#23: Let Him Go | Part III

13.6K 191 41
                                    

And you let him go.... Will you let him go?

"Saan kayo this holy week?" tanong ni Vhong ng tumabi siya kay Karylle. They were on break sa pagtatape ng speils ng Holy Week Special. Silang dalawa lang ngayon sa backstage dahil yung iba daw muna ang itatape. "Di ko pa alam kay Yael pero probably sa Subic nalang kasi may show ako doon sa Good Friday." Karylle said at huminga ng malalim. 

"Alam mo may problema ka talaga... Okay lang ba kayo ni Yael?" tanong ni Vhong, now facing Karylle. Nagsmile lang si K at pinalo lightly sa braso si Vhong. "Oo naman 'no." 

"Eh ano 'yung problema mo? Simula nung umuwi ka ganyan ka na eh." Nagshrug lang si K as a response pero she felt the need na may mapagsabihan siya what's bothering her. She decided na magkwento since alam naman niya na safe naman ang sikreto niya kay Vhong. "Actually, hindi tungkol samin ni Yael..." sabi ni Karylle. "it's about Vice." 

"Karylle, Vice will be fine. Hindi naman siguro sobrang samang babae ni Kaye. Kelan pa tayo naging overprotective sa barkada?" sabi nI Vhong. Umiling lang si K and said, "No, it's not about that. Tungkol samin ni Vice." 

"Hindi pa ba kayo okay?" tanong ni Vhong. "Mukha naman nang okay kayo ha." 

"It's more than that, Vhong. Ikaw unang makakaalam nito. God knows na gusto ko ng kalimutan 'to. Lalo na hindi ko naman dapat na pinoproblema na 'to. Dapat nga maging masaya ako para sakanya. Eto naman talaga yung gusto ko eh, yung lahat tayo maging masaya. Lalo na si Vice, deserve na deserve niya mga masaya." 

"Hindi ko gets, Karylle. Promdatop." sabi ni Vhong na umupo ng maayos sa sofa, listening attentively sa kaibigan. Karylle looked around before saying anything at ng masigurado na no one could hear them, nagsimula na niyang ikwento kay Vhong. 

"Vice and I became more than friends. Hindi ko alam kung cheating na ba kay Yael, 'yon.. Oo, cheating na... I kind of two timed noong boyfriend ko pa lang si Yael. You guys think it's all for the show pero naging mahalaga sakin si Vice. Walang label pero oo, nagdate kami minsan. Alam niya yung samin ni Yael pero okay lang daw." Nagulat naman si Vhong pero nakinig lang siya...so Karylle continued. "So, noong anniversary namin ni Yael, tinry kong lumayo kay Vice pero hindi ko na yata kaya. Hanggang noong gabi, I said yes. Akala ko ganoon lang kadali yon, tinry ko talaga lumayo, hindi ako nagtetext sakanya, hindi ako sumagot sa mga tawag niya. Hindi nga ako pumasok mga 2 days baka sakaling matauhan siya o masawa sakin." she sighed. 

"Pero pagpasok ko, tanggap pa din niya ko. Akala niya nasprain ako dahil sa ballet pero wala lang naman 'yon. Todo alaga, todo asikaso. Nakakaguilty kaya sinabi ko na sakanya na engaged na 'ko. Tinanong niya ko, paano kami. Eh, Vhong, wala namang kami. Natatakot kasi ako noon mamili, masaya man ako kasama si Vice, magulo. And mahal ko naman talaga si Yael pero Vice will always be my guilty pleasure." 

Umiling naman si Vhong at finally nagcomment na, "So, tumigil na si Vice noong sinabi mo na engaged ka na?" 

"Oo until January. Noong bago kami magaway because of his victory party, bumalik yung closeness namin pero wala ng malisya or meron? Basta. Alam ko namang 'di nawala yung feelings pero nilugar ko yung relasyon namin ni Vice. I wanted to be fair kay Yael... naging clear yung details nung wedding, kinwento ko sainyo. One day, kinausap niya ko... handa daw siyang talikuran ang lahat para sakin. Sabi pa niya, magtiwala daw ako sakanya. Napaisip ako, sabi ko sa ngayon hindi ko alam ang alam ko kako noon, hindi talaga kami pwede... maghihintay daw siya. Sobrang gulo. Ang bait bait ni Vice. Ayoko siyang saktan pero kung gusto ko siyang makasama? Kung kaya kong talikuran ang lahat para sakanya noon? Hindi ko sure eh." Karylle said remmebering kung gaano kahirap gumawa ng decision that time. 

"So pinili mo si Yael?" 

"The moment na hindi ako sumipot sa Victory party niya and stayed with Yael. Gets na daw niya." sabi pa ni Karylle na pinupunasan ang pisnging may luha ngayon. "Pero akala ko sinuko na niya ko. Nagkausap kami nung nasa America siya. Tinawagan niya ko a few days before my wedding." Karylle said looking away from Vhong. "Sabi niya maaring ikasal ako sa iba pero hindi daw nagbago... mahal pa din daw niya ko, na hindi porket sinuko niya ko, sumuko na din siya na magiging masaya kami sa huli. Gustong gusto kong umatras sa kasal pero nagdown na ko sa 2k per plate." Natawa naman silang dalawa. "Joke lang. Hahaha." sabi ni Karylle. Napailing lang si Vhong na natatawa pa din. "Bakit mo tinuloy?" 

ViceRylle One ShotsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ