#27: What You Wanted | Part II

7.1K 179 18
                                    

I'll put your poison in my veins. They say the best love is insane.

"Ano kaya iuuwi satin ng Mama mo today, Karylle?" tanong ni Billy na parang nagiimagine na siguro ng buffet sa bahay namin ngayon. "Ay, shoot! I forgot to tell you, magtrinoma kami ni Anne." sabi ko kaya biglang nalungkot si Vhong at Billy except kay Vice na hindi pa rin ako pinapansin ngayon. Bahala siya.

"Pero Friday ngayon...." sabi ni Billy na halata mong nagtatampo. "Ngayon lang naman eh..." paliwanag ko pero biglang sumingit si Vhong. "Sama nalang kami!" sabi naman ni Vhong. Napatingin ako kay Vice na wala pa ding say sa usapan namin. "Girl bonding 'yon eh, titingin kami ng dress for the prom. Tsaka para na din sa graduation ball." I said kaya naman nagpout si Vhong.

"Uy pinaghahandaan 'yung prom, may date ka na ba?" tanong ni Vhong. Abot abot naman ang iling ko. "Wala, usapan namin ni Anne kami nalang prom buddies!!" sabi ko na natatawa. "Humindi ka na talaga kay Dingdong?" tanong naman ni Billy. I sighed pero di ako sumagot. Hindi naman kasi tumigil si Dingdong sa pagaya sakin. Kanina ngang lunch may paandar na naman siya sa canteen... at may bitbit na placard na : Will you go to prom with me? Kaya kahit humindi siguro ko araw araw, basta hindi ko alam. 

Nakapagdiet tuloy kami ng hindi oras para lang mailayo nila ko kay Dingdong sa canteen at si Vice namute na naman. Simula noong unang beses ako kinausap ni Dingdong noon sa canteen, hanggang ngayon, di ako pinapansin nito, eh. Hindi ko na nga pinansin si Dingdong tapos galit pa din siya. Ewan ko sakanya. Iniisip ko pa din ang efforts ni Dingdong, yung flowers, yung letters sa locker ko... nang bigla akong akbayan ni Billy, "Bakit di mo bigyan ng chance? Malay mo..." sabi niya. Nagshrug naman ako and smiled. "Brad!" saway ni Vhong kay Billy, "Basta Karylle, kapag niloko ka ng kahit sino... alam mo na, hindi lang suntok ni Vice matitikman niya this time." Vhong said at ginulo ang buhok ko. 

*  *  *  *

"May napili ka na?" tanong ko kay Anne pagkasalampak namin sa couch sa Starbucks after ikutin ang buong mall kakahanap ng perfect prom dress. Napasimangot naman si Anne, "Wala pa nga eh, I badly want a pink dress... magpatahi nalang kaya ako? Ipagaya ko 'yung style nung blue na bet ko?" she complained. Napatango nalang ako, mahirap naman kasi talagang maghanap ng dress. "What are you thinking?" Anne asked. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya, "Ha?" I reacted.

"Ang tahimik mo kasi! Saka sabi mo kailangan mo ng girl talk...." she said. Ay oo nga pala, if there's one thing na mahirap sa pagiging one of the boys, iyon yung wala kang mapagsabihan about boy problems. Pangalawa nalang yung fact na palagi ikaw yung iniinis nila dahil only girl ka.

"Si Dingdong ba?" tanong niya. "Ano ba sa tingin mo?" sagot ko kaya tinawanan niya ko. "Prom date lang naman eh, that's different from getting back together. Teka nga, kung nakamove on ka na, bakit ayaw mo?" Anne asked.

Ang daming reason na nagpop out sa utak ko, hindi naman kasi talaga kami okay kaya bakit ako papayag na makadate siya sa huling prom ko sa highschool. Pero sabi nga ni Billy, I don't think may masama, baka okay din na grumaduate ako ng walang kaaway or kaiwasan.... pero isang reason lang ang nasabi ko kay Anne, "Ayokong magalit si... Vice." I whispered pero narinig pa din ni Anne.

She smirked na lalong nakapagpainis sakin kaya hinampas ko siya sa braso. Naginarte naman ang bruha na masakit daw. "Why are you so defensive with everything!!" she asked, laughing. Nagmake face naman ako and inirapan siya. "Nakahampas ka lagi, ngumiti lang naman ako." dagdag pa niya na may mapanginis pa ding ngiti.

"Wag mo nga akong ngitian ng ganyan!" saway ko sakanya. "Fine, Karylle." sabi niya pero hindi naman niya inalis yung ngiti niya. "Anne." I said shifting into a serious tone. "Pwedeng favor?" I asked and smiled shyly. She raised her eyebrows as if asking me to blurt it out. "Pwede ba sayo muna ko sasabay palagi?" I asked. She gave me a weird look and said kahit na alam kong nagtataka siya, "Oo naman... may problema ka pa ba bukod sa ex mong nagbabalik?" tanong niya sakin with a hint of concern this time. I shook my head.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now