula nang makauwi ako sa Mansion makalipas ang isang linggo. Kain-tulog na lang palagi ako.

Nagising ako ulit sa pagkakatulog at ini-unat ang katawan ko. Bumangon ako ng kama at nag lakad ako palabas ng kwarto ko habang humihikab pa.

Dumiretso ako sa dining room. Pagdating ko, pinaghandaan naman agad ako ng makakain ng maid. Sa araw-araw ganito na lang talaga palagi ang buhay ko, buhay prinsesa sa Mansion ng Ferez. Wala naman dito si Alyssa para kahit papaano may kausap.

Minsan nakaka bored na pero wala naman akong magagawa dahil ayaw ko din namang lumabas dito sa Mansion dahil baka may nakaabang lang na naman sa'kin para dukutin ako.

Sinimulan ko na lang ang kumain, after akong mapaghandaan ng makakain ng maid. Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagkain ko nang marinig ko si Dante.

"Ms. Yen, may bisita po kayo." Nilingon ko siya at laking tuwa at gulat ko nang makita si Lala sa tabi niya.

"Uy Yen, kumusta?" Tanong ni Lala.

Tumakbo agad ako papalapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Laking ngiti kong tanong.

"Binibisita ka. Ayaw mo ba?"

"Gaga! Syempre gusto ko! Sobrang boring kaya dito!" Buti na nga lang bumisita siya makakabawas kahit papaano ng buryong ko.

Tumingin ako sandali kay Dante. "Salamat!" Sabi ko sa kanya. Nag bow lang siya bilang respond.

Hinawakan ko siya sa kamay niya si Lala at hinila palakad papunta sa table.

"Uh... Ate, pwede pakihandaan din siya ng makakain?" Sabi ko do'n sa maid na tingin ko mas matanda sa'kin ng sampong taon.

"Opo, Ma'am."

"Uy 'wag na nakakahiya!" Lala said.

"Ulol! Kailan ka pa nahiya sa pagkain? Kapag nasa bahay kita sa Tondo lagi mo 'kong binuburautan ng pagkain."

"Do'n 'yon sa Tondo, dito kasi... ang sosyal e." Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Grabe ang lake ng bahay mo, wala sa kalingkingan ng bahay ko." Mangha niyang sabi.

"Hindi ko 'to bahay, sa tatay ko 'to." Pagtatama ko. Wala naman akong ginastos kahit isang kusing sa bahay na 'to e.

Umupo na rin siya sa tabi ko, tsaka siya hinandaan ng makakain ni Ateng maid. "Buntis nga ako, natakam ako bigla sa hinanda sa'kin." She comments. Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Sinabayan niya ako sa pagkain ko at habang kumakain nag chi-chikahan na din kaming dalawa. Na ngumusta ako sa mga tao sa tondo. Ang sagot lang niya wala paring pinagbago. Ibig sabihin madami pa din chismosa, at mga tambay.

Mas naging kumpulan daw ako ng chismis do'n nang malaman nila ang tungkol sa pagkatao ko. Mabilis daw 'yong kumalat dahil nang banggitin niya 'yon sa tropa namin, paniguradong nabanggit din 'yon ng mga tropa namin sa jowa nilang may pagka-chismosa kaya ayon, kumalat na.

After naming kumain, niyaya ko naman si Lala sa kwarto ko. Para makaligo muna ako at sa kwarto ko na siya mag palipas ng oras habang naliligo ako.

Sinimulan ko agad ang mag shower, para hindi mainip si Lala. Mabilisang shower lang ang ginagawa ko. Nang matapos ako, nag bihis din naman agad ako at nakipag chikahan lang ulit kay Lala.

Nag tanong naman ako ngayon tungkol sa ex. niya kung may nagpaparamdam na naman ba 'yon sa kanya. Ang sagot lang niya, consistent ang gago sa hindi nito pagpaparamdam. Tsk. Mga lalake talaga! Buti na lang ang Christian ko, iba sa kanila.

Tanghali nang maisipan ni Lala na umuwi, gusto ko pa sana siyang mag stay para may ka-chikahan pa kaya lang may gagawin pa daw siya kaya hindi ko na pinilit.

Ngayon mag isa lang na naman ako, i mean may kasama nga sa Mansion pero hindi ko naman makausap kasi ang tingin nilang lahat sa'kin dito at Boss nila kaya ilang silang maki-chika sa'kin.

Nag stay na lang ulit ako sa kwarto ko at umidlip muna.

Pag-ring ng cellphone ko ang bumasag sa pagtulog ko. Kinapa ko lang 'yon sa tabi ng unan ko, minulat ko ang isa kong mata para tignan kung sino ang tumatawag at nakita kong si Christian ito.

"Hello, baby?" I answered it.

"Baby?" Biglang nagising buong diwa ko nang hindi si Christian ang narinig kong nag salita. At kilala ko ang boses na 'yon, boses 'yon ni Derek. "Ah, baby pala ang tawag mo sa kanya." Dagdag niya.

Bigla akong napaupo sa pagkakaupo ko habang ang lakas ng kabog ko sa dibdib ko. Tinignan ko ulit ang screen ng cellphone ko para malaman kung namamalikmata lang ba ako na number nga ba ni Christian ang gamit niya pero hindi ako namamalikmata number nga ni Christian ang gamit niya.

Itinapat ko ulit sa tenga ko ang cellphone. "Walang hiya ka Derek, anong ginawa mo kay Christian?"

"Ah, si baby mo ba? Eto, na sa akin siya ngayon. Knockout pa kasi siya e kaya hindi pa kita mapapakausap sa kanya."

"Walang hiya ka! I swear Derek 'pag sinaktan mo si Christian, papatayin kita!"

"Ohhh!! Pinagbabantaan mo ba 'ko my love?" Natatawa pa niyang sabi. "Nakalimutan mo na ba agad? Hawak ko lalake mo! Pwedeng-pwede ko siyang patayin katulad ni Froy kapag nagsalita ka pa ng kahit na anong hindi ko magugustuhan!"

Bwiset!

"Please Derek, 'wag mo siyang sasaktan!"

"Hindi ko ma-ipapangako 'yan, my love."

"Ano'ng gusto mong gawin ko?"

"Puntahan mo 'ko sa i-te-text ko sa'yong address, ikaw lang at walang kasama."

"Imposible 'yan, may mga guards ako. May mga guards sa paligid ng Mansion kaya hindi ako makakaalis dito ng mag isa."

"Alam ko ang tungkol dyan, may tauhan akong nag mamasid dyan. Masyadong mahigpit ang security nyo pero alam kong easy lang sa'yo 'yan. Nagagawa mo nga noong tumakas para lang makipagkita sa'kin 'di ba? Paniguradong magagawa mo ding matakasan 'yang mga guards mo."

"Imposible! Wala namang guards noon dito!"

"Hep! Ayoko ng kahit na anong palusot pa my love. Pumunta ka dito sa loob ng dalawang oras kung hindi, bangkay mo nang makikita ang lalake mo!"

"Derek-"

"Time starts now!" He ended the call.

Oh fuck! Anong gagawin ko?

To be continued...

The Decent SonWhere stories live. Discover now