#27: What You Wanted | Part I

11.8K 203 18
                                    

AU ulit. :))

I'll find the places where you hide.

"Kung may jojowain ka nga lang." tanong ni Vhong sakin pero hindi pa rin ako nakasagot. "Biruan lang naman, eto kahit kailan sineseryoso yung mga ganoon." sabi naman ni Vice na natatawa dahil halatang pinagiisipan ko talaga ang sagot ko. "Syempre, kung jojowa ako, hindi isa sa inyo no, kaibigan-" sagot ko pero biglang sumingit si Billy, "Samin nga lang tatlo di ba!" 

Natawa naman silang tatlo kaya nagpout ako at hinablot nalang ang Mang Juan na hawak ni Vice. "Uy, ayaw mamili.... nadedevelop na samin." tukso ulit ni Vhong. "Katuwaan lang naman, Karylle." sabi ni Billy at hinagis sakin ang yakap niyang unan. I cleared my throat and answered, "Hmmm..Si Billy..." sabi ko kaya natahimik sila bigla. "Ako?" sagot naman ni Billy at siniko pa si Vhong. 

"Patapusin niyo muna kasi ako....si Billy kaso sobrang clingy mo so feel ko masasakal lang ako sayo. Si Vhong naman masyadong Mr. Suave sa campus so baka hindi rin.  Si Vice naman..." sabi ko at tiningnan si Vice na nakaabang sa sasabihin ko, "Pag inisa isa ko dahilan kung bakit di kita jojowain uumagahin kayo dito." sabi ko saka tumawa. Natawa din si Billy at Vhong. Inagaw naman ni Vice pabalik ang kinakain kong chichirya pero iniwas ko to saka itinaktak sa bibig ko ang kaunti pang natirang chips. 

"Choosy akala mo naman kagandahan." sabi ni Vice na nainis sa sinabi ko.  Bumelat lang ako sakanya. "Oh ako naman magtatanong!" sigaw ko. "Kung may kanta kayong tatlo para sakin... ano yon?" sabi ko at umayos ng upo sa carpet ng sala namin. "Ako muna!" sabi ni Vhong. "Mirrors." he answered. "Yung kay Justin Timberlake?" tanong ni Billy. Vhong nodded and kumindat sakin. "Si Karylle kasi 'yung female version ko eh... bukod sa pareho kaming crush ng bayan." sabi ni Vhong kaya naman binatukan siya ni Vice. "Siya talaga yung nagreremind sakin ng sarili ko, pag nagbading ako alam niyo na." Vhong said and smirked.

"Awwwwwe, nakakatouch, Vhongskie." sabi ko then nirest ang ulo ko sa balikat niya for a second. "Kayong dalawa?" I turned to Vice and Billy. Napaisip naman si Billy habang si Vice, obviously, hindi pa din sineseryoso ang open forum kuno. "Paabot nung gitara."  utos ni Billy kay Vice. Inabot naman ni Vice kay Billy. 

"You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. I saw your face in a crowded place and I don't know what to do 'cause I'll never be with you." Billy sang. Alam kong namumula ko ngayon... eh ang ganda naman talaga ng boses ni Billy. "Luh luh, kinikilig!" turo sakin ni Vice. Agad ko namang pinigilan ang ngiti ko at tinaasan ng kilay si Vice. "Beat that, brad." sabi ni Billy at inabot ang gitara kay Vice. 

"Hindi ko na kailangan niyang gitara." sabi ni Vice and nilapag ang gitara ko sa tabi niya. "Ang kanta ko para kay Karylle ay...." sabi niya with pasuspense effect pa na nakapagpainis lalo sakin. Ang annoying niya talaga! "Demons." sabi ni Vice saka tumawa. Nagmake face naman ako kasi halatang nangiinis lang siya. "Siya yung demon..." follow up pa niya at napahiga na sa carpet kakatawa.  

"Sweet kaya yung kantang yon." sabi ni Vhong kaya bumangon si Vice at napailing. "Oo nga!" sabi ko para makaganti sa pangiinis niya. "Ibig sabihin kaya nung kantang 'yon ikaw yung demon kaya wag akong lumapit sayo." sabi ko. Sumangayon naman sakin si Billy at Vhong. "Ang seryoso niyo kaya nga demon kasi ikaw yung demon..." Vice explained pero hindi kami nakikinig. "Wala, hindi, ang usapan tropa tropa tayo dito. Nadedevelop ka na sakin!" sabi ko kaya napagrunt si Vice sa inis dahil di namin siya pinapakinggan. 

"Napipikon oh! Ibig sabihin totoo." gatong pa ni Billy. "Ah ganon ha!" Vice said at biglang dinaganan si Billy sa tabi niya. Natawa lang kami dahil para silang nagwre-wrestling doon sa carpet. Vhong joined in at dumagan pa kay Vice kaya naman mas lalong nabigatan si Billy. "Tama na, mamatay ako!" sigaw ni Billy. 

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now