EXTRA: Reasons Why I Love You | 4

9.2K 230 15
                                    

Reason # 12: Because you're unexpected and yet you're exactly what I've always wanted.

Binabasa ni Vhong ang kanyang speils sa opening nang biglang naghiyawan ang madlang people. Naramdaman naman ni Karylle na may humatak sa bewang niya at kumiss sa pisngi niya.

 "What's up madlang pipol!!!" sigaw nito at natawa dahil late na naman siya. "Let's welcome, Vice Ganda!" sigaw naman ni Billy.

Napatingin naman si Karylle mula ulo hanggang paa ng boyfriend niya... bukod kasi sa nagbabalik nitong pink na extensions at makapal na make up ay naka vneck, pants at heels. "Nakakatawa si Karylle." pansin sakanya ni Anne dahil nga parang natulala na siya doon.

It's been two months since inamin nila sa iba ang kanilang relationship at ngayon lang ulit nagdamit ng ganito si Vice. Though, wala naman silang napaguusapan na ayaw ni Karylle ng ganitong look ni Vice. In fact, she fell in love with this side of him.

"May problema ba, Karylle?" tanong ni Vhong kay Karylle na natatawang nagtago sa likod ni Kuya Kim. "Tell us about your look, Vice." singit naman ni Anne.

"Namiss ko lang." sabi ni Vice at pabaklang tumawa. "Ano namang masasabi mo sa look ni Vice?" sabi ni Vhong at tumabi kay Karylle. "Namiss ko din yan... nagulat lang ako.. kaya ka pala late ha! Mas maganda ka na naman sakin" Karylle said kaya natawa nalang sila.

Umakbay naman si Vice kay Karylle habang pinagpapatuloy nina Anne ang pagbasa sa opening speils. "Do you want me to change..." tanong ni Vice pero napatingin sakanya si K. "You don't need to change... I love you for who you are. Di ba nga, 'I can accept who you are even if you're gay or straight..."

Tinulak naman siya ni Vice ng pabiro..."Dami mong sinabi... pinakilig mo pa ko! Tatanong ko lang naman kung gusto mo magpalit ako ng shoes."

~

Reason # 13:  You always, always call me back when I hang up.

“Makinig ka muna kasi…” paliwanag ni Vice kay Karylle sa phone. “Nasaan ka nga ngayon? Tinatanong kita di ba?” inis na tanong ni K sa kanina pa nagpapaligoy ligoy sa pagsagot na si Vice. Napailing naman si Vice sabay kamot sa batok, “Valkyrie pero palabas na ko…” 

Kasunod na narinig naman ni Vice ang pagkaputol ng linya. Dali dali naman niyang dinial ang number ni Karylle while he’s making his way out ng bar. Sumenyas nalang siya sa mga kaibigan niya na kailangan na niyang umuwi. Akma naman siyang pipigilan ni Buern pero nang sumenyas ito sa phone ng nakangiwi ay nagets na niya ang ibig nitong sabihin.

Hindi naman sinasagot ni Karylle ang tawag pero hindi siya sumuko dahil kilala niya ito. Gusto lang nitong sinusuyo and besides, hindi pa naman naririnig nito ang side niya. When he reached his car, sinubukan niya ulit na tawagan si Karylle. After 10 tries, sumagot na si Karylle.

“Hello?” Vice said. Hindi naman nagsasalita si K sa kabilang linya. Vice decided naman na magexplain kahit na hindi pa rin umiimik si K. “Papunta na ko dyan. Nahatak lang naman talaga ko, eh. Nung nagcancel nang taping si Direk.. biglang sumulpot sa GGV studio ‘yung mga beks… hindi ko naman mahindian… tinext pa nga kita eh."

Hindi pa rin umiimik si K…”Huy. Sorry na eto na papunta na ko dyan.”

“De wag na.” sabi ni K at napasigh. “Sorry… nagalit agad ako. Sige dyan ka na muna sa mga kaibigan mo.”

“Hindi okay lang naiintindihan naman nila. Ilang araw na tayong di nakakapagspend ng time together..” sabi ni Vice. Nagbago naman ang tono ni Karylle at parang naglighten up na ang mood nito, “No, Vice. I mean it. Nagover react lang ako kanina cause I miss you. I understand that your friends miss you, too.”

“Sure ka, Kurba?” Vice reassured.

“Basta behave and text me kapag pauwi ka na and kapag nakauwi ka na…” bilin ni Karylle sa boyfriend. “Gusto mo dyan ako umuwi?” tanong ni Vice na parang may something in mind. Natawa naman si Karylle,  “I’m ending this call…” warning niya.

“Babaan mo na naman ako…” nagtatampong sabi ni Vice.

“Sige na… bumalik ka na sa mga kaibigan mo. Behave, Viceral.” paalala ulit ni K. “And thank you for calling me back….. sorry ulit na ang OA ko.”

“Psh. Basta ikaw nanginginig pa.” sabi ni Vice na natatawa sa sarili.

“Corny mo… I love you. Ingat ha... “ she said at pinatay na ang tawag.

Nagtext naman si Vice sakanya before stepping inside the club, Alam mo ba kung gaano ko kaswerte na ikaw girlfriend ko? Goodnight, my love.

~

Reason # 14: The world said we would never make it…. but we did it.

Napatigil sa paglalakad si Vice at Karylle nang may tumawag sa kanila habang naglalakad sa mall. “Ikaw na…” tulak ng dalaga sa isa pa nitong kasama na halatang hinihingal, “Uhm… pwede po bang magpa- magpapicture?”

Nagkatinginan naman si Vice at si Karylle. Tumango si Karylle kay Vice na parang sinasabi na pagbigyan nila ang nagapproach na halata namang fans nila. “Sige sure… oh Karylle picturan mo daw kami.” natatawang sabi ni Vice.

“Selfie na lang po.” sabi naman ng isa at tinurn ang camera ng cellphone niya sa front camera. Umakbay naman si Vice kay Karylle at sabay silang ngumiti sa camera ng fan na nagpapicture. “Gwapo ba ko dyan?” tanong pa ni Vice.

“Ay ang ganda natin dyan…” sabi naman ni Karylle ng ipakita sakanila ang picture. “Maganda talaga, K ha?” tanong naman ni Vice na hinigpitan ang akbay kay Karylle.

Kinilig naman ang dalawa sa Vicerylle sweetness na nasa harap nila. “Mauna na kami ha…” paalam ni Vice sa dalawa. Nagthank you naman ulit ang mga fans na abot tenga pa din ang ngiti. Kinuha naman ni Vice ang kamay ng girlfriend at ni-sway sway pa.

Napansin naman ni Vice na parang may nabago sa ngiti ni Karylle… parang mas lumaki ang ngiti nito after ng encounter nila sa fans.

“Bakit ka nakangiti?” he whispered sa tenga ni K para makuha ang attention nito. “Wala lang.” sabi ni Karylle. “Pwede ba yon? Aminin mo na kinikilig ka na naman sakin.” sabi ni Vice. Sinampal naman ni Karylle playfully si Vice using her free hand. “Naalala mo the day after nung umamin tayo na we’re together?” tanong ni K.

Napaisip naman si Vice, “Ano meron don?”

“When we went out for dinner. We were both scared.” she recalled. “We got weird looks from everyone... ‘Yung para bang may pinatay tayo and everyone thinks na guilty tayo.” Natawa naman ng konti si Vice as he recalled kung paano nga naging isang malaking issue at first ang relationship nila.

“Kaya ka natatawa ngayon?” he asked. K nodded, “Look at us now….” Nilibot naman ni Vice ang tingin sa mga taong nakangiti sakanila. “Yung tingin nilang lahat satin parang lahat sila nagtataning sa relationship natin… parang they’re all telling us we’ll never make it… na “magbreak din ‘yan”... pero wala lang. It just hit me. We made it.”

Vice smiled and pulled her closer into a half hug.

ViceRylle One ShotsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora