#14: Somebody's Me

25.2K 332 102
                                    

You, do you remember me? Like I remember you? Do you spend your life? Going back in your mind to that time?

She's in her room again. Going through the letters in a brown box kasama ng mga pictures, mga receipts at kung ano ano pang mga bagay. She has been inspecting the box for almost an hour now.

Dear Karylle,

Noong una tayong magkita, ang kapal kapal ng make up ko noon, hinding hindi ko makakalimutan yon. Sa hallway ng ABS dahil pareho tayong maguguest sa Singing Bee. Nakita kita pero hindi kita pinansin. Inaamin ko noong una kitang makita hindi ko akalaing aabot tayo sa ganito. Hindi ikaw yung ideal girl ko e, maarte ka, makulit, lahat na yata ng ayaw ko sa isang tao na sayo. Pero bakit kahit ganoon sayo lang ako nainlove ng ganito?

Napakalungkot ng buhay ko, ang gusto ko nga lang makapag-provide sa pamilya ko, gumimik kasama ang kaibigan, magpasaya ng taong hindi ko naman talaga kakilala. Hanggang dumating ka, nabago ako. You saved my life then eventually you became my life. Hindi naging madali yung love story natin, napakaraming daot sa ating dalawa.

Hindi ko agad naamin sa sarili ko na mahal na pala kita e, hirap na hirap satin sila Vhong, Billy at si Anne, Kurba... Kurba yun yung tawag ko sayo. Yun yung tawag ko sayo kasi ang sexy mo noon. Hahaha. Hanggang ngayon naman, ikaw pa din ang pinakasexy para sakin e. Away bati, lagi tayong nagkakagalit kasi ang dami nating di maintindihan sa isa't isa. Mahirap naman talaga hindi ako sanay magmahal ng babae, hindi ka sanay ng baklang boyfriend. Hanggang sa naghiwalay tayo pero ewan ko ba after 5 years, tayo pa din talaga pala magkakatuluyan.

Kung sana mas maaga kita nakilala ede sana baka nagkaanak tayo, yung legit. Kasi alam mo K, kahit na hindi ka nabuntis, napakadami nating babies, fans natin. Pero kung nagkaanak tayo, baka spoiled no? Pero kahit di naman tayo nagkaanak, I'd still spend this lifetime with you. Ikaw yung bestfriend ko, asawa ko, cheerleader ko, buhay ko. Ikaw ang the best misis in the world.

I'll never forget our memories sa bawat out of town, out of the country trips natin. I have always loved travelling with you. Minsan random roadtrips... Europe, Baguio, America, Brazil, Davao, Bohol, Hong Kong.... Name it. Napuntahan na yata natin lahat ng vacation spots sa mundo.

Today I was informed baka makalimutan mo daw to lahat... so I made this letter. Sana through this in a way, maramdaman mo how happy we were together. 20 years na tayong kasal. And wala akong pinagsisihan sa 20 years na yon. Makalimutan mo na lahat K, sana lang wag mong kalimutan minsan sa buhay mo minahal at nagmahal ka ng bakla and you saved him. You completed his life. Ikaw yung bumuo sa missing piece ng buhay niya. Mahal na mahal kita Karylle.

Always and forever,

Vice Pogi

Because I walk the streets alone, I hate being on my own.

"Miss Karylle." Tawag sakanya ng nurse na naka-assign sakanya ngayon. "It's time to drink your meds na po. "

"Sino nga ulit si Vice Pogi?" Karylle asked.

"Siya yung asawa niyo po." The nurse said habang tinutulungan si K na uminom ng gamot niya.

"Asawa ko? Eh bakit mahal daw niya si Karylle?"

"Kayo nga po si Karylle." The nurse said smiling. Every day she would see Karylle going through yung mga pictures nila ni Vice then babasahin yung letter na yon. She would constantly read through the letter then ask her nurses kung sino yung nagsulat nung letter.

"Ang gwapo niya no. Girlfriend niya ba tong kasama niya?" Karylle asked the nurse while pointing at a picture nila ni Vice sa may showtime studio.

"Kayo po yan ni Pogi." The nurse said sabay upo sa tabi ni Karylle na nagready na for her bedtime.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now