#15: Make You Feel My Love

25.1K 235 22
                                    

When the rain is blowing in your face and the whole world is on your case.

“Hello, Vhong? Oo ayan na, 2 minutes! Nandiyan na ko, tell him 2 minutes. Nagmamadali na nga ako eh.” Kausap ko si Vhong sa phone. Finally, nakalagpas din ako sa EDSA, bakit ba ngayon pa traffic? Kung kalian naman nagmamadali ako. 

“Iyak nang iyak, K. Ayaw naman magkwento, ilang oras na lang mag-oonair na kami dito sa studio.” Vhong complained over the phone. “Huy, K, di ka na sumagot, anyare?”

Nagpark na ko, halos magkandalagpas lagpas ako sa linya ng parking lot sa sobrang pagmamadali.  “Eto na ko, Vhong. Patakbo na, Bye.”  I ended the call and tumakbo papunta sa may dressing room kung saan nandoon ang ibang showtime hosts. Binuksan ko ang pinto ng DR nila Vhong pero walang tao doon kaya dumiretso ako sa dressing room ni Vice dahil sure akong nadoon silang lahat.

When I opened the door napatingin sakanya ang lahat nang nandoon. “Vice, ayan na si Bb. Kurba mo.”  Billy said.

Vice wiped his tears and looked at the door.Si Anne lang ang kulang dahil may show ito sa ibang bansa. Umalis naman ang ibang ST hosts at naiwan sa loob si Billy, Vhong, Vice. I entered and sat beside Vhong na nakaupo sa sofa katapat ng vanity mirror ni Vice.

 Nang medyo kumalma na si Vice from all the crying nagtanong na ako. “Oh, what did I miss, anong drama nanaman to, Vice? Akala ko okay na kayo?”

“Eh kasi okay na talaga kami kaso kanina ang labo, bigla nalang siya tumawag tapos di na daw talaga pwede…” Vice said sobbing. “Break….. break na daw.”

Hindi na niya naituloy ang kwento at ibinaon ulit ang mukha niya sa tissue na hawak niya. Nagkatinginan naman kami nila Billy at Vhong. Lumapit si Billy kay Vice to give him a hug, “You’ll be fine Bestie. Kaya mo yan, kaw pa ba?”“Nakakasawa na kasi, lagi nalang ganito ending.” Vice said.

“Meron namang pwedeng magmahal sayo ng totoo, kailangan mo lang buksan mata mo.” Vhong said and looked at me. Siniko ko naman si Vhong trying to make him stop.

Sumagot naman si Vice, “Sino naman yan, Vhong? Yan din sabi niyo sakin nung huli akong naheartbroken, eh.”

“Si Karylle.” Biglang sabi ni Billy. Pinandilatan ko naman si Billy. Nagsisimula na kong mastress sa dalawang ‘to ah. Luckily, Vice was busy retouching his makeup kaya hindi niya nakita ang hand signals naming tatlo.

“Si Karylle?” Vice reacted.

“O- oo, ako. “ I answered kahit nauutal. “Ako. Saka si Vhong, si Billy, sila Anne, lahat kami dito. Mahal ka namin. Jowa’s will come and go pero tayong lahat dito, walang iwanan.”

Nakita kong umiling iling si Billy at si Vhong.Napapout naman si Vice na parang natouch sa sinabi ko. He’s the cutest kahit mugtong mugto na mata niya. “Ikaw na talaga ang sweetest friend.” Vice stood up and hugged me. Noong una, para kong napako sa kinatatayuan ko. Nagapir naman si Billy and Vhong habang tinutukso ako. Buti nalang di sila nakikita ni Vice. Sobrang kulit talaga nitong dalawang ‘to, ‘di ko alam paano nila ko napaamin na may gusto ako kay Vice. I hugged him back kahit na sinasaway ko si Vhong at Billy na tinutukso ako kay Vice. Kinilig ako dahil sa sinabi ni Vice. Until I realized na umiiyak nanaman si Vice sa shoulder ko.

“Hindi ka pwedeng magshow ng ganyan, Vice.” I said while Vice pulled away from the hug.

“Kailangan, absent si Anne, ano? Billy Vhong lang? Nakakahiya kay Direk…” Vice said.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now