#25: Not A Bad Thing | Part 3

9.2K 189 20
                                    

And I won't stop until you believe it 'cause baby you're worth it. 

From: Vice

Malate, manlilibre. See you later, sungit!

Natawa naman si Karylle. Nagaabang na siya ng jeep ngayon na papunta sa Chowking kung saan nila napagkasunduan ni Vice na magearly dinner before their night shift tonight.  

4:54 sakto ng makarating si Karylle sa lugar. Scinan niya ang area and found Vice nowhere. Napangiti naman siya dahil in 6 minutes ay libre na ang dinner niya pag nagkataon. Naupo siya sa isang table na pang dalawahan and patiently waited. Tutok na tutok siya sa cellphone niya para imonitor ang oras dahil wala pa din si Vice. 

"Ha! Late ka!" sigaw ni Karylle nang sumulpot si Vice sa harap niya nang bandang 5:02. "Oo na talo na ko. Ano na order mo, sagot ko na dinner mo." May pagmamalaki namang tumayo si Karylle at lumapit sa counter dahil nanalo siya sa sariling laro ni Vice. Hindi alam ni Karylle na nagpatalo lang talaga si Vice para malibre siya nito. "Teka lang bago ka umorder oh, napulot ko sa labas." sabi ni Vice at inabot ang 3 long stem na roses.

Natawa naman si Karylle. "Napulot?" tanong niya na natatawa. Tumaas lang ang kilay ni Vice. "O-okay." sabi ni Karylle at bumalik sa pagpili ng oorderin niya. After choosing, Karylle went back sa upuan and hinayaan nalang si Vice na maghintay ng order nilang dalawa. She was playing with the rose sa kamay niya and can't help na magisip if para saan yon. Syempre hindi siya naniniwala na napulot lang ni Vice iyon. 

Kung titingnan parang may something na nga ata sakanilang dalawa pero naisip niya na baka lang ganoon ang feeling niya ay dahil si Vice lang ang kaibigan niya. Alam naman ni Karylle na bukod sakanya, madaming kaibigan si Vice kaya baka normal lang tong ganito kay Vice. Besides, ayaw naman niyang isipin ang mga ganoon bagay. Lolovelife pa ba siya eh, yung pamilya nga niya hindi niya maayos ngayon? 

"Lalim ng iniisip ha." biro ni Vice kay Karylle dala ang kanilang pagkain. "Ako ba yan?" tanong ni Vice. Ngumiti naman si Karylle na parang inis na inis kay Vice. "Akin na yung pagkain ko, gutom na ko." sabi ni Karylle para maiba na ang topic. 

-  -  -

"Mas matakaw ka kaya." kantyaw ni Vice papasok sila ngayon sa ospital after ng early dinner date nila. Natawa naman si Karylle kasi kanina pa niya iniinis si Vice dahil nagorder pa ito ng wanton soup ng maubos ang chao fan niya. "Weh, kaya ka tumataba. Laki ng tyan o." tukso ulit ni Karylle at hinawakan pa ang tyan ni Vice. 

Inakbayan naman siya ni Vice at kinurot kurot ang pisngi niya para tumigil siya sa pangiinis. Pumalag siya at para silang batang nagkukulitan ngayon ni Vice sa may entrance ng ospital. "Vice naman!! Stop!!" sabi ni Karylle na patuloy nilalayo sakanya 

Tuwang tuwa si Vice sa panginis kay Karylle nang maramdaman niyang tumigil ito sa pagpalag at naging seryoso ang mukha.Tiningnan ni Vice kung saan nakatingin si Karylle at nakita si Dr. Ursua na palabas ng ospital na nakatingin sakanila. He slowly removed his hand na nakapatong sa balikat ni Karylle. Dumaan lang ito palampas sakanila, doon din niya nakita si Anne na nasa likod ng Daddy niya. 

Napayuko nalang si Karylle. Kitang kita naman ni Vice ang mata ni Anne na tiningnan si Karylle mula ulo hanggang paa. Napakunot naman ang noo ni Vice and naging alert dahil baka bungguin na naman ni Anne si Karylle. After a few seconds ng matalim na pagtingin ni Anne ay sumunod na ito sa Daddy niya sa kotse. 

"Uhm-una na ko." sabi lang ni Karylle at nagmadaling pumasok sa ospital leaving Vice behind. 

So don't act like it's a bad thing to fall in love with me 'cause you might look around and find your dreams come true with me.

ViceRylle One ShotsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu