#25: Not A Bad Thing | Part 1

13.6K 189 35
                                    

Said all I want from you is to see you tomorrow and every tomorrow, maybe you'll let me borrow your heart.

"This is Jose Marie Viceral." Billy introduced nakinig lang naman ang nakaduty sa station na 'yon na sina Vhong and Coleen. "Vice nalang." he said as he offered his hand kay Vhong then kay Coleen. "This is Vhong and this is Coleen. Vhong, ikaw na bahala magshow around kay Vice sa ospital ha." sabi pa ni Billy.

Tumango naman si Vhong, halata ni Vice ang pagkafriendly ng mga tao sa ospital kaya medyo narelieve siya. "Matagal na kayo dito?" tanong ni Vice, mostly para magsimula nang conversation after Billy left. "Ako 1 year, si Kuya Vhong matagal na dito, 3 years na ba?" Coleen said.

"Mag4 na, actually." sabi ni Vhong and fininalize na ang dapat gawin para simulan ang hospital tour nila ni Vice. "Coleen, ikaw na muna bahala dito. Tara, brad... iikot kita dito sa ospital."

Nagsimula na maglakad si Vhong at si Vice. Vhong showed him kung saan ang storage, pharmacy, emergency room at iba pang dapat na malaman ni Vice. Basic stuff, kumbaga. "Fresh grad ka?" tanong ni Vhong. Tumango si Vice. "Kakapasa ko lang ng ng board, 2 months ago."

"Ilang taon ka na ba?" Vhong asked. Mukha kasing medyo matured si Vice para sa fresh grad pero mukha ring kabado pa sa atmosphere ng ospital. "26 na. Second course ko kasi nursing, pinagpolisci ako eh ayoko naman talaga kaya pagkagraduate ko nagnursing naman ako."

"Magkasing tanda lang pala tayo, brad." Vhong said. After paglibot ay nagthank you si Vice kay Vhong for being nice and for showing him around. Nagpromise naman si Vhong na siya ang bahala kay Vice para madali itong makapagadjust sa workplace nila.

"Okay ba talaga dito?" tanong ni Vice. "Okay naman..." matipid na sagot ni Coleen. "Para kasi sa feesh grads, okay na 'tong ospital na 'to kasi mataas yung starting pay compared sa ibang ospital saka working experience na din no." dagdag ni Vhong.

"Yun din habol ko eh, working experience bago magabroad." sabi ni Vice. May sasabihin sana si Vhong ng mapansin niya na dadaan si Anne, isang doctor sa ospital na siya ring anak ng may ari. Napansin naman ni Vice na nagpanic ng kaunti ang kaibigan kaya naman nagobserve muna siya.
Nang dumaan si Anne sa mismong harap ni Vice, napahinto naman ito na parang napansin na bago lang si Vice dito. "Hello po." bati ni Vice at agad na intimidate sa presence ni Anne. Nagraise lang nang isang kilay si Anne and then naglakad na papunta sa clinic niya.

"Woah." sabi ni Vhong. "Hindi ako makapaniwala na naghello ka kay Dr. Anne." Tinapik pa niya ang balikat ni Vice na parang bilib na bilib sa ginawa niya. "Wrong move?" tanong ni Vice na nangangapa pa lang kung paano ang procedures sa trabaho niya. "Hindi naman Kuya Vice pero masungit kasi 'yung doctor na 'yon. Anak kasi ng mayari and basta mainit dugo noon sa nurses kaya nga sobrang thankful ko hindi ko siya masyado nakakawork."

Nagpatuloy muna sila sa mga kailangang ayusin katulad ng records ng pasyente. Napansin naman ni Vhong na oras na sa pagrounds nila kaya sinama niya si Vice para maging familiar siya. "Oh di ba madali lang naman..." sabi pa ni Vhong paglabas nila ng ward. "Wag lang talaga may mamatay. Hindi ko kaya eh para kong bumagsak sa finals ganoon yung feeling." Vice said after magagree kay Vhong. "Nako, brad. Magsama kayo ni Coleen malakas pa umiyak 'yon sa anak nung pasyente pag namatay."

Magsasalita pa sana si Vice ng may makita siyang isang nurse na bumaba galing 3rd floor. Hindi naman niya ito nakita ng pasyalan ni Vhong kanina ang nurse station sa ibang floors. Tatanungin niya sana kay Vhong kung sino 'yon pero nahiya siya kaya naman pinalampas na lang niya 'yon.

-  -  -

The next day, maagang pumasok si Vice dahil kahit nakamotor siya ay natatakot siyang malate papunta sa trabaho. Since maaga pa naman, nagdecide siya na bisitahin ang chapel ng ospital sa pagkakatanda niya ay nasa 4th floor ang chapel kaya sumakay na siya sa elevator para mabilis. 

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now