#23: Let Him Go | Part II

12.9K 146 13
                                    

may part iii pa to hahaha sorry po

Staring at the ceiling in the dark. Same old empty feeling in your heart 'cause love comes slow and it goes so fast.

As Anne and Karylle were making their way papunta sa table, kinukulit pa din ni Anne si Karylle kung bakit ganoon ang reaction niya towards K. Todo deny naman si Karylle kasi wala naman talagang ginagawang masama si Kaye sakanya. Oh, except for the fact na nililigawan siya ni Vice. Kaya ba siya inis na inis sa suot ni Kaye ngayon? Pati na din sa kilos niya bawat galaw niya sa kotse, bawat salitang lumalabas sa bibig niya, the way she looked at Vice.... pero bakit nga ba?

"Kaya nga kahit na pinapagpahinga nila ko, pinilit kong sumama, breakthrough ito para kay Sis." natatawang sabi ni Anne. Natawa nalang din si Karylle kasi ayaw naman niyang mapansin ni Anne na nagseselos siya kay Kaye at Vice. "Ayy hindi na pala, sis! bro? akalain mong magkakagirlfriend yan eh dati di ba diring diri pag niloloko natin, ay sakin lang pala, sayo game pa siya eh..."

"Hindi pa sila." sabi ni K bitterly. Napasmirk nalang ulit si Anne, she knew something's up with Karylle para kasing kanina pa malalim ang iniisip niya. "Oo nga.. pero di ba doon na din papunta yon. Look at them." Anne said pointing kay Vice and Kaye na kita na nila ngayon from where they're walking..."Halata namang bet din siya ni Kaye. Love love love lang." Then Anne rushed papunta sa table at sinakal hug si Vice from behind.

They were seated sa isang round table sa may VIP area ng restaurant kaya secluded ang place na yon. Kaya ang arrangment nila ay Anne-Vice-Kaye-Billy-Coleen-Vhong-Karylle. From Karylle's seat kitang kita niya si Vice na kinukulit si Kaye habang pumipili from the menu. Pinilit niyang ilayo nalang ang tingin at magfocus sa ibang bagay pero she was distracted sa boses ni Kaye. "Gusto ko ng Dumplings saka Yang Chow." sabi ni Kaye. "pero baka di ko maubos." Kaye was looking at Vice na parang nagpapacute o normal ba ito sakanya?

"Sige share nalang tayo." sabi ni Vice smiling at Kaye. Ngumiti lang din si Kaye and went back sa pagbrowse ng menu ng restaurant. Si Karylle naman flip lang ng flip ng menu pero sa totoo lang nakatingin lang siya sa dalawa. Napansin naman siya ni Vice kaya napatakip siya ng menu sa mukha. Napangiti si Vice sa sarili and ignored what he saw.

"Ako wanton soup nalang." sabi ni Vhong as he turned to Karylle. "Ikaw, Karylle, ikaw nalang walang order..." Nataranta naman si Karylle dahil she wasn't really interested on what food to get. "Wanton soup nalang din."

Pagkatapos nila umorder napunta ang usapan kay Karylle. "So naglagay kayo ng love padlock ni Yael sa Paris? Ang cute naman noon." sabi ni Anne na kinikilig pa. "Ede ayain mo din si Erwan doon." sabi ni Vice na natatawa sa sobrang arte ni Anne. "I will pero busy pa di ba? Ikaw, kayo ni Kaye. Yieeeeee."

"Teka nga kayo na ba?" tanong ni Billy di pa man natatapos na manukso si Anne. "Ha? Hindi pa hindi pa." sabi ni Vice na nangingiti. Napalean back naman si Karylle sa upuan. Magcr nalang kaya siya? Pero kakaCR lang niya... bahala na nga. Hindi rin naman dapat siya umiwas. Yun yung tama, deadma.

"Ate Kaye, kelan mo ba sasagutin?" sabi ni Coleen kay Kaye kaya namula si Kaye. Napairap naman si Karylle pero nakita siya ni Vhong kasi lahat sila sa table ay nagtutuksuhan preo si Karylle tahimik lang doon, may pairap irap pa.

Well you see him when you fall asleep but never to touch and never to keep. 'Cause you loved him too much and you dived too deep.

Naputol lang ang kantyawan at catching up nila ng dumating na ang pagkain. Hindi naman halos nagalaw ni Kaye ang pagkain kaya si Vice na ang umubos.

"Teka, shrimp ba yung laman ng dumplings?" biglang tanong ni Karylle out of nowhere. Napatango naman si Kaye na nagulat sa tanong ni Karylle. "Vice, allergic ka diyan di ba?" tanong naman ni Karylle kay Vice. Napatango naman si Vice. "Bakit di mo sinabi?" tanong naman ni Kaye kay Vice. Nagshrug lang naman si Vice. "Masarap naman saka konting rashes lang 'yon. It's not that bad."

ViceRylle One ShotsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz