#30: Life Support - #4

3.3K 127 45
                                    

Help. Tagaytay. Dito ko sa area kung saan siya naaksidente

"Tinext ko na si Yael... " sabi ni Vhong pagpasok ng kotse. "Nasa may QC pa daw siya traffic pa sigurado ngayon, mauuna tayo sa location na tinext ni Karylle for sure."

Nasa Alabang sina Anne ng matanggap ang text ni Karylle habang sila Yael ay nasa QC area. Patuloy pa din ang paghahanap nila sa kaibigan at para mas mapadali ang paghahanap naghiwahwalay sila ni Yael at iba pang mga kaibigan at kamag anak ni Karylle.

Since sila ang nasa South at pinakamalapit sa Tagaytay, nagmessage na sila sa ibang naghahanap na sila na ang pupunta kay Karylle.

"Hindi ko siya matawagan." sabi pa ni Anne na kanina pa sinusubukang tawagan ulit si Karylle. "Kung gumagana phone niya bakit hindi na siya sumasagot?" frustrated pa na tanong nito.

"Alam niyo ba kung saan 'yon?" tanong ni Billy.

Umiling naman si Vhong, "Wala ako noon."

There was an awkward silence in the car for a few minutes.

"Sana napansin ko nung umalis siya." dugtong naman ni Billy out of nowhere. Alam nilang he is referring to Vice's accident. Medyo napalook away naman si Vhong na hindi pa rin comfortable pagusapan ang nangyari sa kaibigan.

"Hanapin nalang natin si Karylle, please?" sabi naman ni Anne na hindi na rin alam ang sasabihin. "Alam ko kung saan 'yung lugar..."

***

5 months ago....

Ilang araw na simula noong bumalik si  K sa Showtime. Hindi naman niya mapaliwanag kung bakit sa magoopen siya ng topic about  Vice sa show ay walang kumikibo. Minsan nga ay nagalit pa si Anne at sinabihan siya to let go. She know something is wrong. Something is missing. Iniisip na lang niya baka namimiss niya ang kaibigan.

Naunang umuwi ang ibang hosts one time... may inutos kasi siya sa driver niya kaya natraffic ito pabalik ng ABS. Wala siyang magawa sa dressing room. Hindi na rin kasi siya active sa social media simula noong kasal niya. Hindi rin niya alam kung bakit pero ang daming biglaang changes. Parang kahapon lang 'yung kasal niya... parang may gap.

Nagdecide siya na lumabas nalang sa driveway ng ABS. Itetext na sana niya ang driver niya na kanina pa niya inaantay pero may nakita siyang pamilyar na sasakyan na nakapark across the entrance ng ABS. May lalaking nakaitim at nakshades na nakangiti sakanya. Hindi niya kita ang mata nito pero alam niya na nakatingin ito sakanya.

Tumingin siya sa paligid. No one is there.

Pagbalik niya ng tingin sa kotse, kumakaway na ang lalaki sakanya.

"Vice..." she whispered. And in that moment, she knew she's in trouble.

***
Present time....

"Karylle, I can explain." Vice pleaded ng marealize na iba na ang tingin sakanya ni Karylle at lumapit pa lalo sa sasakyan. Lalo naman nakita ni Karylle ang blood sa right side ng mukha ni Vice pati na din ang dugo sa shirt nito. Umiling lang ulit si Karylle na patuloy pa rin ang pagiyak.

"Sige umalis ka." sigaw ni Vice at hinampas pa ang harapan ng sasakyan kaya lalong natakot si Karylle. Sa sobrang tahimik naman ng lugar ay rinig ni Karylle ang bawat salita ni Vice.

"Hindi ka na pwedeng umalis sabi mo, sasama ka na sakin!"

Umiling si Karylle while looking at Vice. Sinubukan naman ni K na istart ang sasakyan. At first, nagstart ang engine pero namatay lang ito ulit. "K, usap muna tayo.... Let me explain. Alam mong hindi kita sasaktan...."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon