#24: Unconditionally | Part 3

12.3K 211 20
                                    

Unconditional, unconditionally, I will love you unconditionally. 

"Coming..." sabi ni Anne ng may magdoorbell sa condo nila. They are getting ready for bed at wala naman silang inaantay na bisita. Pagsilip ni Anne, she saw a guy wearing a hoodie. Hindi naman niya makita ang mukha ng nasa pinto dahil nakayuko ito. Karylle came out from their room and saw Anne peeking through the hole in their door.

"Sino 'yon?" Karylle asked. Anne shrugged still trying to see the visitor's face clearly. "Buksan mo, how would you know kung sino?" Karylle whispered.

"What if magnanakaw yan?" sabi ni Anne. Karylle pushed Anne away and siya naman ang sumilip to see kung sino yon. "Sino ba 'to?" Karylle asked nang hindi niya rin malaman kung sino 'yung nasa pinto. Pumindot naman ulit sa doorbell ang lalaki kaya binuksan na ito ni Karylle without asking Anne's opinion. "Yes?" mataray na tanong ni Karylle.

Binaba naman nung lalaki ang hood and removed his cap. Karylle froze ng makita kung sino ang nasa harap niya. "Hi." bati ni Vice. He saw K's reaction kaya mas lalo siyang kinabahan. Bukod sa bagong gupit na buhok ni Vice na naka brush up style ay wala rin siyang make up and lalaking lalaki siya tingnan with his green hoody and colored pants .Karylle shut the door close after na magsink in sakanya who that guy is. "Why?" Anne asked, still pissed sa pagiging padalos dalos ng bestfriend niya.

"Don't open that door." sabi ni Karylle. "Bakit? Sino ba yan? Should I call the guards? What?" Anne asked ng makita ang worried face ni Karylle.

"That's JM..." mahinang sabi ni Karylle. Sumilip naman ulit si Anne sa pinto and saw the guy na akmang kakatok pero hindi naman niya tinuloy. 

"Karylle, kausapin mo ko please." pakiusap nung lalaking nasa other end ng door. Anne looked so confused. "Wooooow. Siya yan? Kausapin mo na. This is it."  Umiling pa ulit si Karylle, hindi makapaniwala na nasa likod ng pinto ng condo unit nila ngayon ang lalaki na hindi nawala sa isip niya for the past 8 years. "Go talk to him, be honest with what you feel." sermon ni Anne kay Karylle.

Karylle sighed, "He can't knock on my door and tell me na kausapin ko siya after 8 years, Anne." Karylle said at pumasok nalang sa kwarto. Anne sighed and decided na sabihin man lang kay JM na ayaw siyang kausapin ng kaibigan pero pagbukas ni Anne ng pinto, wala na doon ang lalaki. 

---

Vice left at umuwi nalang. Tinawagan naman niya si Buern and si Archie para ayain na uminom. Bumili naman agad ng drinks ang dalawa at pumunta sa place ni Vice para maginuman. Ganito silang tatlo kapag may problema ang isa sa boylets man o sa ibang bagay... mas bet nila na maginuman sa bahay dahil mas makakapagusap sila ng maayos doon.

"Nakilala ka ba niya?" tanong agad ni Buern pagbukas palang ni Vice ng pinto ng bahay niya. Magisa lang siya sa bahay na 'yon simula nang umuwi siya from New York.  Umiling lang si Vice and left the door open kaya naman pumasok na si Archie at Buern. Pumunta sila sa likod bahay nila Vice kung saan may coffee table and doon umupo with their drinks. 

"Kwento." Archie said ng binuksan niya ang beer for Vice at nilapag ito sa harap ng kaibigan. "Nakilala ka ba?" tanong ulit ni Buern sakanya. "Hindi nga, kulit. " sabi lang ni Vice then halos ubusin ang beer na binuksan ni Archie for him. 

"Eh anong nangyari?" tanong ni Archie. Vice sighed. "Pagkakita niya sakin, sinarado niya agad yung pinto." 

"Ede nakilala ka nga niya." sabi ni Buern. "Si JM 'yung nakita niya. Hindi si Vice." sabi ni Vice. Napailing si Vice, then continued. "Sobrang laki ba talaga ng pinagkaiba nitong itsura ko sa nakilala niyang Vice?" 

Nagkatinginan naman si Buern at Archie at sumabay na tumango. "Bukod sa nakakatakot yang panlalaki mong boses.." Buern explained. "Yung bago mong hairstyle, wala kang make up, yung panlalaking damit... parang ibang tao altogether." Vice's bottle was almost empty after almost 3 minutes. "Eh, ano ba kasing plano mo, meme?" tanong ni Archie dahil di na talaga niya gets kung ano ang gusto niyang mangyari ni Vice sa pagbabalik niya sa dating siya.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now